Tadhana
Sa unang pag-awit ng dalawang puso, Dalawang magkaibang mundo, Ang tuluyang pinagtagpo, Sa isang entablado na may awiting bago..
Sa ilang taong nagdaan sa inyong dalawa, Isang magandang pagkakaibigan ang nagsimula, Dumating man ang maraming problema sa inyong dalawa, Hindi nito nasira ang inyong pagsasama..
Sa isang iglap, kayo’y nagbago, Tadhana nga’y tunay na mapagbiro, Kayong dalawa’y pinaglayo, At walang nakaalam ng dahilan nito..
Ang mga nagmamahal ay naiwang lito, Nagtatanong kung bakit nagkaganito, Ang dating masayang pagkakaibigan nyo, Ay parang bulang bigla na lang naglaho..
Ngunit katulad ng unang awitin ninyo, Walang nakatibag sa samahang inyong nabuo, Ito’y binubuo ng libo-libong tagahanga, Na handang maghintay sa muli nyong pagsasama..











