Sa kasalukuyang panahon ngayon, dagsa ang bawat problema dala ng pandemya sa mga tao. Sa mga nakalipas na mga buwan, pataas ng pataas ang mga kaso ng nagiging positibo sa virus, pati na rin ang mga namamatay dahil dito. Kinakailangan ding harapin ng bawat isa ang mga pagbabagong dulot ng pandemyang ito, ang “new normal” na inilunsod ng bansa. Kasama na rito ang mga kabataang hindi maiiwasang manibago, dahil sa isang iglap, tila ba’y nawalan sila ng kalayaan at nakulong sa kanilang mga tahanan.
Sa komunidad, dito tayo naglilibang kasama ang ating mga kapamilya at kaibigan. Dito din naten nakikilala ang ating kapwa. Ngunit, dahil sa mga striktong patakaran ng gobyerno, tayo'y pinagbabawalang lumabas ng ating mga bahay. Ang iba naman ay natatakot pang lumabas sa kanilang tahanan dahil sa banta ng impeksyon. Sa kasalukuyan ngayon, ginagamit ang social media bilang isang midyum ng komunikasyon at libangan para sa lahat, lalo na sa kabataan. Ngunit, dapat ay mag-iingat pa rin dahil maraming nagkakalat ng mga balitang hindi makatotoo at dumadami rin ang mga kaso ng cyber threat o ang cyberbullying.
Sa ating tahanan, dito tayo nakakaramdam ng seguridad sa ating pamilya ngunit ngayong pandemya, samu’t-saring emosyon, mapa-negatibo man o positibo ay naghahalo at ito'y posibleng maapektuhan ang kalusugan ng pag-iisip ng bawat isa. Maaring takot na ang kanilang nararamdaman, sapagkat sila’y nangangamba na baka hindi na ito matapos, at hindi na sila makabalik sa dati nilang buhay.
Sa ating paaralan, dito tayo natututo at lumalaki para sa ating kinabukasan, tinutulungan din tayo maging makatao. Mayroon din namang mga mag-aaral na nabubuhay sa takot at pangamba, dahil sa hirap ng mga klase ngayong pandemya. At siyempre, karamihan ng mga estudyante sa ating bansa ay hindi nakakapag-aral dahil sa kakulangan sa pera at pangangailangan, lalo na’t ang mga klase ngayon ay nagaganap online. Halos lahat ng kabataan ngayon ay paniguradong napapagod nang tumingin sa harap ng kanilang mga computer at lalong lumala ang kanilang problema sa mata.
Patuloy padin ang paglalaban natin sa pandemya. Ito'y isa sa malaking problema na ating pinagdaanan dahil hindi lang ang komunidad natin, ang tahanan na ating tinitirhan at ang paaralan kung saan tayo'y nag-aaral kundi, ang ekonomiya na kasabwat ang trabaho ng bawat isa. Bagaman, unti-unti tayong bumabangon sa tulong ng bakuna para sa lahat, hindi padin dapat tayo makampante dahil sa rason na, tayo'y nasa loob padin ng pandemya at ang bayrus nasa paligid lamang natin.
Para sa mga kabataan o kapamilya natin na nananatili lamang sa tahanan, huwag kayo magpapatalo sa mga namumuong emosyon na makakasira sa ating kaligayahan at kinabukasan dahil hindi kayo nag-iisa, lahat ng tao ay sama-sama upang labanan ng sabay ang ating pambansang suliranin.
Ang ganda!














