Based on my observation 😂
Ok, so I admit before I was kinda rather so desperate for my crush or ex whatever to notice me and call me in this case mostly talaga Video Call kasi nasa malayo sya labas ng pinas and sometimes it works but most of the time it doesn't. I swear it ruined my entire day when he ignores me as in SEEN ZONED lang or INBOX ZONED lang ang lola mo and what's worst is he FRIEND ZONED me OO you read it right eh sino ba naman kasi magkakagusto sakin I'm fat and ugly FUGLY! 😭 Back to the topic... Yun nga May time dati na Everyday sya tumatawag kasi nasa bahay lang sya walang work so feel na feel ko kahit super tired ako or inaantok din pero kapag sya na hyper ang lola nyo diba! HAHA! inaabot kami dati ng 4 or 5 in the morning dito kahit alang topic basta makita ko lang sya ok ako. Kahit nasa work ako tumatawag sya kahit ang ingay kahit ala nanamang topic ok lang aabutin kami ng morethan an hour na ganun tapos inaasar nya ako, iniis pero keribells lang masaya ako at kinikilig ng sobra pero it came to a point na hindi na sya namamansin yun na nga INBOX ZONED and SEEN ZONED lang mga messages ko and kapag naman tumawag sya sagot agad ako kahit busy yung kahit ilang seconds lang marinig or makita ko sya ok na ako and ito nalito ako akala ko he liked me as much as I liked him pero nung basta he FRIEND ZONED me parang nataohan ako. As in nagbago lahat mga 2 weeks or ewan matagal din sya hindi tumatawag lagi nyang reason busy sa work ganito ganyan hello wala naman akong right magreklamo diba? So, nasaktan ako nun pero naka moved on naman na ako sa Phase na yun. Ito going back to my title " BASED ON MY OBSERVATION " meron talaga akong napansin na kakaiba talaga sakanya like.
- hindi sya tumatawag kapag nasa work kasi laging reason busy pero ngayon kahit super duper busy sya tumatawag sya yung tipong kahit bawal ata tumatawag pa din sya.
- meron syang ugali na kapag tumawag sya and na bored sya sakin siguro kausap or timatamad na sya gagawa sya ng excuse then sasabihin nya " tawag ako ulit maya " kahit nasa bahay lang sya pero hindi na yan tatawag pero lately ginagawa na nya tumatawag na nga ulit.
- never pa sya nagsabi ng " ingat ka " promise ako lang talaga lagi dati ngayon sinasabi nya na.
- kapag kunwari gusto nya na matulog or may gagawin sya he would just drop the call pero now, omg! Nag.Buhbye na sya before ending the call.
- dati hindi sya marunong magcare wala talaga pero now lalo na alam nya nagka.mumps ako kinakamusta nya ako lagi pero inaasar parin tapos yung magvivideocall sya just to see my mumps tapos kahit napaka obvious na anlaki ng left part ng face ko sabi nya " wala naman eh! mataba ka lang talaga " diba sweet na sana. Nyeta!
- sya yung kapag inaantok matutulog agad na tao pero the F kanina tumawag sya kahit kakagaling nya lang work and he's dead tired talaga and antok na antok na sya halos makatulog na nga sya habang kausap ako pero ginigising nya sarili nya tapos sasabihin nya antok na sya sasabihin ko tulog kana bigla sasabihin hindi ako makatulog or may itotopic sya bigla Which is weird kasi all through out the months or weeks or days whatever you call it himala talaga ang tino nya kausap kanina nakakapanibago I mean I like it. HAHA!
- meron syang habbit ba or expression na " Fuck You " sa lahat lalo na kapag inasar or basta ganun ilang beses ko na sya sinabihan na wag ako sabihan ng ganun and guess what hindi nya na sinasabi parang he's controlling his self not to say it and the other day natawa ako kasi nakavideocall kami pero he was talking sa workmate nya and he said the F word and I said hoy. Wag ka magsabi ng ganyan sabi nya lang sanay na sila. So naisip ko kala ko ako lang sinasabihan nya di pala pero nawala na yun parang nagain ko yung respect nya or not? Hahaha.
- 1st time ko sya narinig magreklamo about his body pain and take note paulit ulit nya sinasabi maskait yung likod nya and take note he said " Kung andito ka lang magpapahilot talaga ako sayo " parang napaisip ako ay hala. Manghihilot ba ako pero kinilig ako ewan basta kinilig ako. Tae 💩💩💩
- nag.open ako ng topic about work sa dubai he said wag ka dun magastos dun kasi bawat galaw mo pera buti pa dito samin walking distance lang lahat and madami naman trabaho dito so ito nanaman ako napaisip hmmm.. ok ayoko mag-assume. Hahaha.
Basta marami pa. Ito lang naman ginawa ko:
- Hindi na ako nagpapansin sakanya like hindi na ako nagchachat or kahit like sa posts nya basta wala as in Zero paramdam talaga hindi naman sa inaantay ko sya tumawag pero sometimes Hahaha 😂😂😂 kahit naman dati tumatawag naman sya ng kusa lang pero mostly talaga kasi nagpapansin ako pero ngayon wala na nasanay na siguro ako tapos dati kunwari mapuputol tawag nya ichachat ko sya na tawag ulit or magsend ng 😭 ganyan na emoji diba DESPERADA ( tono ng despacito ) now kapagkunwari naputol ang call deadma na lang ako ewan bakit tapos lately napansin ko OK ako kahit hindi sya tumawag or tumawag sya parang No difference lang yung mood ko same lang unlike dati super affected ako siguro kasi maybe lang ha! I'm not assuming anything hindi na ako naghahabol pero I'm not saying naghahabol sya maybe mas komportable kami na AS FRIENDS na lang talaga. We don't know what might happen malay ko ba hindi nanaman sya magpaparamdam ulit diba? Basta yun yung obeservation ko.
" Don't allow anyone to make you an option because frankly you we're born to be the priority! "