Ang Pagbaha ng Mapula
nakahiga siya sa batis, pinapalibutan
ng mga kongkretong baybayin, humuhugis,
mag-isa
dumadaloy mula sa bunganga. ang ilog
makapal, makulimlim. ang langit
patuloy sa pagtulong hindi niya hinihiling.
ilang daang alon pa ba
ang tatanggi sa pag-agos
ng kalooban na
papatak din . umaanod na
ang kapaligiran at siya'y
mauubos din .


















