Ano nga ba ang pipiliin mong strand? (Impormatibo) ni Kurt Balingit
      Simula pa noong taong 2016, ang paaralang Don Bosco Technical Institute - Makati ay tumatanggap na ng mga estudyante para sa Senior High School, sa mga strand tulad ng STEM, ABM, at HUMSS.Â
      Paano nga ba natin malalaman kung anong strand ng DBTI - Makati ang magsisilbing benepisyo sa atin, base sa gusto nating matapos sa kolehiyo? Tulad ng naibanggit, kailangan muna natin tukuyin kung ano nga ba ang nais nating marating sa papalapit na kinabukasan. Kung ang iyong nais ay mapunta sa business industry, piliin mo ang strand na ABM; kung doctor, engineer, atbp., ang nais mong piliin na propesyon, piliin mo na ang strand na STEM, sapagkat ito ang mas makakatulong sa’yo, kumpara sa ibang strand; kung ang interes mo naman ay nasa liberal arts, journalism, atbp., magandang piliin mo ang strand ng HUMSS.
STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics)
Tulad ng kanyang pangalan, ang STEM ay nagtatalakay ng mga paksa sa ilalim ng Science, Technology, Engineering at Mathematics. Â
Pinaka ligtas na strand kung wala ka pang nasa isip na plano para sa iyong kinabukasan (‘di pa alam ang kursong nais kunin sa kolehiyo).Â
Maaari kang maging piloto, arkitekto, biologist, chemist, engineer, doctor o nurse, at iba pa.
ABM (Accountancy, Business and Management)
Sa strand na ito, matututunan mo ang mga pundamental ng pag negosyo, ang accounting, marketing, at economics. Madadagdagan rin rito ang iyong mga kaalaman at kakayahan, na makakatulong sa iyong pag hawak ng isang negosyo.
HUMSS (Humanities and Social Sciences)
Nakatutok ang strand na ‘to sa mga isyu at pagbabago sa lipunan, gayundin ang kalagayan ng mga tao. Sa pamamagitan ng pag pasok sa strand na ito, magkakaroon ng posibilidad na mas papahalagahan ng mga estudyante ang mga kaalaman ukol sa kultura, politika, lipunan, sining, at panitikan.
Sa ilalim ng strand na ito, maaari kang maging journalist, abogado, guro, manunulat, editor, politiko, at iba pa.












