💔

JVL
Keni

ellievsbear
almost home
sheepfilms

if i look back, i am lost
Three Goblin Art
Stranger Things

祝日 / Permanent Vacation
styofa doing anything
i don't do bad sauce passes
Mike Driver

No title available

blake kathryn
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year

tannertan36
Peter Solarz
Cosmic Funnies
NASA
todays bird
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Bulgaria

seen from Spain

seen from Türkiye
seen from China

seen from United Kingdom

seen from Singapore

seen from Australia

seen from Malaysia
seen from Italy
seen from Canada
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Türkiye
@msharmony2-blog
💔
Meron akong pinaglalaban pero hindi na ikaw... 💔
KAPAG WALA NG IKAW AT AKO
Kapag wala ng ikaw at ako, Nakakatawa, tayo pa naman pero bakit ito na agad ang naisip kong isulat na tula para sayo. Wag ka sanang magalit kapag mabasa mo ito, Pero sana hayaan mong ilahad ko ang nais kong iparating sayo kapag wala ng ikaw at ako. Ikaw at ako, ito ang titulo ng kwentong di mabubuo kapag mawala ang isang letra nito. Ikaw at ako, ang kwentong pinakapaborito ko. Pero paano... Paano kapag wala ng ikaw at ako? Tuluyan na nga ba nating tatapusin ang kwento? Kapag wala ng ikaw at ako, Paniguradong malulungkot ako. Alam kong normal lang ito pero seryoso, ibang lungkot ang mararamdaman ko. Dahil kung gaano ako naging masaya ng magkaroon ng tayo ay yun rin ang lungkot na mararamdaman ko. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Wag ka sanang magtaka dahil siguradong malulungkot ako ng husto. Kapag wala ng ikaw at ako, Posibleng hindi ko narin marinig ang himno ng awitin na laging umiikot sa tenga ko sa 'twing magkasama tayo. Dahil ang landas mo... Ang landas mo ay maaaring maging taliwas na sa landas ko. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Malabo ko naring makita ang iyong anino. Pero kapag wala ng ikaw at ako, Marinig mo pa kaya ang iyak ko? Mapunasan mo pa kaya ang mga luha ko? Alam ko naman ang sagot pero nagbabakasakali lang akong oo parin ang sagot mo. Dahil kapag wala ng ikaw at ako. Ibahin mo ako pero mananatili akong andito para sayo. Kapag wala ng ikaw at ako, Sisikapin ko paring wag isipin ang mga salitang binitawan mo nung mga panahong meron pang tayo sa mundo. Salitang "mahal kita", "may halaga ka", "kapit lang mahal dahil hanggang dulo ipaglalaban kita" Salitang sa 'twing naririnig kong binabanggit ito ng iba, agad kong naaalala kung gaano ako naging masaya sa piling mo, sa bisig mo, sa kwentong magkasama nating binuo. Pero sa 'twing bumabangga sa isip ko kung paano mo banggitin ang mga salitang ito, napapapikit na lamang ako. Dahil kahit ako, ayokong makita ang sariling luha ko na unti-unting tumutulo... unti-unting natutuyo. Dahil kapag wala ng ikaw at ako Wala narin ang tagapunas nito. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Masakit man para sakin pero pangako, patuloy parin akong maglalakad papunta sayo, Alam ko namang lalo lang lalabo ang dadaanan ko sa bawat paghakbang ko papalapit sayo. Pero pangako, sisikapin ko paring marating muli ang kinaroroonan mo. Kapag wala ng ikaw at ako, Mahirap man para sakin gawin 'to pero pangako, patuloy akong kakapit sa lubid kahit alam kong binitawan mo na ang kabila nito. Dahil kahit wala ng ikaw at ako, Mananatii parin ako sayo... Dahil sayo parin ako... Nasa 'yo parin ako. Hindi ako aalis sa kwento kahit iba na ang karakter na ginagampanan mo. At kahit mawala kaman sa kwento, mananatili parin ako... Maghihintay parin ako sa pagbalik mo. Pero kung sakali mang may iba ng papalit sa karakter ko, pangako, hindi ako lalayo. Dahil kahit wala ng ikaw at ako, Nakakabulag man para sakin gawin 'to pero pangako, isa parin ako sa magiging tagabasa ng kwento mo. Alam kong mahirap... Masakit, pero nais ko lang masiguro na ginagampanan nya ng mabuti ang karakter na sinimulan ko. Dahil kahit wala ng ikaw at ako Hindi na mabubura ang halaga mo sa mundo. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Pakiusap, wag mo sanang ipilit sakin na kalimutan ka, Dahil kahit magmakaawa at lumuhod ka pa sa harap ng madla, hindi ko yun magagawa. Pero kung dumating na ang panahong magkaroon na ng kayo sa mundo, Pangako, kusa na akong lalayo. Pero 'wag mo sanang isipin na hindi kana mahalaga. 'Wag mo sanang isipin na kakalimutan na kita, Dahil katawan ko lang ang lalayo, hindi ang puso. Pero kahit wala ng ikaw at ako, Pangako, pipilitin kong maging masaya kahit alam kong may iba ng gumaganap ng karakter ko sa kwentong sabay nating binuo. Sisikapin kong muling ibalik ang ngiti ko... ang tawa... ang dating ako. Kaya 'wag kang mag-alala kung magkaroon man ng kayo sa mundo, Dahil pinapangako ko, magiging masaya ako... kahit tapos na ang kwentong ikaw at ako. Magiging masaya ako... Lam kong matatagalan pa bago mangyari ito. Posibleng taon ang bilangin ko pero posible rin akong mabigo. Pero pangako, pipilitin ko. Pipilitin ko paring maging masaya. Kapag wala ng ikaw at ako. Wala ng ikaw at ako. # - Tula ni: Mercy A. Paloma (05/12/17) read more at www.facebook.com/mercyanquilopaloma
KAPAG WALA NG IKAW AT AKO
Kapag wala ng ikaw at ako, Nakakatawa, tayo pa naman pero bakit ito na agad ang naisip kong isulat na tula para sayo. Wag ka sanang magalit kapag mabasa mo ito, Pero sana hayaan mong ilahad ko ang nais kong iparating sayo kapag wala ng ikaw at ako. Ikaw at ako, ito ang titulo ng kwentong di mabubuo kapag mawala ang isang letra nito. Ikaw at ako, ang kwentong pinakapaborito ko. Pero paano... Paano kapag wala ng ikaw at ako? Tuluyan na nga ba nating tatapusin ang kwento? Kapag wala ng ikaw at ako, Paniguradong malulungkot ako. Alam kong normal lang ito pero seryoso, ibang lungkot ang mararamdaman ko. Dahil kung gaano ako naging masaya ng magkaroon ng tayo ay yun rin ang lungkot na mararamdaman ko. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Wag ka sanang magtaka dahil siguradong malulungkot ako ng husto. Kapag wala ng ikaw at ako, Posibleng hindi ko narin marinig ang himno ng awitin na laging umiikot sa tenga ko sa 'twing magkasama tayo. Dahil ang landas mo... Ang landas mo ay maaaring maging taliwas na sa landas ko. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Malabo ko naring makita ang iyong anino. Pero kapag wala ng ikaw at ako, Marinig mo pa kaya ang iyak ko? Mapunasan mo pa kaya ang mga luha ko? Alam ko naman ang sagot pero nagbabakasakali lang akong oo parin ang sagot mo. Dahil kapag wala ng ikaw at ako. Ibahin mo ako pero mananatili akong andito para sayo. Kapag wala ng ikaw at ako, Sisikapin ko paring wag isipin ang mga salitang binitawan mo nung mga panahong meron pang tayo sa mundo. Salitang "mahal kita", "may halaga ka", "kapit lang mahal dahil hanggang dulo ipaglalaban kita" Salitang sa 'twing naririnig kong binabanggit ito ng iba, agad kong naaalala kung gaano ako naging masaya sa piling mo, sa bisig mo, sa kwentong magkasama nating binuo. Pero sa 'twing bumabangga sa isip ko kung paano mo banggitin ang mga salitang ito, napapapikit na lamang ako. Dahil kahit ako, ayokong makita ang sariling luha ko na unti-unting tumutulo... unti-unting natutuyo. Dahil kapag wala ng ikaw at ako Wala narin ang tagapunas nito. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Masakit man para sakin pero pangako, patuloy parin akong maglalakad papunta sayo, Alam ko namang lalo lang lalabo ang dadaanan ko sa bawat paghakbang ko papalapit sayo. Pero pangako, sisikapin ko paring marating muli ang kinaroroonan mo. Kapag wala ng ikaw at ako, Mahirap man para sakin gawin 'to pero pangako, patuloy akong kakapit sa lubid kahit alam kong binitawan mo na ang kabila nito. Dahil kahit wala ng ikaw at ako, Mananatii parin ako sayo... Dahil sayo parin ako... Nasa 'yo parin ako. Hindi ako aalis sa kwento kahit iba na ang karakter na ginagampanan mo. At kahit mawala kaman sa kwento, mananatili parin ako... Maghihintay parin ako sa pagbalik mo. Pero kung sakali mang may iba ng papalit sa karakter ko, pangako, hindi ako lalayo. Dahil kahit wala ng ikaw at ako, Nakakabulag man para sakin gawin 'to pero pangako, isa parin ako sa magiging tagabasa ng kwento mo. Alam kong mahirap... Masakit, pero nais ko lang masiguro na ginagampanan nya ng mabuti ang karakter na sinimulan ko. Dahil kahit wala ng ikaw at ako Hindi na mabubura ang halaga mo sa mundo. Kaya kapag wala ng ikaw at ako, Pakiusap, wag mo sanang ipilit sakin na kalimutan ka, Dahil kahit magmakaawa at lumuhod ka pa sa harap ng madla, hindi ko yun magagawa. Pero kung dumating na ang panahong magkaroon na ng kayo sa mundo, Pangako, kusa na akong lalayo. Pero 'wag mo sanang isipin na hindi kana mahalaga. 'Wag mo sanang isipin na kakalimutan na kita, Dahil katawan ko lang ang lalayo, hindi ang puso. Pero kahit wala ng ikaw at ako, Pangako, pipilitin kong maging masaya kahit alam kong may iba ng gumaganap ng karakter ko sa kwentong sabay nating binuo. Sisikapin kong muling ibalik ang ngiti ko... ang tawa... ang dating ako. Kaya 'wag kang mag-alala kung magkaroon man ng kayo sa mundo, Dahil pinapangako ko, magiging masaya ako... kahit tapos na ang kwentong ikaw at ako. Magiging masaya ako... Lam kong matatagalan pa bago mangyari ito. Posibleng taon ang bilangin ko pero posible rin akong mabigo. Pero pangako, pipilitin ko. Pipilitin ko paring maging masaya. Kapag wala ng ikaw at ako. Wala ng ikaw at ako. #
I'm a writer cause I can see what I can't see and I can't see what I can see.
And now I try hard to make it, I just wanna make you proud. But I'm never gonna be good enough for you. I can't stand another fight.
Kung kilala mo sarili mo, hindi ka magpapaapekto sa mga sinasabi sayo ng ibang tao.
PRIORITY KA NILA ni: Mercy A. Paloma
Priority ka nila. Wala ka ng dapat ikabahala pa. Lahat ng gagawin mo suportado ka...
Kasi nga priority ka nila diba?
Priority ka nila. Wala ka ng dapat ikatakot pa. Lahat ng patimpalak bida ka. Kasi nga priority ka nila diba.?
Priority ka nila. Wala ka ng dapat ikalungkot pa. Kahit san' ka man dalhin kilala ka. Kasi nga priority ka nila diba?
Priority ka nila. Walang dahilan para matalo ka. Kahit san' ka dalhin nasa taas ka. Kasi nga priority ka nila diba?
Priority ka nila. Kasi may binibigay kang pangalan sa kanila.
Priority ka nila. Kasi nanggaling ka sa kilalang pamilya.
Priority ka. Kasi may itsura ka. Priority ka. Kasi kilala ka. Priority ka. Halata mo namany diba?
Priority ka nila. Ngayon, bukas, sa makalawa o sa susunod pang mga araw.
Priority ka nila. Silang nasa kandadong kahon ang mata.
Priority ka nila. Silang nasa tenga ang paghinga.
Priority ka nila. Hanggat may pangalan ka. Hanggat kinikilala ka.
Pero titigil din yan sila. Kapag makita nilang wala ka ng pangalan na naibibigay sa kanila.
Pero naging priority ka nila diba? Naging priority ka. Kaya matanong ko lang... Ano sa pakiramdam makasama ang tulad nila.? Sila... Na kailanman'y hindi tinitingnan ang tinatapakan nila. Sila… Na nabibilang sa pinakatanga.
Sila… Sila... Sila… na pinapangunahan ang kakayahan ng mga ordinaryong tao na walang pangalan na naipunda.
Sila… Sila… Sila… na kailanman'y hindi ginamit ng tama ang dalawang mata.
THE LAST HOUR (Mercy A. Paloma)
Ipinanganak na bulag si Gindy. At tanging ang kanyang ama na lamang ang nagsisilbi nyang mata. Namatay ang kanyang ina mula pa man ng iluwal sya nito. Ngayon, 17 y/old na sya pro hindi prin nya maipagkakaila ang lungkot na nararamdaman nya sa tuwing gigising sya sa umaga, umaasang makita din nya ang itsura ng mundong ginagalawan nya. Mundong itinuturing nyang isang paraiso kahit hindi pa naman nya ito natatanaw kahit kailan. Isang umaga habang parehong nasa hardin ang mag-ama ay masayang inaamoy ni Gindy ang bulaklak na malapit sa kinauupuan nya. "tay! ano po bang bulaklak ito? ang bango kasi." tanong ni Gindy habang patuloy na inaamoy ang bulaklak. "alin? ah yan ba, gumamela yan anak, mabango talaga yan. alam mo mana ka talaga sa inay mo, mahilig sa bulaklak." biglang napatigil si Gindy, naalala nya ang knyang ina. sinisisi nya ang kanyang sarili dahil sa pagkamatay nito. ISANG linggo ang dumaan, muling may naitanong si Gindy sa knyang ama. "tay! maganda po ba sa dagat? ano pong itsura ng alon? pwde ba ko pumunta dun?" "naku anak! mganda ang dagat. pwde kang pumunta dun pro saka na kpg nkakakita kna" "tay nmn e malabong mangyari yun noh." "aba! hindi un malabo anak. malay mo bglang my mangyaring himala at bgla kang mkakita." "himala? tay nman e, pra mo nading sinabi na malabong mangyari yun." "ay! basta anak, magtiwala kalang, malay mo dba?" "oo na ngalang tay!" "teka, kapag mkakita kna baka di mo na ko pansinin." "haha!" "oh bat ka tumawa?" "e ang drama mo po kc e! ntawa ako!" "ay basta Gindy anak, kpag mkakita kana, haharap agad ako sayo at ang unang salitang sasabihin ko ay MAHAL KITA! pra mkita mo sa mata ko na nagsasabi ako ng totoo." "tay naman, ang drama. naniniwala nman ako sayo e." "mas maganda parin yung nakikita mo ako habang sinasabi ko yun sayo para mkita mo din yung ka gwapuhan ko." "haha tatay tlga, mpgbiro." "aba hindi biro yun, gwapo tlga ako. kya nga na inlove sakin nanay mo e dahil gwapo ako." "hay naku tay, oo na ngalang gwapo kana." "aba! napilitan?." "haha" "oh'sya cge panget nlng ako. pasok na tyo sa loob mag gagabi na." "ay! nagtampo? haha gwapo na po kyo tay! lov u !" "bolera." masayang pumasok ang mag ama. at masyang kumain ng hapunan. ilang oras ang lumipas, ay pumasok na si Gindy sa kwarto nito at nahiga na sa kama at tuluyan ng nakatulog. "mahal kita anak, mahal na mahal!" bulong ng kanyang ama na nasa pinto habang unti unting sinasara ito. nagtungo si mang bernard sa labas at naupo malapit sa pinto. pinagmasdan nya ang langit at unti unti ng nakatulog. 5:30 kinaumagahan, ng magising si Gindy. ngunit halos mahimatay sya sa nangyari. di sya mkapaniwalang matanaw ng dlawa nyang mata ang paligid. muli syang pumikit, ngunit nkakakita na tlga sya. halos maiyak si Gindy, isang himala ito. ang makakita sya. "tay?" tumakbo sya sa sala pro wlng tao. "sosorpresahin ko si itay.nakakakita nako."masayang nasambit nito. - "ano yun? alon? yung dagat.. gusto kong makita. maganda daw kasi ito kpag ganitong oras. tama! mamaya ko na sosorpresahin si itay pagbalik ko." wika ni Gindy sa sarili. nasa likod lng ng bahay nila ang dagat kya sa kusina nlng sya dumaan. 20min. syang naglakad bago tuluyang narating ang dagat. "wow! ang ganda! tama nga ako, paraiso nga ang mundo." ang tanging nasambit ni Gindy. pra syang batang naglaro sa dalampasigan. isang oras na ang nakalipas ng maisipang umuwi ni Gindy. "si itay! matutuwa sya kpag malaman nyang nakakakita na ako. ano kaya itsura nya? sbi nya gwapo daw sya. totoo kya?" natawa si GindY habang binitawan ang mga huling salitang iyo. agad syang umuwi, at ng mkarating na sa bahay nila agad nyang tinawag ang kanyang itay. "tay? tay?" tumungo sya sa sala ngunit wla ito. sinubukan nyang buksan ang pinto ng kwarto nya ngunit naalala nya na na lock nya pla ito ng umalis sya knna. kaya di nya ito mabuksan. sunod na inahak ni GIndy ang hardin at doon nya nakita ang kagandahan nito at ng mga bulaklak. sa dakong kanan, ay natanaw nya ang isang upuan na nkatalikod xa knya, pinuntahan nya ito, at doon nya nkita ang isang lalake na medyo may katandaan na. "tay?" nasambit niya sa sarili. "tay! ikaw nga. bat dito ka natulog? malamig dito ah. bka mgkasakit ka." - "ako ba to?" tanong nya sa sarili ng kunin nya ang picture frame sa kamay ng itay nya. "ang cute ko pala nung baby ako. si inay ba tong kumarga skin? ang ganda pla nya tay." "tay? gumising na kayo, nakakakita na po ako. nakita ko na kayo, tama ka, gwapo ka pala. tay gising na!" "tay gumi.......?" biglang napatigil si Gindy sa pgsasalita ng mapansing hindi na humihinga ang knyang ama. "tay?" tawag ulit nito. ngunit hindi ito nagising. doon nya napatunayan na patay na nga tlga ito. biglang tumulo ang luha ni Gindy. "tay naman! gumising kana tay! tay!" niyakap ni Gindy ang ama nya habang wlang tigil sa pgtulo ng kanyang mga luha. - sa kaliwang kamay ni ng kanyang ama, ay may natanaw syang dlawang liham. kinuha ito ni Gindy at unang binasa ang nasa ilalim.
…………… Gindy, anak masaya ako para sayo dahil makakakita kna bukas. lam mo bakit? may nakilala akong isang matandang babae. at alam nyang may anak ako na bulag. sinabi nya sakin pwede daw akong magwish at kinabukasan agad na matutupad ito. pro sabi ng mtanda, oras na matupad ang hiling ko, isang oras nlng ang itatagal ko sa mundo. pro lam mo anak? humiling prin ako na sna mkakita kana. kahit na pagkatapos ng isang oras ay bigla kong lilisanin ang mundo. mahal kita anak, kya ko hiniling yun. mahal kita! yan ang gusto kong sabihin sayo habang tumitingin ka sa mata ko. pra mlaman mong totoo snasabi ko. excited na ako anak, para ngang ayokong matulog e, gusto ko umaga na agad at sulitin ang isang oras na natitira sakin. diba gusto mo pumunta sa dagat? dun tayo pupunta bukas pag gising mo huh? love u anak. LOVE, TATAY
…………… habang binabasa ni Gindy ang liham, ay walang tigil nman sa pagtulo ang kanyang mga luha. halos hindi sya makahinga. may isa pang liham na natitira, at kahit hirap na hirap na sya ay binasa parin nya ito.
…………… GINDY, 6am na anak, pero tulog ka padin. papasok sana ako para gisingin kana pero naka lock ang pinto. kumatok ako pero hindi mo ata ako narinig. alam mo anak, maganda yung dagat ngayon, kung gising kna punta na sana tayo dun. pero tulog kapa e, kya hintayin nlng kita magising. dun lang ako sa hardin mgpapahangin anak, habang hinihintay kitang lumabas ng kwarto mo, excited na ako makita ang reaksyon mo anak, anu kaya una mong sasabihin sakin kapag makita mo ako? ako simple lang sasabihin ko, MAHAL KITA ANAK! mahal na mahal. gising kana kya? nakabukas na kya yung pinto ng kwarto mo? bakit mo pa kasi ni lock, kanina pa sana kita nagising. pero anak, dto lng ako sa hardin, gumising kana.
LOVE TATAY,
…………… Hindi alam ni Gindy ang gagawin, sising sisi sya sa ginawa nya, kung hindi lang sya pumunta sa dagat agad, at kung hindi niya na i lock ang pinto ng kwarto, may posibilidad pa sanang magkasama silA ng knyang ama, sa huling oras nito sa mundo. "I'm sorry! tay... im sorry!!" tanging nasambit ni Gindy sa kanyang ama. habang mahigpit nya itong yakap. "Tay!. im sorry!" ulit pa nito habang walang tigil sa pag iyak. Nais ni Gindy makita ang itsura ng knyang ama, at nakita nga nya ito ngunit itoy isang bangkay na lamang. hindi na muling nagtungo si Gindy sa dagat, dahil sa tuwing magagawi sya dito ay bumubalik ang mapait nyang nakaraan. at muling sinisisi ang sarili sa mga nangyari. PagSIsisi!! ito ang nararamdaman ni Gindy na para sa kanyay habang buhay nyang mararamdaman. ……. -WAKAS-
Read more at: https://www.facebook.com/mercyanquilopaloma/
https://www.facebook.com/mercyanquilopaloma/
Words can’t bring be down. :)
(On going novel)
Prologue:
Mainit dugo mo sa mga LGBT Community, Ni ayaw mo silang maging kaibigan o maging parte ng buhay mo. Isa kang straight na babae, kaya hindi mo masikmura kung magkaroon ka man ng karelasyon na kapwa babae.
But unknowingly, nagmahal ka ng isang transman. Ang taong lihim ka palang minahal noon. -babaeng piniling maging transman para makita mo sya bilang isang lalaki at hindi bilang isang lesbian na pandidirian mo lang.
Pero paano ka magpapaliwanag sa sarili mo sa oras na malaman mong ang lalaking mahal na mahal mo ngayon at di mo kayang mawala ay isa palang transman.?
Pandidirian mo ba ito at kakalimutang minahal mo sya? o tatanggapin sya dahil mahal mo sya.?
Pero paano kung sa kabila ng malaking desisyong gagawin mo , may is pang bagay ang biglang gumimbal sayo? Kaya mo pa ba syang mahalin? o Tuluyan mo na syang pandidirian at di na muling hahayaang makaroon pa ng puwang sa mundo mo ang salitang “Pagmamahal” at “kapatawaran”.?
Tuldok Ni Mercy A. Paloma 11/06/16
Ayoko na.. itoy nabitawan mo na ba? ayoko na... Di bat paulit ulit nalang itong kumakawala? Animong mabigat na bagay, Na sa tuwing bibitawan mo"y agad na gumagan.
Ayoko na... Salitang ayaw kong banggitin, Ngunit gustong gusto ko ng pakawakan. Ayoko na. Salitang pilit kong kinukulong sa labi. Ngunit mata ko'y tila hindi pabor sa ganitong pagkubli.
Ayoko na... hindi ko alam kung kailan nagsimula. Ayoko na... Di ko maalala kung paano ko nadama. Marahil yung araw na nakilala kita, yung araw na nangako kang ako lang talaga. Araw na bukang bibig mo pa salitang mahal kita. Kasabay nang pagtira ko sa mundo ng pantasya.
Kaya ayoko na. Ayoko ng bumalik sa araw na nakilala kita. Ayoko ng makaalala... ayaw na kitang maalala. Pero walang hiya naman 'tong utak ko, Muling pinaalala sa'kin yung panahon na tinanong mo kung ano ang pangalan ko. Kaya ng magkita tayo, luha ko'y tumulo... pagkat tinanong mo kung sino ako.?
Sino ako? teka... sino nga ba ako? Hinalibgob ko ang utak ko pero hindi ko nahanap ang pangalan ko. Binutasan ko ang puso ko, pero bigo parin akong makita ang pangalan ko. Ayoko na. Ayoko na talaga. Bakit ba ikaw lang ang naaalala ko hindi ang sarili ko.? Ayko na... pakiusap ayoko na.
Ayoko na... ayoko ng sumulat ng tula para sayo. Ayoko na... ayoko ng maubos ang tinta ko nang dahil lang sayo. Pagkat ngayon, naaalala ko na kung sino ako. Ako pala yung nagmahal sayo noon... oo, noon. At ako yung taong magmamahal sa sarili ko ngayon... bukas, samakalawa, sa susunod na linggo, sa sususnod na taon, sa... sa panghabang-buhay.
Mamahalin ko ang sarili ko ngayon... simula ngayon. Wala akong pakiaalam kung pagtawanan ako dahil ngayon ko lang sisimulan ito. Magbibingi-bingihan ako sa 'twing ipapamukha nila sa kin na ang tanga tanga ko. Dahil simula ngayon, Simula ngayon mamahalin ko na sarili ko. At oras lagyan ko na ng tuldok ang tulang ito, Tuluyan ng gagaan ang bagahe ko... pagkat ang tuldok na ay walang iba kundi ang salitang AYOKO NA.