Mahilig ako magkape sa umaga sa tanghali sa gabi at miski hating gabi ay wala akong pinipili
Gusto ko yung timplang mapait yung tapang na 'di nakakapagbigay kalma. Yung nagpapanginig nag bibigay bilis tibok ng puso ko gusto ko yung ganun
At ayoko ring mag pa timpla ayokong umasa sa iba na mag takal at mag pakulo ng mainit gusto ko ako lang, Dahil ang proseso ng pagtitimpla para sakin ay nabibigay romansaâmula sa pagpili ng paborito kong baso sa pag takal ng mga saktong sangkap at paghihintay sa pagkulo ang tubig ng dahan dahan pero kasabikan naman ang laan, hanggang maingat kong sinasalin ang tubig dahil ayokong matalksikan mapeklatan at masaktan.
Siguro marami nga akong seremonyas at buladas na bakit ang simpleng bagay ay ginagawa kong komplikado pero paumahin dahil sa ganito ko tunay nalalasap ang sarap ng pagpapahalaga
Para sakin walang tiyak na kapareha na pedeng ikumpara o ihalo sa kape dahil ayoko ring mag matamis bakit kamo?
Dahil ayoko ng may kasalo, minsan kong sinubukan mag dagdag asukal paputiin at pakalmahin ang dilimâminsan korin itong nagustuhan, pero madalas ay nauunahan pa ako ng mga langgam para ito'y tikman
Marahil sasabihin ng iba ay wala namang mali dito kahit gatas o pulot ang ihalo pero para sakin nawawala ang halaga ng dapat ipakita nawawala ang lasa napapalitan ang kulay nawawala ang kaluluwa ng dapat ay bida.
Matatagal narin nang huli kong natikman ang tamis, matagal tagal konaring iniiwasan ang asukal sa garapon naging mistula nalang siyang palamuti sa mesa para 'di masabing kulang, nandiyan pero hindi bubuksan.
Naging natural na sakin ang paginom ng madalim na kape na habang ako'y tulala para ba akong hinihikayat na sumama manatili sa sulok at nerbyusin sa kaba tunay ang bangungot sa umaga at matagal ko na tong tanggap ang tingin ko dito ay kalinga.
Kaya hindi ko maintindihan na sa tagal ko ng umiinom nito bakit ngayon pako nagkulang
Bakit nagbago bakit iba na ang kinasanayan kong lasa
Mula sa pag inom ko ng purong kape sa umaga sa tanghali sa gabi at hanggang hating gabi hindi kona matikman unti-unti at konaring nakakalimutan
Pero alam akong wala akong binago kalkulado koparin mula sa pagpili ng paborito kong baso hanggang sa pahihintay sa tubig na kumulo at maingat na paghahalo
Pero bakit wala na yung pait bakit wala na yung dilim at lagim na dala ng tasang iniinom ko, Wala nang nerbyos wala na yung nginig wala na yung bangungot habang gising ako sa umaga
Pero napapatulala parin ako habang hawakhawak itong tasa, iniisip na anong mahika, hiwaga o sumpa ang kumapit sakin
para palitan ng tamis ang pait na dapat ay para sakin
Alam kong diko ginalaw ang asukal sa mesa pero nalalasahan ko nalang ay tamis, hindi ko matanggap na untiunti nang tinatanggap
ng sistema ko ang lasa at dahan dahan nakong nagpapaubaya
Hanggang ngayon tasang dilim na may tamis parin ang natitikman ko malabo at mala burado na ang lasa ng nakasanayan pero tanda ko ang unang lagok ko ng pagbago nitoâtiyak ako Ito'y dahil sayo.
Mula sa hindi inaasahan na tawag marahan kong tinignan ang pangalan sa telepono kahit alam kong ikaw lang naman ang tanging nakalagay dito,kaya kahit ang kanan ay wala namang laman mas pinili kong ibaba ang tasa kong kape sa kaliwa para masagot ang tawag mo, mabilis at dahan-dahan namalayan kona lang lumamig na ang kapeng tinimpla ko sa haba ng ating kwentuhan
Alam mong hindi ako umiinom ng malamig na kape pero dahil nanghinayang ako pilit lunok ko itong nilunon at dun ko unang natunghayan ang mahikang dala mo, na pano mo na bago ang matamlay na panlasa ko patungong buhay.
Na pano kumulay ang dilim na hindi kinakailangan ng asukal at gatas kundi purong ikaw langâ Pinanginginig at pinabibilis parin ng timplang kape ang tibok ng puso ko pero alam kong hindi na 'to nerbyos; Alam kong hindi na.












