Wag kang magsisi sa bagay na ginawa mo. Nagkamali ka man naging lesson yun. Pagsisihan mo yung mga bagay na di mo nagawa nung may pagkakataon ka pa.
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Russia
seen from Hong Kong SAR China
seen from United States

seen from United States

seen from Poland
seen from China
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Canada
seen from China
seen from Canada
seen from Switzerland

seen from Poland
seen from United States

seen from Canada
Wag kang magsisi sa bagay na ginawa mo. Nagkamali ka man naging lesson yun. Pagsisihan mo yung mga bagay na di mo nagawa nung may pagkakataon ka pa.
May mga tao na lumisan sa buhay natin at hindi na muling babalik. Nakakalungkot isipin na iyong mga nabuo nating ala-ala ay hanggang doon na lang at hindi na madadagdagan pa. May pagsisisi dahil madami tayong bagay na hindi nagawa noong nasa piling pa natin sila at wala na tayong magagawa dahil saka lang naman natin makikita ang halaga nila kapag wala na💐Ⓜ💧
Pursigido
Natapos na Aklat
"yung mejas dapat mo pagbuhulin pagkatapos mo gamitin" "yung chanca piedra mo ha pagkatapos mag breakfast" "pupunta sana ako sa japan para sa green tea mo" "pag di ko na kaya, naalala ko yung sinabi mo saken" "sayang, hindi mo matitikman yung baked brownies" "alam mo ba nag lakad ako ng maaga ngayon?" "road trip tayo in the future ha?" "lakad tayo, san ka ba?" "saan ba kasi yung location mo?!" "kidnapin kita, isasako kita!" "I LOVE YOU NGA EH!!!" (habang umiiyak sa voice message) "ikaw kasi first love ko…" "ang effective naman netong gayuma na ito" "sayo lang ako ganito, yung kaya ko maging totoong ako" "tama na kasi! kanina pa ako tawa ng tawa dito!!!" "magpapadala ako ng ambulance, sabihin mo lang.. ok?" "iba kasi epekto mo, sayo lang ako mahina" "hindi mawawala pagmamahal ko sayo" "hindi na sha sprout, huge tree na" "hindi na sha wild fire, compressed na" "oras lang kasi talaga ang kulang sa atin…" "magkakampi tayo…" "alam mo naiintindihan kita…" "I love you moreeee 💕"
...
"…nung walang wala ako, di nya ako iniwan…"
...
simpleng linya, pero heto yung gusto kong marinig.. yung tipong sa akin sinasabi nung taong mahal ko..
akala ko yung huling linya na yan ay masasabi ko sayo yung tipong proud ako pag tapos nako sa phase na ito
pero hindi pala… dahil nung panahon na yan, may pinagdudusahan din ako kahit baliktarin mo ang mundo, sha talaga pipiliin mo
kasalanan ko din kasi… kung buo lang sana ako noon kung wala lang akong sariling mga krus na dinadala kung sinabi ko lang sana sayo lahat noon kung di lang sana ako takot masaktan noon kung di lang sana ako takot matraydor noon kung di lang sana ako takot maiwanan noon kung di lang sana ako takot malaman mo sino ako noon
nasa huli nga talaga ang pag sisisi… masakit, pero kailangan kong tanggapin yung tipong sha pala yung matagal mong hinihintay pero sa iba lang ako kasi nakatingin…
sunod sunod… lalo na yung Unconscious Fears kahapon ngayon heto… mas bumigat pa lalo… malapit nako bumagsak sobrang bigat sa dibdib na parang pinisil hanggang madurog dinadaganan yung buong kaluluwa ko ng mga nalaman ko tipong gusto akong punitin sa ibat ibang direksyon
sa older self ko na mag babasa two years from now;
sana totoong masaya ka na ngayon ikaw yung pinili nung pinili mo kaya ka nya ipaglaban sa lahat at sa mundo kaya ka nya sabayan sa pag angat sa buhay at di sha tutupi kaya ka nya suportahan kahit ano pa kalaban nyo
yun lang naman talaga yung gusto mo diba? walang iwanan kahit ano mangyari yung totoong kamkampi ka tipong kahit talikuran ka ng lahat hindi hindi sha aalis dahil kilala ka nya dahil mahal ka nya dahil naniniwala sha sa kakayahan mo dahil ikaw lang…
sa ngayon, hindi ko pa alam ano ang mangyayari..
kaya din siguro hindi ko matuloy dahil ayoko magbago …pero wala akong choice
kailangan kong piliin yung sarili ko
dahil paano nalang pag dumating yung kaya ako piliin diba? lahat ng gusto ko nasa kanya at lahat ng gusto nya nasa akin gusto ko naman bigyan ng chance yung sarili ko sumaya gusto ko malinis pagdating nung bagong magmamahal saken gusto ko sha mahalin ng buong buo, dahil ayoko sha lokohin
pero sa ngayon
susubukan kong kalimutan yung natitirang pag-asa ko sayo balang araw matatanggap ko rin na hanggang dun lang tayo
susubukan kong kalimutan yung natitirang pagmamahal ko sayo balang araw matatanggap ko rin na hanggang friend lang ako
sana hindi muna kita makausap at makita sa personal sobrang nahihirapan na ako…
tama na itong paligoy ligoy… ititigil ko na pagsasalita sabi nga nila, pag tinalikuran mo ang isang tao.. kailangan nyong baybayin ang buong mundo upang magkita ulit
heto na yung totoong day 1 nung 2 year isolated life rebuild
hindi ko pa alam anong mangyayari pero sana mabasa ko ulit ito sa malayong hinaharap
hanggang dito muna ang aking pagsusulat kailangan kong magpahinga ng mahabang panahon susunod na ako sa advice ng fate sa akin mula ngayon
kailangan ko lang talagang ilabas hindi ko na kasi kayang dalhin di na ako talaga magsusulat muna sa ngayon, hanggang dito muna
kailangan kong matutunang maging kontento pag walang wala ako
#10
SANA - hinintay nalang kita, kahit wala akong idea na may balak ka din palang manligaw.
BAKIT - Kasi ako nag madali maatach sa iba. Na alam ko naman na inaantay parin kita.
WHAT IF- Kung umamin nalang ako sayo, kahit alam ko namang may gusto ka din saakin at ireject muna ako.
KUNG- Hinintay lang sana kita edi sana tayo ang magkasama ngayon.
Sinong Sisisihin?
Ang hirap no? ‘Pag alam mo at aminado kang ikaw yung mali, ikaw yung may kasalanan, wala kang masisising iba kundi ang sarili mo.
Wala kang magagawa kundi tanggapin na mali ka. Eh kung ayaw mo, sino ang sisisihin?
Nitong mga nakaraang araw, nade-depress ako kasi yung account ko sa online job na pinapasukan ko ay na-suspend. At sa loob ng isang linggo, hindi ko siya pwedeng gamitin. Halos dalawang buwan na rin akong nagtatrabaho dito at maraming mga nangyari bago ako nagseryoso sa trabahong ito dahil punung-puno ako ng doubts sa sarili ko, sa will ni Lord, sa proseso at sa timing ng lahat (na gusto kong idetalye sa ibang pagkakataon). Noong napanatag na ako, nag-decide na akong paglaanan siya ng time at effort. Iba rin kasi yung naibigay na kaliwanagan ng isip sa akin ng mga nangyari bago ako makadating sa kung saan man ako ngayon. Kinwestiyon ko ang way ni Lord, nag-doubt ako sa kakayahan niya. Pero kahit ganon, hindi niya ako binigo.
Napakabuti ng Panginoon pero kapag nakikita niyang nawawala ka sa daang pinroject niya sa harapan mo na kung saan doon ka dapat diretsong naglalakad, pahihintuin ka muna niya para makita mo ulit kung saan ba talaga ang tunay na direksyon kung saan ka niya dadalhin. Napakabuti ng Panginoon kaya nangyari sa ‘kin ‘to.
Hindi ko masisisi ang Diyos dahil sa una pa lang, ito na yung will niya. Patuloy niya akong kinakausap na gawin ang tama, huwag magmadali, at huwag masilaw sa pera pero nanaig sa’kin yung mindset na hindi niya ikinatuwa. Kaya ako lang talaga ang dapat sisihin.
Bagong taon. Bagong taon tas baon na baon pa ako sa utang at wala pa akong trabaho. Jusko naman, bakit ito pa ang bumungad sakin. Ano ba tong nangyayari sakin? Ganun ba ako ka sama para maexperience ko ito? Minsan tinatanong ko, jusko bat hindi mo nalang ako patayin? kaysa pahirapan mo pa ako? Patayin mo nalang ako. Sana namatay nalang ako kaysa nahihirapan pa ako. Ang lungkot lungkot ng buhay dito. Nakakairita, wala akong makitang maganda dito, magli-limang taon nako dito pero hanggang ngayon eh wala parin akong makitang maganda dito. WALA. Lahat dito nakakabwisit.
"Pinagsisihan mo ba na umalis ka?"
Hindi. Pero may mga oras na nanghihinayang pa rin ako sa mga nawala.
2 Corinto 7:10
Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.