Nag-iba na ang lahat,
Noong iniwan mo ako,
Akala ko mamatay ang puso ko<
Ngunit niyakap ko nag bawat sakit,
Hinayaang tumulo ang bawat luha,
Hanggang sa mamugto ang mga mata.
Ang mga mata kong minsan mo nang pinaningning
Ng iyong mga titig at matatamis na salita.
Sinong makakalimot sa gabing binuksan mo ang iyong telepono,
Nagpatugtog ng awiting minsan nating nangkin.
Hinawakan ang aking mga kamay,
Pinagalaw ang aking mga paa,
Nawala tayo sa ilalim ng gabi.
Sinayaw mo ako papunta sa kalawakan ng ligaya, ng pagmamahal at pagkalinga.
Ngunit ang awit ay natapos,
Bumitaw ka saking pag gapos,
Nag-iba ang agos.
Pinagmaskan ko ang pag-iba ng iyong landas,
Ang pagdaong mo sa ibang isla ng ligaya,
Tinanaw kita, tinatanaw kita.
Sinanay ko ang sarili na mag-isa,
Mabuhay sa nag-iisa kong isla,
habang patuloy na tinatanaw ka.
At tinanaw kitang muli,
Tamis ng iyong mga ngiti ay aking nakita.
Kay ningning na ng iyong mga mata,
Nalimutan na ako sinta.
Tumayo ako at naglakas
Iniisip kung ano ang ilalahad ng tadhana sa aking mga palad,
Tumayo ako at naglakad,
Papunta sa lugar na di ko pa nakikita.
Umaasang makakahanap ng ligaya.
Tumayo ako at naglakad,
Naglakas at maglalakad,
Bibitawan sa bawat paghakbang,
ang bigay, ang lungkot, ang bawat pangarap at tatanggapon na nag-iba na ang lahat.