Matagal ko ng pangarap sumali sa mga âmarathonsâ ngunit napakalaking hadlang ng bigat at pagyoyosi ko sa pagtupad nito. Gayunpaman, pinangako ko sa sarili ko na sisimulan kong tumakbo ngayong taon na ito.
At ito na nga. My first run for the year! Maswerte akoât nauto kong sumama ang kaibigan ko (tawagin naten syang Alvin). Normally, I would register online pero sabi nya sa Tobyâs na lang daw kami bumili para mas mabilis makuha yung mga singlets namen.
Kasabay ng pagabot ng mga bayad namen ay binigay ang tig-isang prepaid cards. Mag-register daw kami online.
TBD as to when or where ang pick up ng items. Kamot-ulo kaming lumabas ng Tobyâs.
Fast forward sa panahong nareceive namen ang email ng pick up details. Pabor saken at sa MOA area lang. From my previous experiences, wala pang 5 minutes ang pag claim ng race kits. Pero shempre, isang malaking pagkakamali ang paga-assume kong ito.
I went there during my lunch break. Mukhang kuhaan ng NBI clearance, mga besh. Bumalik ako after ng shift ko. It was around 6:50PM. May 7 counters for single transactions. Inorasan ko, approximately 6 minutes ang turn around time per counter. I thought, âbakit ang tagal?â. When it was my turn na-realize ko na⊠WALA! Walang rason kung bakit matagal!
Nakakapanghinayang ang oras na ginugol ko sa pila only to claim my shirt and bib. Bagsak agad sa Lean (usapang Six Sigma, bakit ba?? QA eh.) Muntikan pa âkong ma-highblood when I was advised na wala ng large size (Oo. Large ang inorder ko. Donât judge me.). This is a pre-registered event so dapat bilang nila ang shirts and sizes. Wala din sunglasses. Claim it na lang daw sa day ng event. To top it all, these were given as is. No paper or plastic bags.. Kahit sana plastic labo ng talipapa.. Pero ayun nga, bitbitin mo ng ganun ang peg nila. Tumayo ako sa counter around 7:15PM.
Nung araw ng event, ang call time is 4:30AM. I was there around 4:15AM kasi kailangan ko magkilay. Importante kasi yun. Aerodynamics. Dumating si Alvin around 6:30AM. Late naman daw kasi lagi nag-start yun Color Run. Di man lang ako ininform. Hanep, di ba?
Inabot na kami ng liwanag, andun pa den kami. Nakailang warm up exercises na kami. Pagod na nga kami e. Ha ha ha!
Our turn started cguro mga 7AM na. Di na ako nag-track ng time after dumating ni Alvin. May kausap na kasi ako.
Sabay kami tumakbo pero naiwan ako. Ganun talaga ang buhay e. Minsan naiiwan ka talaga sa ere. Minsan mabagal ka lang talaga tumakbo. E anong gagawin ko? Alangan namang habulin ko pa sya. Noong high school nga kami di ko sya hinabol, ngayon pa kaya?
So, ending mag-isa akong tumakbo. Masaya naman. Nakakainggit nga lang yung mga magkakasamang nagbabatuhan ng kulay at humihiga sa kalsada para makulayan ang likod nila. Higit sa lahat, nakakamiss yung may tiga kuha ka ng litrato.
Para sa isang salimpusang natatalsikan lang ng mga kulay, di ko maintindihan bakit napakadungis ko. Samantalang si Alvin e nakasalubong kong kumukuha ng drinking water na napaka-fresh.
Sa dinamidaming kulay na hinagis sa akin, bakit yung green pa yung pinaka-malala? Nagmukha tuloy akong The Incredible Hulk. Pero naisip ko din naman na kesa violet. Mukhang Barney yun pag nagkataon.
Laking pasalamat ko at bukas na ang aking ever reliable gym â Fitness First MOA at nakapagkape kami at nakapag-shower agad. Mangiyakngiyak ako dahil napakahirap kuskusin ng mga mantsang kulay sa balat ko. Lalo na nung inisip ko ang mga kulay sa damit, cap, bag at sapatos ko. Utang na loob, sana mabura sila ni Yoyos!
MY CONCLUSION
Seriously, I had fun. Medyo kinulang lang talaga sa registration at redemption stages but when I started running, I was able to forget those bad experiences na. Masaya talaga sya. I highly recommend everyone to join. Mas madami, mas masaya!
Iâve read na merong BlackLight Run this February and the Color Run Hero was moved on May. Maybe, Iâll see you there! Kulayan natin ang mga buhay naten ng sabay sabay! For more info, please visit their FB page: https://www.facebook.com/colormanila/ #ColorRun #CMParadiseRun #ColorManila