Ito ay ilan lamang sa aking mga natutunan sa aming SocSci11. Lahat ng ito ay hango mula sa internet. Sa unang larawan ay makikita ang unang meme na siya magpapakita ng mga sumunod na larawan. Ang unang meme tungkol sa SocSci ay ang tungkol sa cultural hybridity. Ito ang aking representasyon ng aking sarili at masasabi ko na may third-culture ako sapagkat ang mga kulturang taglay ko ay hindi lang sariling atin. Kasunod na larawan ay aking pag-intindi sa sarili. Ang aking sarili ay binubuo ng aking mga kaugalian, sensasyon, kaalaman at mga nararamdaman at sila ay konektado sa isa’t isa. Kasunod naman ay ang ideya ng id,ego, at superego. Ang aking ego ay patuloy na nagbabalanse ng superego at id. Si id ay aking mga agarang kagustuhan at si superego ang magtuturo ng tama at mali, si ego naman ang realidad at ang siyang magdedesisyon ng gagawin. Kasunod na konsepto na gusto ko ay ang genderbread. Ito ay para mas maintindihan natin ang gender ng isang tao at ang mga elemento nito. Hindi dapat husgahan ang tao sa kanyang kilos lamang bagkus dapat mas makilala pa ang kabuuan ng isang tao. Ang huling larawan ay aking ideya na nais ko sanang maging ideya ng mga Filipino. Ang mga problemang panlipunan o mga social injustices ay patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino. Sana ay magkaroon na ng mga kamalayan ang mga Pilipino upang labanan ito katulad ng mga Black Feminists na lumalaban para sa kanilang karapatang pantao. Ang lahat ng ito ay nakatulong sa akin bilang tao at kung pano ako kikilos sa komunidad. Ako ay patuloy na nagiging tao at ang laking tulong ng asignatura na ito upang magkaroon ako ng gabay sa pagiging ganap na tao gamit ang mga lens ng mga konsepto at aral mula sa mga babasahin.











