Dati kampanteng kampante ako na ako lang ang mahal mo.
Dati okay lang sakin marinig na nagsasawa ka na, na pagod ka na kasi alam kong di ka naman bibitaw.
Dati panatag ako na kahit madami mang magkagusto sa'yo di mo sila papatulan.
Dati masaktan man kita ng todo makapagbitaw man ako ng mabibigat na salita alam kong di ka lilisan.
Alam ko at panatag ang loob ko na kahit na anong magawa ko andiyan ka pa rin hindi magsasawa at iintindihin ako.
Masakit man makitang umiiyak ka, nakakapagod mang basahin ang malatelenobela mong salita na kadalasan hindi ko naman talaga tinatyaga, nakakarindi mang pakinggan at sagutin mga paulit ulit mong tanong at habilin ito'y aking hindi pinagtutuunan ng pansin.
Pero dumating ang araw na nagbago ang lahat.
Akala ko sadyang nanawa ka nalang kakadada total alam nating dalawa mahal natin ang isa’t isa.
Akala ko hinahayaan mo nalang akong gawin lahat ng gusto ko kasi alam nating pareho di mo ko kayang bitawan.
Akala ko pagpapasensyahan mo nalang ako at iintindihin ng lubusan sa aking katarantaduhan.
Akala ko ika'y nagbubulagbulagan nalang at nagtatangatangahan sa aking kaabnormalan.
Lahat ng mga bagay na pinaniwalaan ko at naging kampante ako ay nagiba na.
Nagiba na ung matatag na pagmamahal mo.
Nanawa ka na sa lahat ng kagagawan ko.
Namanhid ka na sa lahat ng kasinungalingan ko.
Nagsawa na sa pag unawa at pag intindi sa isang kagaya ko.
Lahat pala ng akala my hangganan.
Ung akala kong hindi ka mapapagod.
Totoo nga ang kasabihan kapag wala na ung taong mahal mo saka mo malalaman ang halaga.
Ngayon kahit na ako'y magsumamo ika'y wala na.
Iniwan ako dahil ika'y nadurog ko na.
Ngayon kahit na ano pang pagmamakaawa at paghingi ng pasensya wala na dahil sawa ka na.
sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako.
sana dumating ang panahon na makausap kita.
sana dumating ang panahon ako sa iyo'y makahingi ng pasensya.
sana dumating ang panahon na makapagpasalamat ako sa iyo.
sana kung mapagbibigyan ng panahon sana ako'y muling tanggapin mo.
pero hanggang sana nalang ang lahat.
Mahirap mang aminin pero wala at mahirap maghanap ng kagaya mo.
Wala sinuman ang makakapantay sa katiyagaan mo.
Walang sinuman ang matutumbasan ang pagmamahal, pag-intindi at pag-unawa mo.