Challenge Week Day 2
Hiyang-hiya ako.
Hindi ako marunong mag-joke. =(
Sa pamilya namin, alam ng lahat na ako ang pinaka seryoso. Kadalasan kahit nakatatawa ang joke hindi ako tumatawa kasi feel ko hindi appropriate ang timing, o wala namang sense. Kaya sa araw na ito kung saan pinapagawa kami ng maraming jokes, huhu I cry. :(( Mas mahirap pa talaga kasi ang bisdak ko (Bisaya talaga magsalita), at hindi pa ako ganun ka expresssive sa wikang Tagalog.
Kaya nga so far, hindi ko talaga na-eenjoy ang Challenge Week kasi nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ako marunong mag-joke o magpatawa at iniisip kong isa itong flaw. Natatakot nga ako, kasi alam kong sobrang mababa ang scores ko at isang malaking dahilan nito ay hindi ako marunong mag-joke. :(











