as if di rin sya naka encounter ng ganong post pagdating sa mga babae. tulala or naga-update din sa ibang babae? lol
almost home
Misplaced Lens Cap
hello vonnie
styofa doing anything
ojovivo

oozey mess

❣ Chile in a Photography ❣

tannertan36
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

@theartofmadeline
Monterey Bay Aquarium
sheepfilms

roma★
Claire Keane
trying on a metaphor

Kaledo Art
i don't do bad sauce passes

JVL
art blog(derogatory)

JBB: An Artblog!

seen from T1
seen from United States

seen from France

seen from Slovakia

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Switzerland

seen from United States
seen from United States

seen from Portugal
seen from United States

seen from Singapore

seen from Malaysia

seen from Canada
seen from Argentina
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Türkiye
@pewiedust
as if di rin sya naka encounter ng ganong post pagdating sa mga babae. tulala or naga-update din sa ibang babae? lol
tangina hindi ko alam kung mahal mo paba talaga ako or naglolokohan na lang tayo dito. Kapag kasama kita nararamdaman ko naman na mahal moko pero pag malayo na, parang wala lang
alam mo tangina ka. tangina ka to the fullest.
MOVING UP
Sa wakas ito’y natagumpayan
sa wakas aking nagampanan
Sa wakas mayro’n ng katibayan
Sa wakas!
Buong pasasalamat sa mga gurong gumabay
Buong pasasalamat sa mga magulang na nagalay
Buong pasasalamat sa mga kaibigang ’di lumisan
Buong pasasalamat sa Diyos na ako’y binantayan.
Ako man ay nakakuha ng diploma
Mga alaala ay hindi mawawala
Nagsikap para may mataas na marka
Hanggang sa bagong yugto ay madadala
Panibagong taon
Panibagong pagkakataon
Ano kaya ang panibagong hamon
na haharapin ko?
Ngunit kahit gano’n pa man
Pangakong hindi isusuko ang laban
Pangakong pag-aaral ay ‘di pabababayaan
dahil pangarap ko’y may patutunguhan.
PANSIYAM NA PAGSULAT
Ang pag-ibig
hindi ‘yan parang tula
kung saan dapat katunog ang mga salita
para maganda pakinggan sa iba
dahil kung mahal niyo ang isa’t-isa
kahit kayo’y magkaiba
lulutang pa rin ang inyong pagsasama.
Ang pag-ibig
hindi ‘yan parang isang pekeng makata
kung saan masaya lang siya magsulat sa simula
pero sa katagalan, napipilitan na sa kanyang ginagawa
dahil kung mahal niyo talaga ang isa’t-isa
kahit ang relasyon niyo’y sobrang haba na
ipapadama niyo parin na hindi ito nakakasawa.
Kaya’t dito ko nalaman
na ang tunay na pagmamahalan
ay nakadepende sa kwentong nilalaman
kung saan kinakailangan ng tapat na katotohanan
at taong magiging iyong sandalan
sa araw ng kalupitan at kahirapan.
MOTHER’S DAY
Walo,
pinaka mahalang numero
kung saan nabuhay si Kristo
sa tulong ni Mariang ina nito.
Sa ating pangaraw-araw,
si Maria ay nagsilbing ilaw
para magbigay linaw
sa daan na ating ginagalaw.
Ngayong araw na ‘to,
pasasalamat ang mabibigay sayo
dahil ika’y walang sawang sumuporta
sa paglaki ng iyong inaalagaang bata.
Pero kahit madalas kana namin sinasagot,
kami sana ay huwag malagot
sa bunganga mong nakakakilabot
at hampas mong malabong magamot.
Kaya’t mama, mommy, o inay
salamat at pinabuti mo ang aming buhay.
Ikaw na yata ang napaka dakilang nanay
kahit na ang boses mo’y hindi malumanay.
PAMPITONG PAGSULAT
Sa ilalim ng makulay na alapaap
Lagi itong may ganap
Puwedeng ingay ng bagong sangol
o kumukulong kaldero na sumisipol.
Dahil dito, sa daming pangyayari
’di mo alam kung saan ka pwepwesto,
‘di mo alam kung bagay ka ba rito
at di mo alam kung dito ka talaga ipinagtagpo.
Hayaan mong buksan ang iyong tenga
sa mga hiling ng iyong ina’t ama,
pero sana wag mong payagan na ika’y diktahan
dahil ito’y sarili mong karanasan.
Wag kang matakot na ‘di sila sundin
lalong-lalo na kung ’di ito ang layunin.
Kaya’t mas pakinggan ang sigaw ng puso,
dahil mas liligaya ka dito.
Piliin mo ang kaligayahan
Piliin mo ung ikaw naman.
PANG-ANIM NA PAGSULAT
Mahal, naalala mo pa ba
ang una nating pagkikita
kung saan parehas tayo‘y masaya?
Mahal, naalala mo pa ba
nung ako’y iyong kinantahan
doon sa arcade na ating pinasukan
habang ako ay iyong sinasandalan?
Mahal, naalala mo pa ba
ung mga gabi na tayo ay nagtatawagan
na tila ba walang tulugan
kahit na ako’y pinapagalitan?
Mahal naalala mo pa ba
nung tayo ay pinagtitinginan
sa lugar na ating pinagkitaan
dahil halata na ako’y galing pa sa paaralan?
Mahal naalala mo pa ba
ang tatlong salita na iyong binitawan
ating kamay na naghahawakan
at yakap na tila walang hanggan?
Mahal, ito ba’y naalala mo pa?
o piniling mong kalimutan na?
dahil matatanggap ko naman
kung ako’y pinagsawaan mo na.
Pero kung ito’y naalala mo pa
gusto ko lang malaman mo na
minahal talaga kita ng sobra
at salamat dahil tayo ay nagkakilala.
PANLIMANG PAGSULAT
Hindi mo ba namamalayan
na ang dahilan kung bakit ka nahihihirapan
ay ang pagkimkim ng iyong nararamdaman?
Kaya’t sa dami-dami ng nararanasan
puro negatibo ang iyong nasa isipan
dahil pinili mong wag pakawalan
kahit na ikaw ay nasasaktan.
Salitang magpalaya iyong subukan
upang ang damdamin ay gumaan
hindi lang sa konsepto ng pag-iibigan
kundi sa pangkalahatan.
Bangkus, dito ko naunawaan
kailangan bitawan
ang mga hinanakit ng nakaraan
para maranasan ang tunay na kaligayan
na matagal mo ng inaasam.
PANG-APAT NA PAGSULAT
Bago husgahan
Alamin ang nakaraan
Upang iyong malaman
Kung bakit siya nagkakaganyan.
Pilit natin sinasarado
Ang puso natin na tila nakakandado
Para sa ibang tao
Na akala natin ’di na magbabago.
Bakit nga ba ang ating pagkakamali
nakatatak sa isipan ng marami
Na kahit gustong ibali
hindi na maaari?
Kaya’t minsan ang ating sinisisi
kung bakit tayo ay nagiging suwail
magulang na kaparehas ang ugali
dahil bunganga rin ay walang tigil.
Bangkus kung walang magandang sasabihin
mas mainam na hindi na lang kausapin
o kaya ibulong na lang sa hangin
para hindi na alanganin.
PANGATLONG PAGSULAT
May mga tanong na di ’ko masagot
May mga aksyon na ako ay nalalagot
May mga taong nakakatakot
at may mga bagay na ako’y nasasangkot.
Sa buong buhay ko,
kadalasan ako ung talo
kaya’t minsan napapaisip ako
ito’y pa ba magbabago?
Kay raming tulang naisulat
kay raming luhang pumatak
kay raming salitang sumasaksak
ako pa ba’y mulat?
Sa daming iniisip
dibdib ay sumisikip
para bang mata’y nakatakip
at walang gustong sumagip.
Sana’y matigil ang pangangamba
para ang buhay ay hahaba pa.
Sana’y ika’y makiisa
sa pagligtas din ng iba.
PANGALAWANG PAGSULAT
Sa pagikot ng mundo
May iba’t-ibang tunog ang maririnig mo
Ito’y puwedeng ingay ng tambutso
O kaya kwento ng kaibigan mo.
Subukan mong lumabas
Para malaman ang iyong landas
Kung ikaw ba’y ililigtas
ng sarili mong batas.
Kaya’t habang ika’y naglalakbay
wag ka sana malumbay
kakaisip sa iyong buhay
at kung paano ka magtatagumpay.
Ngunit wala namang masama
kung ika’y mababahala
‘pagkat ito’y nakasanayan
sa buhay na kinatayuan.
Sa iyong huling hakbang
wag kang mayabang
dahil kung di sa kanya
mababa ang kumpyansa.
UNANG PAGSULAT
Pagbati ang unang narinig ng aking pandinig
Na tila ba labas-pasok lang ang mga tinig
kahit paulit-ulit, parehas lang ang himig.
Habang ako’y nakaupo sa aking kabisera
Pinagmamasdan ang bawat galaw nila
Natutulog, Kumakain, at Nagkwekwentuhan
Ang aking namanmanan.
Masyado yata mahaba ang araw
Dahil lahat ng aking kakilala ay napaka sabaw
sapagkat ang isipan nila ay lumilipad na parang langaw.
Dahil dito napagtanto ko kaibigan
Na delikado ang katahimikan
sapagkat kadalasan ikinikimkim nila ang nararamdaman
kahit na sila’y nahihirapan.
Sa pagtapos ng aking tula
Laging tandaan ang aking paalala
Na wag matakot sumigaw o humagulgol
Tulad ng pag-iyak ng isang sanggol.
*sabaw= wala sa sarili; di makausap ng matino; kadalasan tahimik
Hello im Trixie! And i encourage you to read my tulas (on-going) here in my tumblr page. I would appreaciate if you write a comment through messenger (@tagulobtrix) about it. Thank you!