MAYBE THIS IS REALLY MY PURPOSE
Mula pagkabata, ako na lang ang laging umiintindi, ang laging nagpaparaya. mas matanda sya, pero ako pa din ang kailangang mag adjust. nawalan ako ng pagkabata at maagang tumanda, namulat sa katotohanan. hanggang ngayon, ako pa rin ang pilit na nagpapasensya at umiintindi. kasalanan ko ba? kasalanan ko bang, tao lang din ako; marunong masaktan at mapagod. sobrang pagod na pagod na ko magpasensya, lagi na lang ako ang umiintindi, wala namang nakakaintindi sakin. ayoko na mabuhay sa mundo, kung saan pinanganak akong walang kakampi. kung ngayong gabi kunin ako ng Diyos, walang pag-aatubili akong sasama. gusto ko nang makawala sa impyernong buhay na to. marahil mababaw para sa iba ngunit ako'y punong puno na. hindi ko na ata kaya pang mabuhay sa iisang bahay kasama sya at ang pamilyang napili nyang samahan. masyado nang maliit ang mundong ito para samin. marahil kapatid ko nga sya, pero sya, tanda ba nya? mula nang kalimutan nya kaming pamilya nya nung pinili nya ang babaeng yun ay kinalimutan ko na din na kapatid ko sya.









