College na ko. Mga dalawang taon na lang, gagraduate na ko. Hawak ko ang mga libro ko ngayon para magrewrite. Tatlong oras kasi ang break ko ngayon at nandito ako sa may library, ngayong sem, nakagawaan ko na ayusin na lang ang mga notes ko sa filler. Minsan ko lang picturan yung mga nakasulat sa board, katulad ng ginagawa ng karamihan. Kasi wala akong matutunan pag puro picture lang, tinatamad akong kopyain na mula sa iPad.
Mga dalawang sentence sa aking pagrerewrite, may nagtext sakin. Kaklase ko sa Engineering Mechanics 1. Nagtatanong kung nasagutan ko na ba daw yung homework.
Tinatamad akong magreply. Wala ako sa wisyo. Haha. Bahala siya. Mangongopya lang naman yun kung saka-sakali.
Eh biglang nag-ring yung phone ko. Tumawag. Sasagutin ko sana pero, nasa tabi ko na pala siya.
Ang pangalan niya ay Ilao. De joke. Apilido lang yun. Dun lang ako sanay na tawagin siya, kasi yun ang tawag sa kanya ng lahat. Ang buo niyang pangalan ay Christopher Ilao. Medyo tumingala ako talaga nung nasa tabi ko na pala siya, kasi ang tangkad niya. Mga nasa balikat lang ako. (o hindi pa umabot?) Kahit walang permiso kung may nakaupo ba o meron, tinabihan niya ko.
“Bat di ka nagreply?” Tanong niya.
“Uh, wala akong load. At di ko namalayan. Bakit ka ba tumatawag?”
“Magpapaturo lang ako sa non-concurrent forces.” Sagot niya.
Ok. Let’s get this straight. Hindi ako matalino. Masipag lang ako mag-aral kaya naiintindihan ko yung mga lessons ng prof kahit minsan magulo sila magturo. Hindi ako yung tulad ng mga genius talaga na pagtapos ng discussion, alam na agad yung pinagsasasabi ng prof at on the spot kayang iperfect ang mga seatworks ng hindi nangongopya. Nakakasagot ako kasi nag-seself study ako sa bahay.
At hindi pa ko nakakareview ngayon. Hindi sa pagdadamot, pero di ko pa siya matuturuan. Anong ituturo ko?
“Sorry di ko pa alam.” Ngumiti ako para mapagaan yung usapan.
“Reviewhin natin ngayon? Sige na please.”
“Ang sipag mo naming mag-aral. Wala pa ngang quiz na inaannouce di ba?”
“Oo, pero ayoko kasing bumagsak. At tsaka major natin yan diba?” sagot niya. oo, pareho kaming Civil Engineering. Pero di ko alam na pareho pala kaming praning sa class standing. “Break mo naman. Tama?”
“Tara.” Binuksan niya ang mga notes niya at sinimulang iguhit ang problema.
“Anong favorite mong pagkain?”
“Ako? Um, popcorn. Ikaw?”
“Wala naman. Lahat paborito ko.” Sabi niya. Nasa ST quad kami, nagkwekwentuhan pagtapos mag-aral.
“Ilao, curious ako. Ilan na naging girlfriend mo? At bakit kayo nagbreak?”
“Um…….” Nagbilang siya sa kamay. Apat na daliri. “Pang-apat yung ngayon. Nagbreak? Kasi… bakit nga ba? Kasi away na ng away eh.”
“Sa tatlong yun, ilan don yung ikaw yung nakipagbreak?” Ewan ko ba ang sarap tanungin nung mga ganito. Parang ang dami mong madidiskubre sa tao sa mga ganitong usisa.
“Isa. Yung pangalawa. Tapos silang lahat na yung nakipagbreak sakin.” Silence. Tapos nakita niya sa mata ko na may follow up question ako kaya tinuloy tuloy niya na. “Bakit, kasi, lagi kaming nagbebreak. Lagi siyang nakikipagbreak, tapos magbabalikan din kami. Parang nawalan nang kahulugan kasi naging paulit-ulit na eh. Kaya nung nagkaalitan nanaman, ako na yung nakipagbreak. Tapos wala ng balikan.”
Napatungo lang ako. Wala akong masabi.
“Ikaw? Ilan na naging boyfriend mo?”
“Woo, mahal mo pa yung ex mo noh?”
Oo, sobra. As in. Lumipas na lahat pwera feelings ko sakanya. “Hindi na. Ang oa ha. Six months na.”
“Magulo kasi ako eh. At tsaka mali yung takbo ng relasyon namin.”
“Panong mali? Patalikod kayo tumakbo?” Nagjoke siya. Tapos siya rin yung tumawa.
“Baliw.” Umirap ako. “Basta. Mali.”
Ngumiti siya. Kalahati lang ng labi yung kumurba, pero parang ang saya niyang tignan. Inayos niya yung eyeglasses niya, tapos kinuha yung phone.
“Hay, kailangan ko pang puntahan si Darla ng 5.”
Si Darla. Yung girlfriend niya, na kahit kalian ayaw niyang ipakilala sakin. Kaya tuloy pagnakakasalubong ko sila ayokong lumingon.
Tumingin ako sa relos. 4:30 na. “Sige, puntahan mo na.”
Tumahimik lang siya. Di siya gumalaw.
“Ilao, may tanong ako. On a scale of 1 to 10, gano mo siya kamahal?”
Ending, naging kami ni Ilao. Nagkahiwalay sila kasi ako yung mahal nan i Ilao. Sinagot ko siya kasi gusto ko siya.
Nasa CS walkway ako, balisa. Mugto ang mata.
“Nella!” may tumawag. Galit yung boses. Dun lang ako natauhan na ilang minute na kong balisa. Nakita ko yung phone ko na hawak ko na may 6 na unread messages at 3 miss call galling kay Ilao. Tinabihan niya ko sa upuan at napabuntong hininga, na parang nasstress na sakin. “San ka galling? Hinanap kita kina Roma pero wala ka daw? Bakit di ka nagrereply?”
Ang totoo? Nakipagkita ako sa ex ko.
“May binili lang ako sa sm. Sorry di nakatext.”
Hinawakan niya yung mukha ko at pinaharap sa kanya. “Umiyak k aba? Ano bang nangyari?”
“Uy, Marinella. Bakit ka daw nagwalkout sabi ni James? Pinapahanap ka niya sakin. Lumabas ka dawn g CS gate ngayon.” Biglang sumulpot galling sa likod naming si Boris. May hawak na phone.
Napatingin si Ilao ng masama kay Boris at sakin.
“Si James.” Pabulong na sabi ni Ilao. Dismayado.
Tumayo ako. Lumunok. At nagsalita. “Ilao, si Boris. Boris si Ilao. Boyfriend ko.”
Nagulat si Boris. Natameme.
“Ah…” Sabi ni Boris na para bang napagtantong may ginawang mali. “Sige, text ko na lang si James.”
“Hindi, pre. Ayos lang. Pupuntahan namen si James. Importante yata yung sasabihin niya?”
“Ok lang talaga, Ilao. Hindi importante yun—”
Tinignan ako ng diretso sa mata. “Pupuntahan natin kasi mukhang nagabala talaga siya para Makita ka.”
Nakatulala si Boris samin. “Ah, sige, pre. Sige, Marinella. Una na ko.”
Naglakad kami papuntang CS gate. Hindi siya nagsasalita. Mukha naming kalmado.
“Ilao… galit k aba bes?” Naiiyak nanaman ako puta.
Hinawakan niya yung kamay ko. “Anong sinabi niya sayo kanina?”
Umiling ako. Hindi niya kailangang malaman na kakaamin lang sakin ni James na mahal niya parin ako.
Sa CS gate, nandon si James. Hindi maipinta ang mukha.