The lovestories written by mervincanta, Taguig, Philippines. 460 likes · 60 talking about this. LOVESTORIES,horror,comedy everything!
Like my Personal Page :)
Alisa U Zemlji Chuda
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

if i look back, i am lost

No title available
Sade Olutola
No title available

❣ Chile in a Photography ❣
$LAYYYTER

tannertan36
Misplaced Lens Cap

ellievsbear

No title available

No title available
ojovivo
NASA

pixel skylines

Kiana Khansmith
h
Monterey Bay Aquarium
seen from United States

seen from United States

seen from Mexico
seen from France

seen from Netherlands
seen from Australia

seen from United States
seen from Peru
seen from Türkiye

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from United States
seen from Poland

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Italy
seen from Poland

seen from Canada

seen from Australia

seen from Israel
@mervincanta
The lovestories written by mervincanta, Taguig, Philippines. 460 likes · 60 talking about this. LOVESTORIES,horror,comedy everything!
Like my Personal Page :)
Crush Version 2.0
Crush Version 2.0
Siyempre hindi lang si M ang naging crush ko no’ng kabataan days ko. O well, nagkiss nga kami ni M, pero hanggang do’n lang ang naganap. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at ginawa niya ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam kung pinagpraktisan lang ba niya ako para kung saka-sakaling magkaroon siya ng girlfriend ay alam na niya kung paano ang humalik. Hindi ako sigurado do’n, nanghuhula lang ako, pero totoo ang naramdaman ko ng mga panahon na iyon.
O well, that’s past. Kailangan nang kalimutan at mag-move on na. Kenneth Yanson.
Katulad ni M. ay medyo sikat at kilala din si Kenneth sa aming paaralan. Ikaw ba naman ang mapabilang sa top section hindi ka magiging sikat? Yes! Hindi lang siya basta gwapo, kundi isa rin siyang matalino. At ako? nasa section 6. Hindi man matalino, hindi naman bobo. Average lang.
Una kong nakita si Kenneth no’ng inutusan ako ng teacher namin sa science na pumunta sa section nila at kunin ang exam nila ng minutong iyon dahil kami ang mag-che-check. At nang makarating ako sa room nila makikita mo ang pagkakaiba talaga. Malinis, maaliwalas at kakaunti lang ang maingay at isa na ro’n ang grupong kinabibilangan ni Kenneth. Nang makita nila ako ay para bang nakakita sila ng multo, o well hindi pa naman kasi ako marunong mag-ayos sa sarili ko ng mga panahon na iyon, at hindi pa ako marunong mag-ayos at magdala ng sarili ko para sa ibang tao.
Tumayo siya at lumapit siya sa akin, kinuha niya ang mga papers ng mga kaklase niya’t inabot niya sa akin. Nagkadikit ang aming kamay at may kakaiba akong naramdaman ng minutong iyon.
Kuryente.
Oo! Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko na galing sa kaniya ng minutong iyon. Dahil sa naramdaman kong iyon, nabitawan ko ang papel, at saka nila ako pinagtawanan, tumawa din siya at sinabing ang lampa ko raw na bakla. Nasaktan ako, pero kahit papaano ay napansin niya ako, in negative ways nga lang.
Hanggang sa sumapit ang graduation day namin ay do’n ko inamin sa pinsan ko na naging klasmeyt niya rin pala si Kenneth no’ng grade five sila, sinabi ko sa kaniya na crush ko iyong poging iyon. at ang lakas ko talaga kay Lord, ipinagdasal ko kasi na sana mapansin ako ni Kenneth kahit sa huling pagkakataon. Nang natapos ang ceremony ay nagsimula ng magsi-uwian ang lahat, habang inaantay ko ang pinsan ko may lumapit sa akin, oo na! hindi na siya lumapit. Umupo lang naman talaga siya sa tabi ko, Siguro may inaantay siya o iyong nanay niya o kung sino. Hindi ako sure, napalingon ako sa kaniya, tapos halos malaglag ang panga ko ng makita kong siya ang katabi ko. Hindi ako mapakali, at mas lalo akong kinabahan ng bigla siyang nagsalita at sinabing.
Congratulations din raw sa akin. Saka lumapit ang kaibigan niya at hinila siya nito at nagpa-kuha ng picture. Nag-init ang pisngi ko ng oras na iyon, na tila sasabog ako nang hindi ko mawari. Simula no’n palagi na at hindi maalis sa isip ko si Kenneth hanggang sa makapasok na ako sa highschool, isang bagong tayong paaralan malapit sa aming lugar.
Sa totoo lang ipinagdasal ko na sana dito nalang mag-aral si kenneth, kasi balita ko sa pinsan ko na sa ibang paaralan siya mag-aaral, at nalungkot ako ng malaman ko iyon. Pero no’ng unang araw namin sa paaralan at tinignan ko ang pangalan ko sa listahan ay nakita ko ang pangalan ko Section 2. At hinanap napatingin ako sa pangalan ng ibang mga magiging kaklase ko at napasigaw ako ng makita ko ang apelyedo’t pangalan ni Kenneth sa listahan.
Magkaklase kami! Yahoo! Ang lakas ko kay Papa Lord!
Ayun na nga, naging magkaklase kami. at do’n ko mas nakilala ang isang Kenneth Yanson. O well, isa siyang typical na bad boy. Kasama parin niya ang mga kaklase niya’t kabarkada niya dati at ipinagsama-sama nila ang kanilang kapanyarihan upang asarin ako at sirain ang araw ko, araw-araw. Pero, okay lang. Okay naman ako ngayon, wala akong tinanim na galit sa kaniya o maski sa mga kaibigan niya. Siguro no’ng mga panahon na iyon, pero ngayon? I’m matured enough, alam ko na gawain lang nila iyon para magpapansin, at mapansin. Marahil hindi man para sa akin, kundi para sa lahat. At para narin maging masaya ang highschool life nila.
Hindi raw kasi kumpleto ang highschool life ng isang estudyante kung wala silang nabubully. Hindi ko sinabing tama ang mambully, ang sinasabi ko lang ay parte na talaga ito ng highschool life ng bawat isa sa atin. May tao talagang ipinanganak na bully, at nabubully.
Pero sabihin mo, minsan namimiss mo rin ang mga panahon na inaasar ka. Kasi kahit papaano nakatatak ka sa isip niya, in negative ways nga lang. Pero atleast naaalala ka niya. Diba nakakakilig iyon?
a�5 ��
Crush
Crush
Isang salita na kapag binanggit mo marami kang taong maiisip.
Una kong naramdaman ito no’ng makilala ko si M. Kapit bahay namin siya, isa siyang typical na bully. Maangas, mayabang, astig at pasaway. Ganito ang tingin ng lahat ng mga tao sa lugar namin sa kaniya. Still, kapag kasama ko siya, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Matakot. At kiligin. Kahit na palagi niya akong inaasar at paminsan-pinsan ay pinapaiyak.
Wala nga akong maalala na araw na tuwing magkalaro kami ay hindi niya ako nilalait. Bading na kasi ako kahit na no’ng bata pa ako, at alam na ito sa lugar namin, pero hindi ako iyong typical na bading na makikita mong gumagala sa gabi na nakasuot ng short na kaunting galaw nalang nila ay kita na ang mga itlog nila. Nagsho-short ako, para maramdaman kong sexy ako, kahit na ang itim ko ng mga panahon na iyon.
Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan si M. Oh well, siguro para sa akin, siya lang ang cute sa lugar namin ng mga panahon na iyon, at isa pa para siyang crush ng bayan sa lugar namin. Ang daming nahuhumaling sa kaniya, at isa na nga ako do’n. Palihim nga lang.
Palihim kasi ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko ng mga panahon na iyon kasi baka itukso nila ako at masaktan lang ako sa panunukso nila sa akin sa kaniya. Mabuti nalang ay kaibigan ko ang pinsan niya, at sobrang close namin sa isa’t isa. Siya ang unang taong nasabihan ko tungkol sa pagtingin ko sa pinsan niya, at no’ng una tinawanan niya lang ako at tinanong, kasi saksi siya kung paano ako asarin ng lalaking iyon. Ano raw ba ang pumasok sa isip ko’t nagustuhan ko ang isang tulad niya, sa totoo lang wala. Hindi ko alam, siguro nagustuhan ko ang pagiging maangas niya, mayabang, pasaway at astig sa lugar namin. Para kasing gusto kong maging katulad niya, kilala, sikat. Pero siyempre ihiwalay na natin ang angking kagwapuhan niya ng mga panahon na iyon.
May kakaibang ngiti kasi sa mga maangas niyang mukha. Iyong pag-galaw ng kilay niya at iyong palihim na pagkindat niya sa akin. Ang nagbibigay ng pag-asa sa akin na may kakaiba din siyang nararamdaman para sa akin.
Oo, kahit na no’ng bata pa ako ay ang lakas ng pag-asa ko, mas malakas pa sa pag-asa ng bayan ang nararamdaman ko kapag naglalaro kami sa labas. Siya ang dahilan ko kung bakit gusto kong mababad sa araw kahit na mangingitim ako. Siya ang dahilan ko kung bakit kailangan kong magpabugbog ng katawan sa paglalaro ng Five-Tens. Nang mahawakan ko lang ang kamay niya ay kumpleto na ang araw ko.
Hanggang sa dumating ang isang gabi.
Isang gabi na kung saan nalaman kong may nararamdaman din pala siya para sa akin.
Hindi ko siya tinanong, ngunit sinagot niya ako ng isang matamis na halik.
Oo, halik. Siya ang kauna-unang taong gumawa sa akin no’n at hindi ko iyong nakakalimutan.
Kung paano lumapat ang labi niya sa labi ko.
Kung paano niya iginalaw ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Kung paano tumalbog ang puso ko ng minutong iyon.
Ng minutong iyon.
Sa iskinita.
Sa madilim na iskinita.
Sa malaking bato, na siyang palaging tinatambayan naming magbabarkada tuwing umaga hanggang sa sumapit ang gabi.
Do’n niya ako hinalikan.
Hindi pala masama ang magkaroon ng crush.
Basta, alam mo ang limitasyon mo, at kailangan alam mo kung paano, ito lalaruin.
At hindi rin naman pala masama ang umasa, kahit matagal kung marunong kang mag-antay, ibibigay talaga niya. Basta maniwala ka lang palagi sa kaniya.
Lalaki ako
Lalake ako.
Lalake ako pero may tunog akong naririnig sa loob ng kaloob looban ng puso’t kaluluwa ko.
Isang tunog na nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi.
Isang tinig na nagbibigay kulay sa mapusyaw na kulay ng aking mundo.
Isang himig na siyang bumubuhay sa natutulog na pangarap ko.
Nalilito ako,
Naguguluhan,
Hindi ko maintindihan,
Pero alam ko, na noon pa man hindi ako kung sino man ang nakikita mo.
Na hindi ako ang taong nasa harapan mo.
Na iba ang tingin ko sa sarili ko.
Na sa tuwing tumitingin ako sa harap ng salamin,
Ibang katauhan ang sa akin ay sumasalamin.
Mataas na pilik mata,
Mapula ang mga labi,
Mapula ang pisngi,
May katawang korte kagaya ng sa bote
Na walang tumutubong bigote
Sa aking mukha,
Hindi gaya ng iyong nakikita.
Lalake ako.
Sa iyong paningin,
Pero para sa akin,
Para sa akin ako ay isang babae,
Babae na nagtatago sa katauhan ng isang lalake,
Babae na simula’t sa simula ay hindi makalabas,
Ni hindi makalabas at maipakita kung ano nga ba,
O sino nga ba talaga siya?
Sino nga ba siya?
Paano nga ba siya?
Tatanggapin,
Yayakapin,
Ng mga taong ang tingin sa kaniya ay putik
Isang putik na sobrang dumi,
Isang putik sa damit na kahit ilang beses ibabad ay walang paraan para matanggal
Ang mantsa na nakadikit na sa kanyang balat
Kahit hindi pa man siya lubusang lumalabas,
Nagpapakilala,
Nagpapakita,
Nagpaparamdam ng kaniyang tunay na pagkatao,
Sa mga tao,
Sa mga taong mapanghusga,
Mga taong katulad mo,
Na katulad mo,
Na ikaw,
Na tanging ikaw,
Na siyang nakakakilala sa kaniya,
Sa tunay na siya,
Na ang tingin sa kaniya ay isang baliw,
Isa taong na ang tingin sa buhay ay isang pang-alis aliw,
Lalake ako,
Pero gusto ko ng maging isang babae,
Matagal ko ng gustong maging babae,
Magatal na,
Sobrang tagal na,
Hindi ko na mabilang ang mga luha na lumalabas sa aking mga mata,
Mga luha na matagal ng bumabagabag sa aking kaloob-looban,
Gusto kong sumayaw,
Gusto kong humiyaw.
Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na hindi talaga ako isang lalake,
Kundi isang babae,
Isang tunay na babae,
Na matagal na natutulog sa loob ng katawan ng isang lalake
Na naghihinatay lang na may gumising para ako ay tumayo,
Humayo,
At magpakalayo-layo sa mga taong katulad mo,
Katulad mo na walang ginawa kundi ang kutyain ako,
Kawawain ako,
Pagtawanan ang isang katulad ko.
Hamakin ang isang katulad ko,
Na kahit ang Diyos na makapangyarihan
At may gawa sa lahat ay hindi kayang gawin,
Na hindi tumitingin sa kung sino ka o ano ka nga ba talaga.
Dahil, alam ko.
Alam ko,
Sa kaniyang mga mata,
Sa kaniyang puso,
Ako ay normal,
Ako ay tao,
Ako ay kaniyang anak,
At higit sa lahat,
Higit na natatangi sa lahat,
Alam kong mahal niya ako,
Mahal ako ng Diyos,
Pagmamahal na hindi mo naibigay sa akin.
(c) Wackymervin
#HORMONESseries2013
#KUMUSTAKRASMOBOOK2
The Girf from Yesterday.
humaygad. luhan my love so sweet.
ETO YUN eh...yung tinitignan ako ni kras?. hayssss kiligness
#karlomykras
KUMUSTA KRAS MO?. it's all about a story of a girl named ADRIENNE who is secretly in love with this guy whose named is KARLO.
MY WATTPAD. FRIENDS....see u on september.
I'ts nice to be a SINGLE, but i didn't say that it's good to be a SINGLE!
-wackymervin
"no RELATIONSHIP, no EMOTIONS, just SEX!" -KATHRYN BERNARDO
"mamamatay man ako gusto ko sa piling mo lang ako mahal ko" Danna Marie Florentino
PROMISE BOOTH:
"Where Every Promises are not meant to be BROKEN" -Sally
"I LIKE THE DREAMS OF THE FUTURE BETTER THAN THE HISTORY OF THE PAST"
#MERVINCANTA
"nothing is impossible the word it self says i'm possible"
-mervincanta
"Duda, ang pinaka-nakamamatay na kasalanan"
#madalingArawMahabangGAbi