WHEN “BAKIT DI KA PA NAG-AASAWA” TURNED SINGLE-SHAMING
Andito ako sa point ng buhay ko na sa susunod na may magtanong kung kumusta na ‘ko, sasasagutin ko agad ng, ‘Eto nananakal ng mga taong may follow-up question kung bakit di pa ako nag-aasawa.” ‘kase, “Mga pakshet silang lahaaaaaattttt.”
Ang totoo, chill lang naman ako kapag may nagtatanong sa’kin kung kelan ako mag-aasawa. Kasi hindi naman yan ganun ka-big deal sa’kin. Iniisip ko na lang, “Ah baka may i-ooffer lang na life insurance na naka-family bundle or baka gusto lang nilang marinig kung may identity crisis ako or ano.” Ganun.
Pero iba ‘tong nakausap ko nitong huli. Out of nowhere, bigla na lang tumabi sa kinauupuan ko. Nangumusta ganyan tapos ang ending, as usual, yung usapan sa kung “BAKIT HINDI PA AKO NAG-AASAWA.” You know, malaking difference yung tanong na “Bakit hindi ka pa nag-aasawa” sa “Kelan ka mag-aasawa.” Kapag kasi “bakit”, tipong may halong panghihimasok ng pribadong buhay. Na parang obligasyon mong mag-explain kahit wala naman dapat. Kapag sinagot mo naman sila ng, “Naku. Gustong-gusto ko na nga din. Kaya lang walang dumadating.” Ang ending, it’s either sabihan ka ng, “Eh paano kasi ang pangit mo.” o irereto ka dun sa matronang may-ari ng majongan sa kabilang barangay o dun sa kaibigan ng pinsan ng kakilala ng kapatid niya na nagtatrabaho daw sa Dubai. Feeling leftover ka tuloy na kung kani-kanino na lang ibinugaw para hindi masayang. ( Pakshet dun sa word na “sayang.”) So bilang defense mechanism, malumanay ko na lang siyang sinagot ng, “Darating din tayo diyan. Kalma lang tayo.” Pero parang hindi ata siya satisfied sa naging sagot ko. Para akong contestant sa PGT na kapag hindi siya convinced sa sagot ko, biglang magrered buzzer. So sabi ko na lang, “In God’s perfect time siguro.”Para pag di pa rin convinced ang bilat pwede ko siyang sagutin ng, “So kinukwestyon mo yung mga plano ni Lord sa buhay ko?!!” Pero siyempre hindi ko pa rin sinabi kasi baka bigla na lang magbasa ng verse ng Bible sa harap ko. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan. Humirit pa ng,
“Mag-asawa na huy. Tumatanda ka na. Ano pang iniintay mo. Tingnan mo ako kuntento na sa buhay. Aanhin mo yung pera mo kung hindi ka mag-aasawa. Sinasabi ko sa’yo, mas masarap ang buhay may-asawa. Kawawa ka pagtanda.”
Palalampasin ko na sana kaya lang nainsulto ako ng intense dun sa part na “Kawawa ka pagtanda.”na parang may pagbabanta. Ang balasubas niya sa’kin shet. Like tanginamoatehanggangbirthdaymo, kawawa yung tingin mo sa’kin ganun? Gustong-gusto kong depensahan yung sarili ko noong mga oras na ‘yon pero andaming kuda ni ate so hindi ako nabigyan ng chance. Ang nasa isip ko lang nun, gusto kong higitin yung tonsil niya at ibilad sa likod ng ref para hindi na makaimik. Kaya ngayon, hihimayin ko yung bawat salitang sinabi niya at sasagutin ko isa-isa.
1. “Mag-asawa na huy.”
Baket may patago ka? Sagot mo pa-catering?
Dii ba pwedeng tanungin muna kung kelan ako magkakacrush tapos M.U. tapos gerlpren tapos first monthsary tapos first anniversary tapos kelan magpopropose tapos kelan magkakafiancée? Then dun mo pa lang ako pwedeng tanungin kung kelan ako mag-aasawa? Nasa Tinder stage pa lang ako. Wala pang nagsswipe right asawa na agad?
Tska wag masyadong feeling significant at concern na parang special mention ka ‘pag nagspeech ako sa reception dahil ikaw ang nag-push sa’kin na mag-asawa ako. WALANG GANON. Hindi ka imbitado. BLACKLISTED KAHANGGANG SA DEBUT NG APO KO.
2. “Tumatanda ka na.”
“So may countdown? Bakit ikaw ba sa pabata? Tska hindi mo kelangang ipaalala. Nagbibirthday ako every year so updated ako sa edad ko.”
3. “Ano pang iniintay mo,”
“Wala akong kailangang hintayin kundi ang pag-alis mo sa harapan ko.”
4. “Tingan mo ako kuntento na sa buhay.”
“Akshwally, halata namang kuntento ka na sa buhay kaya pati buhay ko pinapakialaman mo din. Magyayabang ka lang pala di mo agad sinabi para nainform ako ng mas maaga.”
5. “Aanhin mo yung pera mo kung hindi ka mag-aasawa.”
“IBIBIGAY KO SA’YO ‘PAG NAGHIRAP KA.”
6. “Sinasabi ko sa’yo..”
“KELAN KO HININGI ANG OPINYON MO”
7. “Mas masarap ang buhay may-asawa.”
Eh di good for you. Sinabi ko bang hindi? “Happiness is relative kase. Kaya stop comparing YOUR happiness to my OWN happiness. We define our own happiness so please stop defining mine.
8. “Kawawa ka pagtanda.”
“Pero meron ding nakakaawa pagtanda dahil ipinagpalit ng asawa sa iba tapos hindi na binalikan.”
Seriously, nakakaawa talaga? Single-shaming to the maximum level raise to the nth power.
Tapos kung ano-anong pangaral at sermon pa yung sinabi kung gaano kasarap ang buhay may asawa na parang kinacounselling ako sa loob ng rehabilitation center. Kulang na lang patayin yung lahat ng ilaw sa paligid, itutok ang spotlight sa mukha ko, lagyan ng posas at piring at ipatorture kay Cardo Dalisay na parang may nilabag akong batas at isang malaking krimen ang nagawa ko dahil hindi pa ako nag-aasawa. Na sinasayang ko lang daw ang buhay ko at hindi ko matatagpuan ang ‘tunay na kaligayahan’ kapag nanatili akong single.
Tangina.
WHAT. A. CONCEPT.
Wala akong pakialam kung sila yung pinakamasayang tao sa mundo, deserve nila yan. Deserve yan ng kahit sino actually. Pero please lang, stop single-shaming. May mga taong kuntento na sa pagiging single, sa ngayon. Pero meron din namang struggling pa rin para mahanap yung tamang-tao para sa kanila. We don’t really know what other people are going through kaya wag sanang i-pressure na parang hindi nila naranasan ang maging single. Sila kaya ang tanungin ng,
“EH IKAW? BAKIT DI KA PA HINIHIWALAYAN NG ASAWA MO?”, everytime na magtatanong sila kung kelan tayo mag-aasawa.
PARA SAME CONCEPT. SAME PRINCIPLE. SAME DEGREE. TSKA PARA FAIR.
Be single-sensitive naman kasi.
#satotoolangnaman #wagkayopalatanong #hanapannyokamengaasawahinlols













