Nakakalumbay
Ang sarap ng may kausap nitong mga ganitong panahon na maulan. Pero hindi pwede.
Color Me Curious
untitled
noise dept.

if i look back, i am lost

No title available

❣ Chile in a Photography ❣

Discoholic 🪩
YOU ARE THE REASON
tumblr dot com
hello vonnie

Andulka
macklin celebrini has autism
No title available
One Nice Bug Per Day

oozey mess
official daine visual archive

Jar Jar Binks Fan Club

blake kathryn
Claire Keane
Monterey Bay Aquarium
seen from Paraguay

seen from United Kingdom

seen from India
seen from Malaysia
seen from Finland

seen from Türkiye

seen from Singapore
seen from United States

seen from United States

seen from Peru

seen from Costa Rica
seen from United States
seen from United States
seen from Pakistan

seen from United Kingdom

seen from Pakistan

seen from Ecuador
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Brazil
@pilosoponguwak
Nakakalumbay
Ang sarap ng may kausap nitong mga ganitong panahon na maulan. Pero hindi pwede.
Natapos na Aklat
"yung mejas dapat mo pagbuhulin pagkatapos mo gamitin" "yung chanca piedra mo ha pagkatapos mag breakfast" "pupunta sana ako sa japan para sa green tea mo" "pag di ko na kaya, naalala ko yung sinabi mo saken" "sayang, hindi mo matitikman yung baked brownies" "alam mo ba nag lakad ako ng maaga ngayon?" "road trip tayo in the future ha?" "lakad tayo, san ka ba?" "saan ba kasi yung location mo?!" "kidnapin kita, isasako kita!" "I LOVE YOU NGA EH!!!" (habang umiiyak sa voice message) "ikaw kasi first love ko…" "ang effective naman netong gayuma na ito" "sayo lang ako ganito, yung kaya ko maging totoong ako" "tama na kasi! kanina pa ako tawa ng tawa dito!!!" "magpapadala ako ng ambulance, sabihin mo lang.. ok?" "iba kasi epekto mo, sayo lang ako mahina" "hindi mawawala pagmamahal ko sayo" "hindi na sha sprout, huge tree na" "hindi na sha wild fire, compressed na" "oras lang kasi talaga ang kulang sa atin…" "magkakampi tayo…" "alam mo naiintindihan kita…" "I love you moreeee 💕"
...
"…nung walang wala ako, di nya ako iniwan…"
...
simpleng linya, pero heto yung gusto kong marinig.. yung tipong sa akin sinasabi nung taong mahal ko..
akala ko yung huling linya na yan ay masasabi ko sayo yung tipong proud ako pag tapos nako sa phase na ito
pero hindi pala… dahil nung panahon na yan, may pinagdudusahan din ako kahit baliktarin mo ang mundo, sha talaga pipiliin mo
kasalanan ko din kasi… kung buo lang sana ako noon kung wala lang akong sariling mga krus na dinadala kung sinabi ko lang sana sayo lahat noon kung di lang sana ako takot masaktan noon kung di lang sana ako takot matraydor noon kung di lang sana ako takot maiwanan noon kung di lang sana ako takot malaman mo sino ako noon
nasa huli nga talaga ang pag sisisi… masakit, pero kailangan kong tanggapin yung tipong sha pala yung matagal mong hinihintay pero sa iba lang ako kasi nakatingin…
sunod sunod… lalo na yung Unconscious Fears kahapon ngayon heto… mas bumigat pa lalo… malapit nako bumagsak sobrang bigat sa dibdib na parang pinisil hanggang madurog dinadaganan yung buong kaluluwa ko ng mga nalaman ko tipong gusto akong punitin sa ibat ibang direksyon
sa older self ko na mag babasa two years from now;
sana totoong masaya ka na ngayon ikaw yung pinili nung pinili mo kaya ka nya ipaglaban sa lahat at sa mundo kaya ka nya sabayan sa pag angat sa buhay at di sha tutupi kaya ka nya suportahan kahit ano pa kalaban nyo
yun lang naman talaga yung gusto mo diba? walang iwanan kahit ano mangyari yung totoong kamkampi ka tipong kahit talikuran ka ng lahat hindi hindi sha aalis dahil kilala ka nya dahil mahal ka nya dahil naniniwala sha sa kakayahan mo dahil ikaw lang…
sa ngayon, hindi ko pa alam ano ang mangyayari..
kaya din siguro hindi ko matuloy dahil ayoko magbago …pero wala akong choice
kailangan kong piliin yung sarili ko
dahil paano nalang pag dumating yung kaya ako piliin diba? lahat ng gusto ko nasa kanya at lahat ng gusto nya nasa akin gusto ko naman bigyan ng chance yung sarili ko sumaya gusto ko malinis pagdating nung bagong magmamahal saken gusto ko sha mahalin ng buong buo, dahil ayoko sha lokohin
pero sa ngayon
susubukan kong kalimutan yung natitirang pag-asa ko sayo balang araw matatanggap ko rin na hanggang dun lang tayo
susubukan kong kalimutan yung natitirang pagmamahal ko sayo balang araw matatanggap ko rin na hanggang friend lang ako
sana hindi muna kita makausap at makita sa personal sobrang nahihirapan na ako…
tama na itong paligoy ligoy… ititigil ko na pagsasalita sabi nga nila, pag tinalikuran mo ang isang tao.. kailangan nyong baybayin ang buong mundo upang magkita ulit
heto na yung totoong day 1 nung 2 year isolated life rebuild
hindi ko pa alam anong mangyayari pero sana mabasa ko ulit ito sa malayong hinaharap
hanggang dito muna ang aking pagsusulat kailangan kong magpahinga ng mahabang panahon susunod na ako sa advice ng fate sa akin mula ngayon
kailangan ko lang talagang ilabas hindi ko na kasi kayang dalhin di na ako talaga magsusulat muna sa ngayon, hanggang dito muna
kailangan kong matutunang maging kontento pag walang wala ako