Gradeschool : Nag-aral ng mabuti. Halos mag-isa kong inaral yung mga subjects at lessons (except Math) kasi ayokong maabala yung pahinga nila Papa at Mama after work. Nag-advanced study ako. Nagtutor sa kapatid. Nagbasa nang nagbasa. Sumali sa lahat ng competition. Grumaduate ng with honors. Highschool : Kayod ulit sa pag-aaral. Naging class leader ng ilang beses. Lahat ng ginawa ko nung elem, dinoble ko dito. Grumaduate ng multiple awards. College : Architecture ang course ko. Alam nyo na. Limang taon akong puyat kaka-aral at kaka-design. Dinikdik ko yung sarili ko nung college. Sobrang daming kailangang ipasok sa kokote. Kapag bakante, kailangan ko namang mag-self study ng computer-aided softwares at rendering techniques kasi mapag-iiwanan ako. Yung effort ko nung elem at highschool, wala sa kalingkingan ng effort ko nung college. Naging org leader. Sobrang nagpakapagod sa thesis. Sinubukan kong galingan dahil sa iniisip kong expectations sakin ng mga magulang ko at ng ibang tao. Hindi pa tapos ang fifth year, nag-apply na ko ng trabaho. Grumaduate with awards. First work part 1 : Outsource. First week after graduation, pumasok na ko sa trabaho. Technical detailing nad design ng retails at themed parks abroad. International standards ang ginagamit, sobrang higpit ng design manager sa SG sa standards. Lahat ng projects, fast-paced. Minimum of 2-3 days ang pasahan. Maximum effort madalas ang kailangan. Dalawang taon ako dito sa part 1. Muntik nang ipadala sa ibang bansa. Muntik lang. Board exam 2014 - Master Plumber : Sabi ko susubukan ko. Tatlong buwan ako nag-aral sa gabi pagkatapos ng trabaho. Saturday at Sunday nasa review center ako. Plumbing and sanitary design, plumbing codes, arithmetic, hydraulics, basic engineering. Pumasa. Board exam - Architecture : Sobrang hirap. Pagkagaling sa trabaho, mag-aaral pa sa gabi. Bukod pa sa ibang dapat gawin sa bahay. Sabado at Linggo, lumuluwas ako galing Bulacan ng alas-sais ng umaga at uuwi ng alas-nuebe. Lunes, pumapasok sa trabaho. Limang buwan akong ganito. Isang buwan bago ang exam, naisipan ko nang mag-leave sa dami ng kailangang aralin. Literal na sunog-kilay. Akala ko sapat ang isang buwan. Hindi pala. Pumasa ako. Oras na para panindigan ang pagiging Arkitekto. First work, part 2 : Nilipat ako sa design team. Ganun din, fast-paced ang project, pero sa conceptual at modelling na ang ginagawa ko. Kailangan mabilis ka mag-isip lalo at retail ang projects na hawak ko. Kailangang isaulo ang standards ng company namin, ng company na client namin at ang branding nila. Kailangan magstick sa budget. Halos araw-araw, may bagong comment pagka-send ng sample pics ng design, on top of sa mga bagong dating na projects. Halos gabi-gabi, napupuyat ako kakaisip at kaka-research ng designs na pwedeng inspiration. Sa umaga, gagawan ko ng concept at imomodel at irerender. Isang taon ako sa part 2. Sabi ko pagod na ko. Pahinga muna. Nag-resign at umalis ng December 29, 2016 Second Job : Hindi ko kayang magstay lang sa bahay sa dami ng gastos. Sumubok akong mag-apply sa mga estate developers. Ngayong, sa Project Architect na. Tinignan ko kung may kukuha sakin. Wala pang dalawang linggo pagkapasa ko ng resignation letter, nakuha na ko. Akala ko makakapahinga pa ko. January 2017, may trabaho nang naghihintay sakin sa Maynila. Hindi kaya ng uwian, kaya nag-bedspace ako. Bagong trabaho, bagong experience, bagong mga kasama. Kailangang triplehin lahat ng effort ko sa first job. Kailangan patunayan ang sarili. Hindi gaanong ka-fast-paced, pero nasanay na ako sa past job kaya ganun ang naging work-practice ko. Mali pala. OT, OT, OT para matapos lahat. Sabado ng umaga, uuwi sa Bulacan. Linggo ng hapon luluwas sa Maynila. Pang-isang taon at limang-buwan ko na. Sideline : Walang specific period to kasinkalat ang timeline. Kung kailan dumating. Nung pre-board as draftsman. Tapos nag-offer ng plumbing design pagkapasa ng RMP. Pagkapasa ng Archi, full Architectural services. After work, kapag may sideline, halos gabi-gabi akong nakadukdok sa drawing table at sa laptop. Nagpupuyat ako hanggang 3am para madeliver lahat sa pinakamataas na kalidad na kaya ko lahat ng project. Minsan nagsasabay ang isa hanggang dalawang project sa iisang timeline. Kinakaya. Kailangan. At gusto ko rin naman. Sa propesyon namin, skill at pangalan ang puhunan. Full-time, sideline : Hirap intindihin no? April 2017, nagbukas kami ng sariling architectural firm para sa kinabukasan. Sa weekdays, nakatuon ako sa trabaho ko sa Maynila. Sa gabi at weekends, dito sa binuo naming kumpanya. Bukod pa ang ginagawa ko dito sa mga nasabi ko sa taas. Hands-on dapat, lalo sa publicity kasi kung hindi mate-tengga kami. Minsan lang ako mag-rant ngayon. Sa dami ba naman ng ginagawa. Ngayon ko lang na-realize : Puta, pagod na pala ko. Hindi naman ako sumusuko. Wala yun sa bokabularyo ko, lalo na at gusto ko ang mga ginagawa ko. Wala akong pinagsisisihan sa lahat. Pero puta talaga. Nakakapagod din pala.