February 24 2017, Friday 7:00 pm
Ayaw ko na sayo.
Pero gustong gusto kong bumalik sayo.
Ayaw na kita makita.
Pero gustong gusto kita makasama.
Kahit ako naguguluhan sa sarili ko at ayaw din naman kita idamay. Ilang beses na kitang tinaboy, pero ikaw parin ang bumabalik. Ilang beses na kitang iniwasan, pero ikaw parin ang lumalapit.
Hindi ko na alam gagawin ko sayo, kaya iniwan na naman kita. Hindi kita kayang ipagmalaki. Hindi kita kayang ipakilala sa mga magulang ko. Hindi kita kayang ipakita sa mga kaibigan ko. Hindi kita kayang ipaglaban. Hindi ko kayang lumaban sa Dios.
Pero namimiss na kita…
Gustong gusto kong tumakbo palapit sayo. Na sabihing okay na tayo, na kaya natin to, na ipagpatuloy natin to.. pero hindi ko kasi kaya. Kasi alam kong may lalabagin akong aral ng Dios.
You were my almost.
You weren’t perfect. But I saw everything I should. Your imperfections and flaws, I’ve accepted them all. They were just perfect in my eyes.
Ngayon nagsusulat ako, dahil gusto ko nang turuan ang puso kong kalimutan ka. Hirap na hirap na kasi akong bumangon araw araw, na alam kong wala ka na.
Paalam, sana sa susunod na pagkita natin, wala nang sakit. At masasabi ko narin ulit sayo… kamusta, kaibigan?













