HOY STORY TIME ULIT
Ngayon ito na talaga yung piknik mga ate at kuya
Habang kumakain kami dumaan si Sisa, papakainin sana siya ni Crisostomo ng pagkain ngunit hindi siya nakinig at umalis lang din kaagad. Pag-alis ni Sisa ay pinagtalunan ni Don Filipino at Padre Salvi ang sitwasyon tungkol sa pagnanakaw ng pera, mabuti nga at tinigilan silang dalawa ni Crisostomo.
Naglaro kami ng Gulong ng Kapalaran at tinanong ni Crisostomo ang gulong tungkol sa kanyang mga binabalak para sa bayan ngunit hindi siya sumang-ayon sa sagot ng gulong. Hindi naman din niya kailangan ang sagot ng gulong nandito kami ni Sinang para matulungan siya.
Biglaang dumating si padre Salvi sa amin at pinunit ang libro at kung ano-ano sinasabi niya. Nagalit si Albino sa kanya at pinagsabihan siya na hindi tama ang kanyang ginawa at kaagad na umalis si padre Salvi papunta sa kumbento niya. (buti nga sa kanya hehe)
ILANG MINUTO LAMANG NAKALIPAS MULA SA PAG-ALIS NI PADRE SALVI ay dumating ang sarhento at mga guwardiyang sibil, hinahanap daw nila ang humamak kay padre Damaso. Si Elias daw, yung piloto ng bangka namin *shook*
Ngunit hindi namin siya mahanap sa gubat, asan kaya si Elias?










