PAGOD NA KO MAG HANAP.... SANA PAGOD KA NA DIN MAG TAGO
🩵 avery cochrane 🩵

if i look back, i am lost
Cookie Run:Kingdom Official!
h
hello vonnie
YOU ARE THE REASON
The Bowery Presents
Not today Justin

roma★
Game of Thrones Daily

#extradirty
Fai_Ryy
Show & Tell
No title available
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
𓃗

Game Changer & Make Some Noise

Jimmy Eat World

oozey mess

izzy's playlists!
seen from Colombia

seen from Argentina
seen from Brazil
seen from Thailand
seen from United Arab Emirates

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Indonesia

seen from Canada

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from Hungary
seen from United States

seen from Iraq

seen from Germany
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@penismysword
PAGOD NA KO MAG HANAP.... SANA PAGOD KA NA DIN MAG TAGO
muntik na kong hindi makita
asan kana ba ? (nandito ka lang pala)
Matagal tagal na din kitang hinahanap. Di Ko alam kung masyado ka lang mailap. O anjan ka lang sa tabi tabi pero mas pinili mong mag panggap. Mag panggap na walang nag hahanap sayo. Mas pinili mong mag bulag bulagan para Hindi mo nakita ang totoo. Na may nag hahanap sayo.
Oo hinahanap kita. Hindi Ko nga lang alam kung San direksyon ako pupunta. Kanan ba o kaliwa. Taas ba o sa ibaba.
Sinubukan Kong mag punta sa kanan. Ngunit meron akong nakabunggo. Nag tama ang mga Mata name at may kung anong nabuo. Akala Ko nakita Ko na. Akala Ko nakita na kita Akala Ko lang pala. Sa kanan direksyon na aking pinuntahan Di man lang ako nag tagal at para lang napatambay. Nakita Ko ang sarili Ko na kumakaway sayo at nag ba ba bye.
Sinubukan ka ulet mag iba ng direksyon sinubukan kung kumaliwa. Habang nag lalakad may nasalubong akong mag jowa. Magkahawak kamay silang nag lalakad. Yung lalake nakatingin sa kanya Nakatingin naman saken ang hitad.
Bigla akong napaisip kung nasan lugar ba ako. Aaaah block 69.seenzone kaliwaan Street. Kaya nmn pala ang lakas ng loob mangaliwa kahit panget. Teritoryo pala nila to. Kaya kumaripas na Ko ng takbo.
Yung susunod na direksyon na tatahakin Ko ay masyado na Kong desperado na nakita ka. Gusto ko ng gawin Lahat para mahanap ka.
Kaya naman nag punta na ako sa taas. Ditulad sa ibang lugat na pinuntahan Ko diyo masaya. Mas mataas mas masaya. Kahit Di kita nakikita dito, sa taas masaya. Kahit nasasaktan na Ko dito, sa taas masaya. At kahit na umiiyak na Ko sa pangungulila sayo pag nasa taas ako masaya.
Ngunit sa kalagitnaan ng saya akoy nag taka. Alam kung maraming emosyon akong nadarama, pero pag nasa taas ako masaya lang ang nararamdaman Ko at wala ng iba.
Parang sasabog ang dibdib Ko salungkot, pero mas sasabog ang utak Ko dahil sa droga at marijuana. Ibang direksyon pala ang napuntahan Ko. Ibang taas ang paglipad Ko. At nahihirapan na Kong bumaba at huminto.
Umpisahan pa lang ng paglalakbay at pag hahanap Ko sayo alam Kong naliligaw na ako. Pero mas mawawalan ako ng direksyon at lalong maliligaw kung Hindi ako makakaalis sa lugar nato.
Pinili Kong humakbang papalayo. At simulang maglakad habang ang uloy nakayuko. Lumuluha ang mga Mata, At ang puso ay dumudugo
Hanggang sa Hindi na maka hakbang at biglang napaluhod at napahinto. Nag simulang magsalita ang mga matang lumuluha, habang ang puso ay nag durugo. Pinag halik ang mga palad at biglang tumingala Hiningi ng tawad habang umaagos ang mga luha. Panginoon akoy nag ka sala. Sana akoy iyong kaawaan Ituro nyo nawa sa aken ang tamang daan.
Nag simulang tumayo nang may panibagong lakas. Bisyong tinikman litong pag iisip Di na mababakas. At akoy nag pa Tuloy sa aking pag lalakbay. Ngunit sa pag kakataong Ito ang panginoon ang syang aking gabay. Hindi na matatakot na maligaw pa. Kahit maraming hadlang ang humarang tumingala ka lang malalagpasan mo sila.
Sa paghahanap Ko sayo maraming na Kong pinag daanan at litiral na pinag daanan. Ngunit alam Ko alam Ko na Malapit Ko ng malaman kung nasan ka. Panandalian akong huminto sa pag hahanap sayo. Nakakagutom plang mag lakbay ng wlang sasakyan at gamit lang ang mga paa Ko.
Panandalian kumain, panandalian umiinom. Di na Ko na tumae sayang ung kinain Ko baka bigla ulet akong magutom.
Magsisimula na sana akong maglakad at maglakbay ngunit bigla akong kinilig. Akala Ko nakita na kita naiihi lang pala ako kaya bigla akong gumilid.
Habang nangangaroling hawak ang aking stick-0 bigla akong may nabasa sa pader. "Follow the arrow and you will find her" Inisip Ko na tinutulungan na Ko ng tadhana para makita ka. Kaya Tara na heto na Bawat nakita Kong arrow iniisip kp nandun ka. Sige sunod pa. Sige hanap pa. Isang libong arrow na ang sinundan Ko hanggang ngayon wala ka pa.
Pero Hindi ako titigil dahil ramdam Ko nasa malapit ka na. Hanggang isang malaking arrow ang aking sinundan. Sa isang lugar na may makipot na daan. At sa kadulo duluhan my isang pinto sa aking harapan. Dahan dahan Ko itong binuksan. Dumampi sa akin ang liwanag na nag mumula sa pintuan. At nakita Ko ang isang matarik na hagdan. Sinubukan Kong humakbang paibaba. Sa sobrang tarik nakaramdam ako ng pag ka Lula. Pero Hindi nag padala sa takot na nararamdaman. Dahil alam Ko na sa dulo ikaw ang syang tangi Kong matatagpuan. At ng marating Ko ang dulo ng hagdan. Parang biglang tumigil ang oras, parang bumagal ang Lahat. Bumili ang tibok ng puso Ko kumalma na parang walang Alon ang dagat.
O baka nmn kya tumigil ang oras ay dahil sa peke ang g-shock Ko. At bka kaya bumagal ang Lahat dahil mabagal mag lakad ang matanda sa tabi Ko. At bka kya biglang bumilis ang tibok ng puso Ko dahil hinihingal ako. Dahil kakasunod sa lintek na arrow na yan fire exit pala ang napasukan at nababaan Ko.
Biglang akong nanghina at parang maiiyak. Naiiyak ako sa galit parang gusto Kong manapak.
Gusto Kong mag lakbay ulet pero Hindi para hanapin ka gusto Kong mag lakbay para hanapin yung gagong sumulat sa pader. May nalalaman kapang follow the arrow and you will find her
Nawalan na Ko nang pag asang makita ka. Pasuko na sana ako hanggang sa my isang bagay akong nakita para maalala ka. Pinaalala saken kung nasan ka. At sinabayan pa Ito ng kanta.
"Mr. Kupido ako namay tulugan mo bat Hindi panain ang kanyang damdamin at ng ako ay mapansin."
Pag tapos Kong marinig ang kanta Biglang ulit ako nakarinig ng tugtog. Tugatog tugatog tugatog. Tibok ng puso Ko pla ang naririnig Ko. Matagal na pla akong pinana ni kupido. At matagal na plang my arrow sa puso Ko. Hindi Ko na pla kailangan sundan at hanapin pa. Dahil Hindi ka naman pala umalis at lalong Hindi nawala. Nasan ka dw ? Nandito ka lang pala!!!
Sa puso Ko....
P.S My mga taong Hindi natin nakita pero nagawa nating mahalin. At my mga taong Hindi na naten kailan man makikita pero patuloy pa din nating mamahalin.
Sinunod Ko lang ang puso at konsensya Ko. Kaya si Miriam defensor Santiago ang binoto Ko.
Yoko kc mkiuso. Bka maging aldub si duterte eh. Nakakaumay sa huli.
@iambyannextraordinaire infeeeeerneessss.. pumayat kana.. clap clap.. :)
goodvibes!!
smile you’re designed to <3
a life that is worth it is not a wealthy life not an honorable life nor a long life, but a life that you are a worthy person and a life who makes other people worthy also
penismysword
buti pa yung magsasaka kahit alam na nilang ang mag tanim ay di biro maghapon pa din silang naka yuko, pero ung mga pulitiko ginawa na ngang biro ung trabaho nila ayaw pang umalis sa pag kaka upo
kung manhid sa pag tulong sa kapwa ang mayayaman at matatalino, kuntento na ko sa pagiging isang mahirap at bobo
SINO NGA BA AKO
Isang simpleng tanong ngunit napaka kumplikadong sagutin. hindi lang pangalan mo kundi buong pag ka tao mo ang dapat alamin. kilala mo nga ba kung sino ka? o kailangan ibang tao pa ang mag sabi kung sino ka nga bang talaga ? balik tayo sa tanong "SINO NGA BA KO?" Ako si penis my sword 26 years old. pangalawa sa tatlong anak ni manaloto sword at erlinda csword . sa tanong na sino nga ba ko ? pwede na bayang sagot ? well tingin ko nalaman nyo lang kung sino ang magulang ko at ano ang pangalan ko pero hindi ang buong pagkatao ko. "sino nga ba ko?" bilang kaibigan isa ko sa napaka dami mong kaibigan pero isa din ako sa iilang kaibigang totoo sayo. wala man ako lage sa tabi mo pag kailangan mo, sisiguraduhin ko naman na lage akong nasa likod mo para pag tawanan ka sa mga bagay na maling ginagawa mo. nasa likod mo din ako para itulak ka kapag alam kong gusto mo nang umatras sa mga problema mo.nasa likod mo ko para itulak ka sa mga bagay na dating nag papasaya sayo pero tinalikuran mo dahil akala mo wala ng naniniwala sayo. tandaan mo lage akong nasa likod mo para humarang sa mga nasa likod mo para pigilan ka sa mga bagay na nag papasaya sayo. pero kung gagawa ka ng bagay na alam kong mag papahamak sayo. tandaan mo nasa harap mo ko para itulak ka palayo, pa atras sa gagawin mo. ngayon ako naman ang mag tatanong "SINO NGA BA KO BILANG KAIBIGAN MO?"
Pag dating naman bilang mag aaral. "SINO NGA BA KO BILANG MAG AARAL?" isa lang akong tipikal na mag aaral. papasok pag gusto mag bubulakbol pg ayaw. ayoko kasi ng force learning. ung tipong kailngan mo lang pag aralan ung subject na kahit alam mo naman pwede mo naman matutunan kahit wala ka sa paaralan. kasi pag ganon maipasa ko man ung subject o exam pag tapos nun limot ko na lahat un. pero pag gusto ko ung topic. dimonyohin man ako ng dimonyo kong mga kaklase para mag bulakbol uupo pa ko sa unahan ng klassroom para matulog este mag aral. aminado ko average lang ako pg dating sa academic pero hindi ako bobo. tingin ko nga matalinong tao ko hindi ko lang alam kung san ko gagamitin yung katalinuhan ko. sa tuwing mag quiz at alam ko na ready ako. nakapag review ako hinding hindi ako mangongopya. kung meron man akong hindi alam na sagot iiwan ko nalang na blangko kesa mangopya . pero pag my biglaang quiz ung tipong absent ka last meeting at alam mong wala ka talgang masasagot sa tanong isa lang ang nilalagay ko at isa lang ang isasagot ko sa bawat tanong "PAGMAMAHAL" dahil sabi ng nanay ko "anak kahit kailan kahit saan, hindi kailanman mali ang mag mahal".. na realize ko kahit ganto lang ako ang swerte ko pala kumpara sa ibang tao.dahil nakapag aral ako. nag aral ako na hindi maxadong pinoproblema ang baon. ang tuition. ang pinoproblema ko lang bilang mag aaral eh ang pag gising ng ma aga. wag sanang ma late. wag sanang mag overtime si maam sana di ako antukin sa klase. sana hindi ako ang unang tawagin sa recitation. eh ung ibang mag aaral ??? problema nila ang baon. ang tuition. pamasahe. biglaang contribution kasi sakto lang ung baon nila. kaya maswerte pa ko. maswerte kapa! kaya mag aral ka! tandaan mo "UNG MGA STUDYANTE NA MAY KAYA SA BUHAY NAG AARAL PARA PAG NAKATAPOS MAKAPAG TRABAHO SILA. PERO UNG MGA STUDYANTE NA MAHIHIRAP NAG TATRABAHO MUNA PAG NATAPOS CHAKA PALANG SILA MAKAKAPAG ARAL" kaya ma swerte ka !kya ma'am sir. pwede mag tanong? bilang nging studyante nyo. "SINO NGA BA KO BILANG STUDYANTE NYO"
SINO NGA BA KO BILANG BF MO ?mukhang mahaba habang kwento to... tara simulan na naten.. pero bago yan trivia muna. alam nyo ba na hindi ako marunong manligaw ? ako kasi ung nililigawan eh.. (pogi mo dong)nasanay na ako na malapit sa babae. yung tipong akala ng iba kame na pero hindi naman pala, tapos biglang aamin yung babae na "ALAM MO ANG BAIT MOKASI EH NAKAKATUWA KAPA, MASAYA KO KAPAG KASAMA KITA KAPAG KAUSAP KA. TINGIN KO NAHUHULOG NA KO SAYO(POTAAAAH GINAWA PA KONG HAGDAN) natatandaan ko pa nung freshman palang ako sa isang university. my kumuwa ng number ko ibibigay nya daw sa friend nyang bakla kasi may gusto saken. pero ang totoo xa talaga yung gustong kumuwa ng number ko. tinanong ko siya kung bakit kinuwa nya yung number ko sabi nya"NAMIMISTERYUHAN KASI KO SAYO EH" (kanina hagdan ngaun naman ginawa mo kong kababalaghan!!) sabi nya "pag mag kakasama kasi kayo ng mga tropa mo sa school ang saya saya mo ang ingay ingay mo. malayong malayo sa nakikita ko na tahimik at suplado. madalas kitang makita sa library ang tahimik mo. (natural library un bawal maingay tangaa ka ?" tapos nung mag kakasama kayo ulet nang mga kabigan mo nakita ko may kasama kayong babae. nag tataka ako kung bakit lahat ng kaibigan mo ang bibibo todo pasikat sa babae pero ikaw tahimik lang. naisip ko nga baka bakla ka e." natawa ko sa sinabi nyang yun. hindi ako bakla. hindi ako halamang dagat! hindi ako basha, "bakla pla SHA" ganon lang talaga ako pag may ibang tao sa circle of friends ko.. lalo na pag babae.. guys tips..pag mag kakasama kayo ng tropa mo. at my bagong tao sa harap nyo lalo na maganda hayaan nyo lang sila mag pasikat mag papansin ikaw ngiti ka lang tahinik ka lang dahil sa huli ikaw din ang mapapansin.tulad ng inaasahan ako yung napansin naging close kame.. nalaman ko na broken hearted pala xa. at ako naman medyo broken hearted heartedan lang din nag suggest xa na kung pwede maging kami sa loob ng 100 days (korny noh?)pero bawal ang mainlove. sa isat isa. (gulo noh) pumayag ako kasi mag babakasyon na din naman yon sem break. kaya alam ko yung 100 days magiging 10 days lang yan kasi di nmn kame mag kikita. pero dahil my pag ka sweet at gago ko kinarir ko yung 100 days na parang gf ko talaga xa.naging mas lalo kameng naging close (pero hindi ko talaga xa gusto eh) sweet sweetan. palitan ng mga sweet comment sa friendster.. oo freindster pa nun kasi matagal na talaga to. 2009 pa. habang mag kausap kame sa telephone bigla nyang sinabing "alam mo nahuhulog na ko sayo. tingin ko mahal na talaga kita". hindi ako agad nakasagot. ang nasabi ko lang "diba kaya my 100 days para 100 days mo xang makalimutan ? para makapag move on ka ?" pag tapos ng conversation namen tapos na din kame... okie na din siguro yun kesa mag patuloy ng xa lang ang nag mamahal. 2 weeks bago ulet xa nag paramdam. nag text xa.. pero ang totoo friend nya pala yung nag txt. nag iinuman daw sila. tapos banggit daw ng banggit sa pangalan ko. umiiyak.. puntahan ko daw.. xempre na guilty ako. na kunsenxa.. pero dapat ba ko ma guilty ?? d ko alam... nag punta ko sa bahay ng friend nya kung saan nag iinuman sila.. kinakabahan nag aalala. yan ung mga naramdaman ko nung papunta ko sa kanila. na abutan ko sila.. na abutan ko sila... nag me make up. nag kukulot. nag tatawanan... ampotaaa gigimik pla.. pinapunta lang ako para sumama.... ung babaeng inakala ko na madadatnan kong na mamaga ang mata sa kakaiyak. na mamaga pala ung panga kakatawa.. argghh.. na pag tripan ako.. xempre no choice sumama na ko... inom dito inom dun... sayaw dito sayaw don.. kahit na mukha akong tipaklong na nag sasayaw don. d naman kasi ko party goer. kung iinum lang mas gusto ko sa bahay nalang. pero kung mag sa sight seeing ng leegs at clevage ng mga babae sa bahay nalang din. meron nman saming dyaryo.. tiktik boomba sagad toro.. hahaha natapos na yung inuman nag kayayaan ng mag si uwian. medjo tipsy na sila. mga namumula. ako negro pa din.. bwahahahhaha.at dahil gentledog ako. nag suggest ako na ihatid xa. kasi malayo pa ang uuwian nya. sa kamalas malasan naman. biglang umulan.. (actually naging pabor pa ung pag ulan) sa sobrang lakas ng ulan sumobra din likot ng isip at mata ko.. bigla akong may nakita at nabasa na "KUNG SPECIAL SAYO I VICTORIA COURT MO" at nang yari na nga. nangyari na ang inaasahan kong mangyari nang dahil sa ulan. nangyari na. shiiit ang dumi dumi ko na... ang dumi ko na... huhu.. ang dumi ng pants ko puro putek. ang dumi ng sapatos ko ung thisrt ko ang dumi na din.. ang dumi dumi ko na(ANG DUMI DUMI NA DING NG ISIP MO ) at dahil perstime ko sa pumasok sa ganon. wala akong ka alam alam. pag pasok namen nag tanong xa"san ba ung swtich dito?? ang dilim naman" sumagot ako nasa gilid ng kama my switch dun (wala kasi talaga kong alam) nag tanong ulet xa. "pano mkapag connect sa wifi nila ?" sumagot ako " dun mo makikita ung password oh. tgnan mo nalng.. habang nasa CR ako naliligo nag tanong ulet xa. ano ba ddial?? order tayo na gugutom na ko.... sumagot ako habang nasa cr "DIBA SABI KO NGAYON LANG AKO PUMASOK DITO ? DIAL MO TO **** bwahahahahaha!! wala perstym ko talaga. pag tapos kong maligo pag tapos kumain. pag tapos ng konting kwentuhan natulog na kame. (wag na kumontra natulog lang talaga kame) natulog kame habng nag papatugtog ng mga melow music. soft music. ung mga music na pampatulog. tulad ng slapshock. kamikazee.. roooooooaaaah!!!!! rock en roll!!! hahahaha.. ang totoo ang pinatugtog ko talaga habang natutulog kame ay " GOD IS WATCHING US GOD IS WATCHING US GOD IS WATCHING UUUUUSSSSSSS" end of story
pag tapos nang storya namen my panibago kong nakilala. bagong babae na mag tuturo saken kung pano mag mahal. at masaktan.. mag tuturo saken na pag dating sa love walang criteria!!!!.. ganun talaga siguro pag dating sa love ista standard. walang critiria. walang ideal. walang general. "YUNG AYAW MO NA PUPUNTA SAYO YUNG GUSTO MO NAPUPUNTA PA DIN SAYO YUNG NG IBA SAYO PA DIN NA PUPUNTA" (POTAH EH DI IKAW NA) "GANUN TALAGA SA LAB WALANG MAHIRAP WALANG MAYAMAN. WALANG PANGET WALANG MAGANDA. DAHIL SA LAB LAHAT PANTAY PANTAY HINDI NGA LANG TALAGA TAYO MAG KAKA HEIGHT" PAG DATING SA LAB LAHAT KUMPLIKADO WALANG SIGURADO LAHAT PWEDENG MAG KAMALI PARA LAHAT PWEDENG MATUTO PAG DATING SA LOVE LAHAT IBA IBA ANG KWENTO KAYA WALANG STORYANG PAREHO. KUNG MERON MANG PAREHO ?PAG DATING SA LOVE LAHAT TAYO PARE PAREHONG HINDI MARUNONG MAKUNTENTO. at jan mag sisimula ang love story ng buhay ko . OCT 2009 nong nakilala ko siyapero sa txt lang binigay ng kaibigan nya ung number ny. nung una hindi nya pinapansin yung mga text ko (suplada ang bruha) hanggang sa siguro nakulitan na siya. ang taray nya sa txt iniingles pa ko ng hitad. akala ata hindi ako magaling mag english. hindi nga!! hahaha inaabot pa ko ng 10 minutes bago makapg reply sa kanya.. sinisigurado ko pa kung tama ung gramar ko haha..pero hindi nag tagal na huli ko din ang kiliti nya.(nasa talampakan lang pala) kailangan lang talaga sa unang pag papalitan nyo ng text message mapatawa nyo na agad siya. tandaan nyo d nya nakikita ang pag mumukha nyo. kya walang may pakialam kung panget ka o gwapo ka!. pa g sa umpisa palang na boring na siya asahan mo ""K"" ""BYE"" na ang susunod na matatanggap mong txt sa kanya!. hindi nag tagal naging close kame. halos araw araw na kame mag ka txt tapos gabi gabi mag kausap . hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan. nag paramdam yung dati kong ka "M.U" mag kita daw kame kasi iniinvite daw xa ng kaibigan ko birthday nkasi ng kaibigan ko nun. sa totoo lang sa text lang at chat. friendster lang kame nging mag "M.U" ni hindi ko pa nga xa nakikilala sa personal. nag kita na nga kame sa birthday ng kaibigan ko. sa una nag kaka ilangan pa.. pabebe ampotaaa... hanggang sa maging okie na.. inuman . kwentuhan. kantahan. inuman. kwentuhan. kwentuhan ulet. inuman ulet (potaaa bkit walang kaininan ? taenang birthday to) pag tapos ng inuman tulad ng inaasahan nangyari na nga... sumuka na xa..(spell G.R.E.E.N) don na kame sa bahay ng kaibigan ko nag palipas ng umaga... madaling araw na kasi natapos ..pag dating ng umaga hinatid ko na xa pag tapos nun wala na kong naging balita sa kanya.pag tapos nun nag ka txt kame ulet ng babaeng sa una suplada hanggang sa unti unti na kaming naging close. na kwento ko sa kanya ang nangyari sa birthday as in lahat. nagulat ako nung biglang umiyak xa. nakaramdam daw xa ng selos. kilala nya daw ung ka M.U ko. at un ay LOLA nya. este kapit bahay nila.inamin nya saken kaya xa umiyak kasi nasasaktan xa. dahil may nararamdaman na daw xa para saken . na kunsenxa ko. pero dapat ba kong makunsenxa? wala namang namamagitan saming dalawa. oo maaring nasaktan xa. pero hindi ako ang nakasakit sa kanya kundi siya mismo.. (gulo noh?) minsan kasi kapag alam naten masaya tayo dahil my isang taong nag papasaya saten nagiging vulnerable tayo. nagiging frown tayo sa mga bagay bagay. kapag may nagawa mali ung taong gusto mo.. kahit hindi nya alam na gusto mo xa. masasaktan ka lang na hindi nya nalalaman. dahil d k pede mag demand.simula nung nasaktan ko siya.. hindi ko alam kung bakit mas naging sensitive ako sa maraming bagay lalo na pag dating sa kanya. dahil simula ng nasaktan ko siya pakiramdam ko ako mismo nasaktan. naging okie din kame pg tapos ng nangyari. nag pasya kame na mag kita na sa personal.after 3 months na pagiging mg text-mate magkikita na kame.. nakita ko na ung itsura nya sa friendster lang.. d pa din ata uso fb non.. DEC 2009 sa isang MALL. excited. kinakabahan.. naiihi. un ung saktong nararamdaman ko nung panahon na yon. "WER NA U DITO NA ME" malayo plang nakilala ko na xa. totoo pala yung mga napapanuod nateng mga love story sa penikula. pag perstym nilang mag kita. ung pag ka kita mo sa kanya parang babagal ang lahat.. (o talagang mabagal lang mag lakad ung matanda sa gilid namen nong panahong un ?) ung pakiramdam na pag kakita ko sa kanya ang bilis bilis ng tibok ng puso ko (o bka naman dahil nag hagdan lang ako mula 5yh floor hanggang ground floor pra puntahan siya. at kya ang bilis ng tibok ng puso ko dahil hinihingal ako sa pagod) bsta ang alam ko lang "BEFORE I MET HER I NEVER KNEW WHAT IT WAS LIKE TO BE ABLE TO LOOK AT SOMEONE AND SMILE FOR NO REASON" (BOOOM PANESSSSS) INLAB NA BA KO ?? TINANONG KO ANG SARILI KO. INLAB NA BA KO SA BABAENG TO ?? PANO MO BA MASASABI NA INLAB KA NA NGA BA?? SA TOTOO LANG NONG ORAS NA YON DI KO ALAM ANG SAGOT. TULAD KO MARAMI SATEN ANG HINDI NAKAKAALAM KUNG PANO AT ANO ANG IBIG SABIHIN NG MA INLAB.. NASA DIKSYONARYO NA NGA MARAMI PA DIN SATEN ANG NAGUGULUHAN. BATA PALANG AKO MADALAS KO NG MARINIG AT MABASA ANG "Love is blind. LOVE HURTS LOVE IS GOLD" iba pla un. yan ung mga walang kwentang sagot sa slambook nong bata pa tayo. at ngayong binatat dalaga na tayo ?? di pa din naten alam kung ano ang tamang diskripsyon sa salitang LOVE. kung inlab man ako o hindi hindi ko pa din alam. ang mahalaga MASAYA KO MASAYA KAME. nong araw din un na nag kita kame un din ung araw na napalitan na ung status ko sa friendster. "inrelationship na ko! WOOOOOH!!!!! fastforward. inabot din ng 2yrs ung relasyon namen. pero hindi naging madali un. 5 months na kame pero parang nasa get-to-know stage palang kame. pareho pa kameng todo effort para mas maging ok yung relationship namen. hindi namen namalayan na umabot na kame ng 1 taon. at don naging mas close pa kame "KAYA KO NANG MAGING AKO KAPAG KASAMA SIYA" DI TULAD DATE PILI LANG NG KATAUHAN AT PAG UUGALI MO UNG PINAPAKITA MO DAHIL NANGANGAPA PA KAYO SA ISAT ISA. "KAYA KO NANG MAGING AKO SA SARILI KO" dahil sa loob ng isang taon nagawa namen tanggapin ang imperpection ng bawat isa. sa sobrang close namen naging kampante na kame sa isat isa sa sobrang kampante ko di ko na napansin na hindi na pala ako nag eefort para pasayahin siya. nasanay ako na siya nlang lagi ang gumagawa ng paraan para mag-kasama kame. siya nalang lage ang gumagawa ng paraan para maging ok pa yung relasyon namen. aminado ako hindi gf ang trato ko sa kanya. naging "SSS ,PHIL HEALTH PAG-IBIG 117 customer service" na. tinatawagan mo nalng pag may kailangan ka. pero siya. wala pa din siyang tigil sa pag suporta. pag alaga. pag mamahal. lage nlana g siya! sa totoo lang andon pa din naman ung pag mamahal eh. ung pag ka gusto. pero pag mamahal nga bang matatawag un ? pag mamahal pa bang matatawag ang tanggap ka nlang ng tanggap at hindi nag bibigay ? dumating yung pag kakataon na tinanong ko ang sarili ko kung kaya ko ba pag wala xa ? makakaya ko bang mag isa ? kasi puro nalang "KAME" puro nalang "TAYO" puro nalang "SIYA" wala ng "AKO" dahil lagi nalang akong umaasa sa kanya. hindi ako nag grow bilang indibidwal dahil alam ko may partner akong laging masasandalan.. pero kahit ganon dumating pa din sa paghihiwalayan.. nakipag break ako. (tigas ng mukha ko noh?) nung una gusto ko lang maging astronaut. i want space .. (kalokohan) pero mismong ako hindi naniniwala sa ganun. iniwan ko siya hindi dahil wala na talaga kong nararamdaman. at lalong hindi dahil my iba kong nagugustuhan. iniwan ko siya para malaman nya na hindi siya nag iisa (gulo noh?) dahil pag ako ang kasama nya para pa din siyang nag iisa dahil sa binigay nyang oras nakalimutan nya na ang ibang tao . dahil sobra sobra ang binigay na oras at panahon nya saken. sapag iwan ko sa kanya sana maging daan un para mas mag ka oras ka sa mga taong nakalimutan mo dahil sa pg mamahal nya saken. mga kaibigan . higit sa lahat pamilya nya . FASTFORWARD.......... 3 ton mula ng naghiwalay kame hndi ko alam kung may pinag bago bakung meron man sigurong nag bago yung dating patay na patay sayo. pag nakita ulet ako baka literal na patayin na ko. pag tapos namen mag hiwalay hiningi ko ung friendship sana kahit papano maging mag-kaibigan pa din kame. pero siguro ganon talaga ang mga babae pag ayaw na ayaw na! sana man lang kahit friendship na save namen yun lang naman ang gusto ko. para kong isang IPIS na kahit wala naman balak mang gulo at makasakit. pilit pa din tinataboy wag lang makalapit. siguro iisipin ko nalang na isa xang insecticide. tinataboy nya ko kasi ayaw nyang maging dahilan xa ng ikapapahamak at ikasasakit ko. . MINSAN KAILANGAN TALGA NATEN MASAKTAN PAR HINDI TAYO MAS MASAKTAN.
ITUTULOY
aking napag tanto nang minsan akoy mag solo. ang tao palang pinaglalaban ko. at ang taong kinakalaban ko ay iisang tao.. -sariliko
MAHIKA NI SANTO PAPA
BAGO KA DUMATING SA AMING LUPANG SINILANGAN MATINDING KALAMIDAD AMIN MUNANG PINAGDAANAN. NGUNIT NG IKAY AMIN NANG MASILAYAN MATINDING KALAMIDAD BIGLA NALANG NAKALIMUTAN KAY SARAP TULOY PAGMASDAN NG SAMBAYANAN MAY NATUTUWA MAY LUMULUHA SA DI MALAMANG DAHILAN
BAKIT NGA BA KAMI BIGLANG NAPAPALUHA? DAHIL BA SA NARARAMDAMANG TUWA? O DAHIL SA NAKIKITANG PAG ASA SA MA AMO MONG MUKHA. MGA NGITI MONG PARANG NAG MULA PA SA LANGIT HATID NITOY LUNAS SA LAHAT NG SAKIT SANTO PAPA ANO BANG MERON KA ? SA SANDALING PANANALAGI MO DITO KAMI IYONG PINAG ISA SAMA SAMANG NAG DASAL KANYA KANYANG LENGGUWAHE AT TINIG DI MAN MAINTINDIHAN AT MARINIG NG NATURAL NA PANDINIG. SA PAG KAKATAONG ITO PUSO ANG SIYANG NAKIKINIG
FALLEN 44
di ko alam pano sisimulan
pagbibigay pugay sa myembro nang sandatahan
lakas loob na pumasok sa kuta ng kalaban
tanging hangad lang makamit ang kapayapaan
di alintana peligrong nakaabang
buwis buhay na lalaban ma protektahan lang ang iilan
ngunit sa pagnanais na itoy makamtan
dumanak ang dugo sumiklab ang karahasan
nagulat ang madla sa nabalitaan
myembro ng sandatahan pinatay ng walang kalabanlaban
datiy hawak ang baril pati na ang posas
sa isang iglap na palitan ng kandila at rosas
nasan na nga ba ang magigiting na parak at mistah ?
bakit ngayoy nakahiga sa malungkot na kama
pikit ang mata nakapantay pa ang mga paa
kawawa naman tuloy si parak at mistah
parang pinain lang sa mga katulad ng politikong mga buwaya
kay hirap tuloy tanggapin ng katotohanan
kapayapaan ang tinanong sinagot ka ng karahasan
wag sanang mabalewala buhay na inyong inalay
buong bansa sa inyo nag dadalamhati at nag bibigay pugay
di man marunong sumaludo buong galak kami sayoy kakaway
ihahatid kana sa inyong huling hantungan kung san wala ka ng kaaway
mag bigay ka hindi dahil MERON ka. mag bigay ka kasi alam mo yung pakiramdam ng WALA