Halika’t gumawa tayo ng istoryang hindi natin pwede ikwento kahit kanino.

No title available
No title available
Today's Document
styofa doing anything

⁂
Alisa U Zemlji Chuda
sheepfilms
Show & Tell
Keni
Acquired Stardust
Sade Olutola

Product Placement
trying on a metaphor
d e v o n
Peter Solarz

Andulka

blake kathryn
tumblr dot com

shark vs the universe
KIROKAZE

seen from Malaysia

seen from China

seen from France
seen from United States
seen from Czechia
seen from United States

seen from China

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Italy
seen from United States

seen from Netherlands

seen from Germany

seen from Malaysia
seen from United States
seen from India
seen from United States
@overcaffeinatedsoul
Halika’t gumawa tayo ng istoryang hindi natin pwede ikwento kahit kanino.
Tula
Gusto ko sana sumulat ng tula,
Kaso di ako magaling sa mga salita.
Gusto kitang alayan ng isang harana,
Kaso di rin ako marunong kumanta.
Ibubulong na lang sa hangin,
Ang mga nais kong sabihin.
Kailangan pa ba kitang pakiligin,
Kung gusto lang naman kitang kantutin?
📍Zaro Restobar, Puerto Princesa
Patikim ng Kape Mo
Hindi talaga ako umiinom ng kape. Pero nang yayain mo ako sa bagong bukas na coffee shop, sumama agad ako.
“Ang sarap,” sabi mo pagkahigop mo ng kape.
Hindi ko kailanman naintindihan kung anong nagustuhan mo sa mapait na inumin.
“Masarap din ‘tong sa akin,” pagpapanggap ko habang pilit na nilulunok ang pait na di naikubli ng gatas.
Tumingin ka sa akin nang may maamong ngiti, “pwede patikim ng kape mo?”
Dahan-dahan kong tinulak ang tasa papalapit sa’yo. Mahinahon mo itong inangat at nilanghap ang usok na sumasayaw. Ang paghigop mo ay isang himig, at ninamnam mo ang bawat patak.
“Mas masarap ang kape mo,” bulong mo.
Tinikman ko rin ang sa’yo. Ang pait nito ay parang karayom na tumusok sa aking dila, “Mas gusto ko ‘tong kape mo.”
Minungkahi kong magpalit tayo. At sa iyong mga mata, libo-libong bituin ang kumislap. Hindi ko talaga gusto ang kape mo, o kahit yung kape ko. Gusto ko lang makita kang masaya.
Life update: Been working out for a couple of months now. Hehe
Caldereta
Nagbakasyon ako sa Siquijor para takasan ang ingay ng Maynila. Gusto ko rin sanang matuklasan ang ganda at misteryo ng isla, pero sa isang lokal na residente ko naranasan ang tunay na mahika.
Nakilala ko siya sa isang kapehan, nakakwentuhan, at sa kanyang bahay ako ay inimbitahan.
Ipinaghanda niya ako ng masarap na hapunan, Caldereta — hindi ko sigurado kung karne ng kambing o baka o baboy. Basta, sobrang sarap. Nakakainit hindi lang ng tiyan, pati na rin ng puso.
Pagkatapos namin pagsaluhan ang masarap na hapunan, hinila niya ako sa kanyang higaan. Niyakap niya ako at hinalikan. Nagtagpo ang aming mga katawan, at aking nalasap ang kakaibang sarap na sa kanya ko lang naranasan.
Sa kalaliman ng gabi, habang nakahiga sa kanyang malambot na kama, bigla akong nakaramdam ng matinding uhaw. Pumunta ako sa kanyang kusina para kumuha ng maiinom. Pagbukas ko ng ref, bumungad sa akin ang isang pugot na ulo, pamilyar ang mukha, nakita ko sa balita, iyon ang nawawalang turista.
What if you got to do everything in your life — again?
Kahit Sandali Lang
Nakatitig ka lang sa kawalan, mabigat ang nilalaman ng iyong puso at isipan.
"Gusto mo bang pag-usapan?" tanong ng kaibigan mo habang nakaupo sa tabi mo.
"Hindi. Gusto ko lang kalimutan.." sagot mo, "kahit sandali lang."
"May magagawa ba ako para makalimot ka..” Sabi niya, puno ng pag-aalala, “kahit sandali lang?"
"Siguro kailangan ko ng distraction."
Nagmungkahi siya ng mga pwedeng gawin. Manood ng movie? Mag road trip? Mag kape sa malayo?
Pero umiling ka lang sa bawat suhestiyon niya. Hindi iyon sapat para patahimikin ang gulo sa isip mo.
"Sex tayo," sabi mo bigla.
"Ano?" tanong niya, kahit malinaw naman niyang narinig ang sinabi mo.
Humarap ka sa kanya, seryoso at mapang-akit ang iyong mga mata, "Sex tayo."
Wala nang tanong, wala nang salita. Hinalikan ka niya. At sa gitna ng inyong pagtatalik, sa wakas, tumigil ang magulong mundo mo at gumaan ang mabigat na nilalaman ng iyong puso at isipan.. kahit sandali lang.
Almost three months na kami hindi nagkikita ni jowa, feeling ko virgin na ako ulit. 😭😭😭
📍Cafe De Lusa, Coron
Sinabihan ko yung kawork ko na crush ko yung senior namin tapos 2 days later sabi niya sa senior namin na irereto niya best friend niya sa kanya (senior). Any advice for me? I feel slighted.
Maybe ikaw yung tinutukoy ni kawork na best friend nyang irereto kay senior? If hindi, ang kupal nya. Stay away from that coworker. The betrayal! If you’re that really into your senior, make your move na, invite mo mag sine or coffee or something. Hehe
📍Point of Brew Cafe, Coron
Masarap ang mga pagkain, pero yung view talaga ang binabalik-balikan ko.
📍Mt. Espadang Bato
Organic Encounter
“Iced,” you tell the barista, pointing at your cup. “I ordered Iced Caramel Macchiato. This one is hot.”
Just then, another barista calls out your name, holding up a condensation-covered cup. It’s the iced version you actually wanted.
“I think that one’s mine,” a voice says from beside you.
You turn to see someone holding the steaming cup you were just complaining about. Turns out, you share the same name, and you both ordered a Caramel Macchiato. The only difference is that you want it cold, and they want it hot.
After a quick switch, you grab a table together. You bond over your shared love for coffee, and you can’t help but think that maybe, just maybe, this organic encounter means you’ve found the person you’re going to share the rest of your caffeinated life with.
Happy New Year. Sana magkaron tayo ng maraming kilig at dilig sa 2026, o kahit maraming pera na lang.
Merry Christmas 🥲
Tara, kape?
Tara, kape.