Descendants of the Sun
KAKAKILIG!!!!

❣ Chile in a Photography ❣
🪼
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

No title available
🩵 avery cochrane 🩵
Color Me Curious
Not today Justin
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Cosmic Funnies

blake kathryn
Doug Jones

#extradirty

Origami Around
Misplaced Lens Cap
Xuebing Du
noise dept.
macklin celebrini has autism
ojovivo

tannertan36

gracie abrams
seen from Canada

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from India

seen from United States
seen from Philippines
@mariakarsilia
Descendants of the Sun
KAKAKILIG!!!!
CHOCOLATES
GUSTO KO NG CHOCOLOATES. YUNG MARAMI!
Medyo nakakainis
Medyo nakakainis. Alam ko naman na ako ang mali. Kaso di ga? Eh ano pa yung ginawa niya. Tas ang sasabihin pa ay para raw malaman kung ano ang mararamdaman niya kapag nakita ang picture ng ex niya. Aba naman eh ano?
Nag-sorry na ako sa nagawa ko. Pero ikaw? Naisip mo ba na nasasaktan ako ngayon dahil sa sinabi mo?
Oo ako na nga yung mahal mo. Kaya bakit kailangan mo pa tingnan yung account niya di ba? Anong dahilan mo pa?
Silence
Should I keep on holding or should I let go?
Whenever problem will come between us, you’ll stop talking to me. You won’t answer my calls, my message, you’ll ignore me. You won’t bother telling me the reason why. Slowly. You are pushing me away.
Should I stay or should I go? I don’t know. You won’t even talk to me.
Lunch at around 6 pm 😊 that 16 out of 24 hours haha ✌
Minsan
Minsan mapapaisip ka na lang talaga. Hindi mo maipaliwanag eh.
Morning
And I am still up. Hahahahaha
2016
A new year has arrived. Thank you Lord for giving me new chances and opportunities 🙏🙏🙏🙏 In Your grace, will and guidance, I know I can do anything. Thank you po.
Paano ba aaminin
Di ko alam kung bakit sayo ako ay ganito. Di maintindihan kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Di matanto kung kelan at hanggang kelan ito. Di ko pa rin alam kung dapat sabihin sayo. Siguro nga mahal na kita. Siguro nga di lang basta gustong makita. Siguro nga iba na talaga. Siguro nga. Siguro nga. Nakakagago ang takbo ng mundo. Sa halos dalawang taon ay kuntento ako. Kahit parang kulang ay ayos lang. Sapat na sa akin kahit ako lang. Kailan ko ba tatanggapin Na ako sayo ay hanggang tingin? Kailan ko ba maiintindihan Na di pwede ang nararamdaman. Pero bakit sayo pa Bakit kasi sayo pa. Pero bakit nga ba. Kasi bakit nga ba. - C
Ara
Di ba nkakakapagtaka Na sayo ako ay may nakita Di naman sadya Pero puso'y ikaw ang adya. Sayo tinamaan Kahit di pwedeng magustuhan Weirdong bata Nais ay si tanda. Tila ang hirap makamtan Ng ngiti mong inaasam. Kaya ako sayo ay napaamin Pagkat kay hirap nang kimkimin. Minsan ay parang kay raming alam Ngunit pagdating sayo di alam ang dahilan Bakit nga at paano na Kung ikaw ay kay layo pala. Masaya na ikaw ay nakilala Mas masaya na ngayong kinikilala pa Payo mo ay susundin Sa pagaaral isip ay di aalisin. Sana lang pag sumakto ang panahon Sana lang pag tama na ang pagkakataon Di naman masamang isipin Lalo na kung ikaw ang papangarapin. Simpleng katha para sayo Sa tagulan sana ay mabasa mo Di ko sinasadya. Pero sadyang iba na nga. - C
Six and Seven She's a cry baby. Well, I cry easily as well. I bully her whenever I have the chance, and she does the same. I'm short tempered and has thin patience over some things. She calms me down. She's that friend who can help me got through whatever, especially on lipstick issues. We have our differences. Our issues. Our stories. But whatever. She will always be my Buddy 😊 and I'm lucky to have a friend who can understand me and have accepted me as i am. Thank you Buddy 😊
Ara
Bakit nga ba sa iyo pa ako tinamaan? Madami namang iba dyan. Bakit sa iyo pa na di pwedeng magustuhan. Sayo na tila kay hirap makamtan. Oo gusto kita sa di malamang kadahilanan. Di ko alam kung bakit ikaw at kung kelan pa. Yung dating natutuwa lang ako sayo ngayon ay nag-iba na. Ang hirap kimkimin kasi di ko rin alam. Bakit pagdating sayo, wala akong maisip na dahilan? Di ko tuloy alam kung paano na.
Ara
I like her. And yes she's a woman as well. I don't know what to say nor feel nor even think. All I know is that I am happy. I am free. I've always been following what I want and not what others want for me. I'm done with being a 'Yes' human. It's not that I am hard headed, or maybe a little. I just am living my life. My life. I don't know if I'm just confused or got caught up in the moment, but I really am happy whenever I thought of her. The awkward thing is, she's my prof hahaha. We're of the same age but she's more mature in some ways. Maybe because she's a prof and already working. I'm trying to move on. That's what I'll be doing.
Admit
Ara kasi eh. Kainis ka! Bakit ganito yung feelings ko? Sabi ni Zarah at Ate Janeth sakin, mahal na nga daw kita. Mahal na nga ba kita?
Ano?
"Bulok ka kasi" Mula nung bata pa ko wala akong ginawa kundi mag-aral. Di pwedeng lumabas nang bahay. Sarili ko ang kalaro ko. Kapag nahuhuling nanunuod ng tv, pinapagalitan. Kapag di perfect ang exams, minumura, pinapalo. Nasasabihan nang tanga. Natapos ko ang pre-elem nang 1st honor. Kasi pag di ako ang first, pinaparusahan ako. Sinisigawan. Pinapalo. Akala ko dati normal lang yun. Dati, ang tingin ko sa lahat nang kaklase ko, kakompetensiya ko. Dapat ako ang magaling. Kasi kung hindi. Papaluin ako. Sasabihan nang tanga. Madidisappoint ko sila. Pagagalitan at papaluin ako. Luluhod sa asin habang nag-aaral. Nung elementary ako, tanda ko naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi ang "free" nila gumalaw. Sinusuportahan sila sa gusto nila. Ako? Wala. Mag-aral daw. Magbasa. Mag-aral ulit. Naalala ko, nung sumali ako sa band ang dinahilan ko kasi may grades yun sa PE, kaya ako pinayagan. Di nila alam kasi gusto ko yun. Gusto ko sumayaw. Dati sinusubukan ko magsayaw sa bahay, pinapagalitan ako. Wala daw ako mapapala sa mga ginagawa ko. Mag-aral daw ako. Elementary. Valedictorian ako. Tanda ko, proud siya sakin. Halos nasa akin lahat nang awards. Pero ang sinabi sa akin, "Bakit di mo pa nilahat? Di ka kasi nag-aaral nang ayos." High school. Scholar ako. Nung 1st year, nag-aaral ako nang maayos. Pero nun ko naranasan yung may barkada/close friends. Konti konti, nag-loosen up ako. Pero di ko pinabayaan ang pag-aaral ko. Pero ganun pa rin ang sabi niya, "Mag-aral ka nga. Di yung barkada ka nang barkada." Nasa honor list ako. At matataas naman ang grades ko. Pero kapag nakikita niya ang grades ko, disappointed pa rin siya. 2nd year, mas nag-loosen up ako sa pag-aaral. Di dahil nagpapabaya ako. Pero dahil nakikita ko na di lang naman dapat sa "libro" iikot ang buhay. Madami pang malalaman na di sa libro nakikita. Honor student pa rin ako at scholar. Pero as usual, disappointment ako para sa kanya. 3rd year. Eto na. Dito ko na binitawan yung itinanim sa akin na dapat laging magaling. Dapat lahat alam. Wag tanga. Bakit? Kasi ayoko na. Ayoko na makinig. Dahil naisip ko, kahit ano gawin ko, di naman sila makukuntento. Kahit ginagawa ko na ang best ko. Wala. Kulang pa rin. Sabi ko sa sarili ko, ieenjoy ko na lang ang ginagawa ko. Namaintain ko ang pagiging honor student at scholar kahit pa natuto ako mag-inom at nagkaboyfriend. Di ako nagpabaya, siguro konti, pero nakabawi ako. Pero tulad nang dati, disappointed. 4th year. Nakatapos ako na honor student ako. Masaya ako. Syempre. Chill ako nung time na yun eh. Enjoy lang. Pero binawi ko para naman makaakyat pa rin sa stage. As usual. Disappointment. Naaalala ko dati, sinabi sa akin "Di mo yata kaya". Nung nag-college ako. UP lang ang inasam kong pasukan at engineering lang ang gusto kong kunin. Di pa konkreto kung anong engineering pero yun ang gusto ko. Kaso, naging scholar ulit ako sa school ko nung high school. Kaya ayun. Dun ako. Engineering pa rin naman. Gusto ko nung una, pero nung patapos na ang 1st sem, alam ko sa sarili ko na di na ko masaya. Alam ko na pag tinuloy ko, darating yung time na susukuan ko kasi di ko gusto ang ginagawa ko. Mahabang paliwanagan ang nangyari. Di nila ako maintindihan. Di nila maintindihan na simula pa lang ayoko na dun, di dahil may issues ako pero dahil iba ang gusto ko. Mahabang paliwanagan ang nangyari. Mahabang sermon. Mura. At kung ano ano pa bago ako payagan na lumipat. Gusto ko UP kaso baka di kayanin sa budget. Kaya sa BSU ako. Masaya ako. Kahit nung lumipat ako ay irregular ang schedules ko. Okay lang. Geh kahit mahirap. Kasi masaya ako. Pero halos arae araw ko naririnig yung "Kung di ka lumipat edi sana 2nd/3rd year ka na". Nakakarindi. Pero di ko pinapansin. Kasi gusto ko ang ginagawa ko. Ang paalam ko sa amin kaya ako pinayagan sa BSU ay Civil Engineering ang kukunin ko. Structural Engineering ang gusto ko talaga. Kaso walang offer na ganun. Di naman ako pwede na maghanap nang ibang school na malayo kasi di na ako papayagan lalo. Kaya sabi ko dun sa sunod na gusto ko, Environmental Engineering. Sa BSU ang offer ay Environmental and Sanitary Engineering kaya yun ang kinuha ko. Kasi gusto ko. Nunh nabuntis ako, nadisappoint sila. Di na ko nagtaka. Sanay na ako. Kasi kahit anong achievement ko, di ko naramdaman na naging proud sila. Laging may hirit. Laging may komento. Laging "Dapat BlahBlahBlah". Tinuloy ko ang pag-aaral. Araw araw ang laging sabi "Mag-aral ka na. Baka mamaya kung ano ano na naman ginagawa mo". "Kung di ka nabuntis at matigas yang ulo mo edi sana tapos ka na ngayon". "Lagi ka nang ginabi. Ano na naman ginagawa mo?" Laging kinukumpara. Laging "buti pa si ganito, si ganoon." At mas lalong nadisappoint nung nalaman na di naman CE ang kinuha ko at EnSE. Tanong pa sa akin ay kung saan daw ako magtratrabaho, ano daw magagawa ko. "Ano ba ginagawa mo sa buhay mo?" Laging tanong sa akin. "Bagsak ka noh? Kaya siguro ayaw mo ipakita class cards mo". Wala akong maalala na tinanong ako kung kamusta na pag-aaral ko sa magandang paraan. Laging galit. Kulang na lang ipamukha na ako ang pinakatangang tao sa mundo. Sanayan lang. Di ako pwedeng magsabi na mahirap yung subject/course kasi siguradong sasabihan lang ako na tanga ako. Lagi naman ganoon. Di ako pwede magtanong. Dahil dapat alam ko na. Paano ka gaganahan mag-aral kung laging sasabihin sa iyo, ipapamukha sa iyo na wala kang galing. Di ka magaling. Bobo ka. Tanga ka. "Simpleng bagay di mo alam?" "Buti pa yung mga kaklase mo, tapos na. Ikaw nag-aaral pa rin. Paano'y matigas ang ulo mo. Tatanga tanga ka kasi." "Di ba dapat alam mo na yan?" "Ang baba naman nang grades mo." "Natuwa ka na dyan? Ang baba naman nyan." "Summer ka? Bagsak ka noh? Umayos ka kasi ng pag-aaral mo. Di yung patanga tanga ka na naman." Kapag nakikita ako na nag-aaral ako. Tatanungin kung may sakit ba ako. Thesis. Syempre matagal gawin. Dahil di lang naman yun ang iniintindi. "Di pa tapos ang thesis na iyan? Tagal na tagal na niyan. Baka kung ano na naman ginagawa mo" "Di ka nag-Civil kasi di mo kaya. Bulok ka kasi" "Bulok ka kasi" "Di mo kasi kaya" Bakit nga ba di CE ang kinuha ko? Kasi alam ko na pag yun ang kinuha ko, madidisappoint lang siya. Bakit? Dahil tanggap ko na may possibility na bumagsak or pasang-awa lang ang mga grades ko. At pag ganoon, puro lait at lait at lait ang makukuha ko. Masaya ako sa EnSE. Kasi gusto ko ang ginagawa ko. Masaya ako kahit na nagkabagsak ako kasi nabawi ko yun. Masaya ako kahit na tambak minsan ang pinapagawa kasi di lang pangsarili ang natututunan ko. Masaya ako kahit na alam ko na disappointed sila sa desisyon ko. Bakit? Kasi desisyon ko ito. Alam ko sa sarili ko ang kaya at hindi ko kaya. Pero madami akong kaya na di ko ginagawa. Kaso sinusubukan ko pa lang, sasabihin na agad sa akin na walang kwenta ang mga ginagawa ko. Sinusubukan ko magluto, ang ending? "Eksperimento" ang tawag. Sinusubukan ko gumawa nang mga bagay na di ginagawa nang iba, kasi gusto ko. Sa mga desisyon ko sa buhay, wala akong matandaan na sinuportahan ako. Laging mag-isa. Sanay na ako. Sinanay nila kasi ako. Sinanay nila ako na ang tingin ko sa ibang tao ay kompetisyon. Na kailangan laging magaling. Bawal magkamali. Laging sila ang masusunod. Pero habang tumatanda ako,natuto ako. Oo sa tingin nang iba, wala akong kwentang anak. Dahil nagpabuntis nang maaga. Natuto ako na magmahal nang sobra kasi di ko nakita kung paano ba ang tamang pagmamahal. Wala akong modelo. Huli na nung nakita ko sa ibang "couple" ang modelo nang tunay na pagmamahal. Natuto akong sumagot. Dahil natuto akong panindigan ang gusto ko. Natuto akong magdamot. Dahil nakakasawa na yung laging ikaw ang magbibigay. Natuto akong maging tamad. Dahil kahit anong sipag ko, ang tingin nila, katangahan/walang kwenta ang ginagawa ko. Disappointment lang ang laging nasa mukha. Laging may kulang. Natuto akong makuntento sa "tres" dahil kahit ano pa man ang grades ko, ang tingin nila ay di pa rin sapat yun. Walang magbabago kahit mataas o mababa ang grades ko. Dahil laging kulang para sa kanila. Natuto akong manahimik. Kasi wala namang gustong makinig sa akin. Hindi mahalaga ang opinyon ko. Hindi mahalaga ang naiisip at nararamdaman ko. Natuto akong mawalan nang pakialam. Para di na lang masaktan. Akala nang iba, malaki ang bilib ko sa sarili. Akala nilang lahat mataas ang tingin ko sa sarili ko. Akala nilang lahat galing na galing ako sa sarili ko. Pero hindi. Dahil araw araw may nagpapaalala sakin na di ako magaling. Di ko kaya. Bulok ako. Tanga ako. Lumaki ako na may duda sa sarili. Na mababa ang tingin ko sa kakayahan ko. Na lagi kong iniisip na baka nga di ko kaya. Kaya, nagsesettle na lang ako sa "pasang awa", "ayos na yan". Dahil lumaki ako na, wala namang magbabago kahit ano pa yan. Mananatiling kulang yan sa mata nila. Pero binabago ko yun. Dahil naisip ko, dapat ako yung maniwala sa sarili ko. Kahit wala nang ibang maniwala sa kakayahan ko, basta dapat maniwala ako sa kaya ko. Pinipilit ko itulak pataas yung sarili ko. Chinachallenge ko yung sarili ko. Pinupuri ko ang sarili ko. Pinapaniwalaan ko ang kakayahan ko. Pero alam ko, binigay ni God sa akin yung kailangan ko. Kung wala siya, baka nga sumuko na ako. Dahil siya lang ang kaya kong sabihin na naniniwala sa akin. Siya lang yung nagsasabi na "Kaya mo yan Mama!" , "Ang galing talaga ni Mama ko". Kaya kahit mahirap, ginagawa ko. Alam ko na di ito ang best ko at alam ko na mas may kaya pa ako. Pero kapag naiisip ko na kahit naman ano gawin ko, disappointment pa rin ako, wala. Pinapanghinaan na ako. Tinatamad na ako. Kapag ganoon, inaalala ko lang kung bakit nga ba ito ang ginagawa ko. Kasi gusto ko. Para sa sarili ko. Ayon. Bumabalik yung kumpyansa ko. Kaya kahit medyo gawang tamad, nairaraos din Marami nang nagbago. Minsan masipag ako. Minsan tamad ako. Pero di magbabago na gusto ko ang ginagawa ko. Kasi yun ang natutunan ko. Gawin mo kung ano yung nagpapasaya sayo. Gawin mo ang gusto mo. Kahit ganun ang tingin nila. Masaya ako sa ginagawa ko. Ayern. Drama. Wala lang.