Binilisan ko ang takbo para habulin ka…. Diba sabi mo dati walang iwanan. Pero saan ka pupunta ngayon? Sa kawalanan? Sa lugar kung saan wala kang puwang? Sa mundong manliliit ka sa sarili mo dahil kahit anong gawin mo, hindi ka nila tatanggapin? Hahabulin kita. Maaari mo pang baguhin ang isip mo. Tumtakbo ka, patungo sa lugar na gusto mong makita ang sarili mong masaya. Tumatakbo ka, palayo sa lugar na dati kang sumaya. Tintakbuhan mo ako, ang taong dati sayo’y nagpasaya. At lumalayo ka, mula sa nasayang na ala-ala. Hindi na nga ikaw ang taong minsan ngumingiti sa mga simpleng bagay sa mundo. At hindi na ikaw ang taong nakilala ko. Unti-unti kang binago ng pagkakataon, at unti-unti mong hinayaang dalhin ka ng panahon. Maging ganun pa man, hangad ko ang iyong kaligayahan. Binilisan ko ang takbo, palayo sa iyo.











