Just wanna share this kilig moment of mine 😍 So iyon nga po ano nung thursday (Oct. 26,2017) e 6th anniversary po namin, sa dami ng nangyare sakin this past few weeks e di ko talaga napaghandaan ung anniv namin, balak ko nga sana magvivista tala (one of the most relaxing resort in Bataan) kami to celebrate our anniv. Pero di kasi inaasahan may namatay yung tito ko, so i need to go home and magleave sa trabaho, 😔. Ending maliit lang sasagudin ko kasi halos 2weeks akong wala pasok, so sabi ko sakanya, kumain nalang kami sa labas at manuod ng sine kasi iyon lang pasok sa budget ko. Since wala din naman ako gift saknya e sa isip ko ilibre ko nalang sya. Sabi nya wala sya gift ko sakin, naintindihan ko naman kasi wala pa sya work now and mejo krisis din sila ng family nya, sakin lang mkasama ko lang sya okay na tutal pang anim na taon na namin kumabaga nung mga nakaraang taon gumagala naman kasi sadyang ddting din talaga ung time na di laging may budget. So aun nga to make the story short, paguwi namin sa bahay after magdate, gulat si ako bes!! Haha pagbukas ko ilaw may pa vanity mirror si mayoooor! Ung matagal ko ng sinusumbat saknya haha kasi mga tropa nya ginagawan ng vanity mirror mga gf nila sabi ko pa tuwing inuman “ sus si john asahan mo sa mga ganyan? Nganga ka!” Haha kaya ito po gulat talaga me and syempre super happy! Matagal ko ng inaasam asam eto na. Haha sarap magselfie, buti daw may nagpagawa saknya ng project, binayaran sya 1k iyon daw ginamit nya pambili materials, hay mahal lodi na kita petmalu ka talaga! Ang saya lang. Sarap mainlove ❤️😍😍










