Cosmic Funnies
art blog(derogatory)

Andulka
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
$LAYYYTER
Peter Solarz
DEAR READER
RMH
sheepfilms
Lint Roller? I Barely Know Her
will byers stan first human second
Misplaced Lens Cap
🪼
Game of Thrones Daily
Cosimo Galluzzi

Kiana Khansmith
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

JBB: An Artblog!
Alisa U Zemlji Chuda
macklin celebrini has autism
seen from United States

seen from Italy
seen from Brazil
seen from United States

seen from United States

seen from Singapore

seen from Malaysia
seen from Brazil
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
@pilyongpinoy
Ang payapang maglakad mag-isa sa mga kalye ng Manila. May kakaibang pakiramdam na matapos ang napakaingay at magulong maghapon, kasama mo ang Maynila na tumahimik. Ngayon, ikaw naman ang lalabas at yayakapin ka ng mga ilaw ng kalsada.
Parang ikaw lang ang karakter sa iyong kwento. Pwede mong angkinin ang mga daan. Walang ibang kaagaw, sayong-sayo lang.
Habang naglalakad ka doon mo mararamdaman na mag-isa ka pero hindi ka malungkot. Kaya siguro madalas ay inuubos ko ang panahon ko na maglakad sa mga kalsadang ito. Tanggap ko na ako lang mag-isa. Pakiramdam ko na hindi ko kailangan ng ibang tao para maging masaya. Yung pakiramdam na iyon ang nagpapabalik sa akin sa mga daanang ito.
Sayo lang ang gabi.
Ang tunay na kaligayahan, matatagpuan mo kapag natuto kang hanapin ang katahimikan sa iyong puso. Wala na ang mga sigaw na dati’y gumugulo sa isip mo, at napalaya ka na sa mga alaala ng nakaraan. Ngayong natagpuan mo na ang kapayapaan, unti-unti ay mahahanap mo na rin ang landas patungo sa kaligayahan.
Grabe rin ang utak ng tao! Mula sa lungkot, kaya nitong bumangon at minsan magpakatanga ulit (pero sana may character development na tayo, ‘di ba?). Kaya ang sarap maglakad sa museum, kalmado ang paligid, at sa bawat obra, parang hinihele ka ng mga kulay. Unti-unti, gumagaan ang iyong pakiramdam, nabibitawan ang bigat, at muling natututo kang pahalagahan ang sarili.
Laban lang! hindi tayo pinalaki ng Sexbomb para lang bumawi. Masyadong maikli ang buhay para sa konting pagkadapa. Daplis lang ‘yan, malayo sa bituka. Tatayo ka, maglalakad ulit, at babalik sa dahilan kung bakit ka nagsimula, patungo sa iyong destinasyon.
INSTAGRAM: Hey.Bongskie
Hindi ka na gaanong active….
Ako na nilamon na ng trabaho.
Ophelia
Sunday
Maligayang pagdating sa aming bossing.
Natuloy sa wakas ang pagkikita.
Entry sa trabaho. Creation of Adam Pilyongpinoy.
October 31 tayo nagkakilala. Hindi ko alam na isang swipe ko pala sa Tinder ay makikilala ko ang isang tulad mo. Aaminin ko na sobrang nag-eenjoy ako sa mga pagkukwento mo. Ang kulit-kulit mo. Natuwa ako sayo kasi pinaglaanan mo ko ng panahon mo. Kinabukasan, hindi tayo nakapag-usap gaano kasi Araw ng mga Patay. Binisita ko ang aking nanay at inasikaso ang mga bisita sa amin. Nagtweet ka pa nga na panindigan kita diba kasi akala mo bigla akong mawawala. Holy syet! Kilig ang yagballs ko sayo. Sabi ko hoy eto na nga si the one!
Almost one month bago tayo nagkita, unexpected pa. Naghahanap ako ng bagong work kaso itong kinginang inapplyan ko, closed na daw. Sayang luwas ko ng Manila. Sabi mo, magkita tayo. Nahiya ako sobra. "Uy this is it! This is really is it is it! *ano daw* haha. Nag-usap tayo na sa SM North magkita. Ang lakas maka high school blind date jeje meet-up. Haha. Doon, nagkita tayo. Tinakpan ko ang mukha ko ng mask dahil nahihiya ako sa mga tigyawat ko na galit na galit na wari'y nagbabadya ng Pimple Power Revolution! Tinanong mo ko kung saan ko gustong pumunta. Sinabi ko na ayoko naman ng coffeeshop lang kasi A. Masyadong magastos, nagtitipid ako. B. Ayoko na ang 1st meet-up natin ay mauuwi lang sa usap sa coffeeshop. Inaya kitang magluneta kahit around 9pm na. Sa FX, naramdaman ko na gusto mong hawakan ang kamay ko. Dumadamoves ka! Pero di ko hinawakan pa ang kamay mo dahil pasmado ayoko naman na isipin mo na bigay na bigay naman ako. Sa Luneta at Intramuros natin inubos ang gabi na magkasama. Doon sa may Manila Cathedral tuluyang naglapat ang ating mga kamay. Naglakad ng holding hands! Syet! Ang cinematic tignan! Siguro magandang sfx nun ang Exile ni Taylor Swift. "I think I've seen this film before.... And I didn't like the ending". Basa ako ng pawis nun kaya sa may fountain tayo nagpahinga. Napakagandang gabi nun, babs. Iyon ang gabing hindi ko malilimutan.
Natuloy ang mga gala natin, nagpunta tayo sa Festival Mall, MoA, CCP, at yung birthday ko, dinala mo ko sa Star City. Para tayong mga bata na nagmamadaling makasakay ng rides. Sobrang saya ko nung panahon na yun. Best birthday gift yun para sa akin. Lalong nahuhulog ang loob ko sayo. Mas lalo kitang minamahal.
Kumusta naman yung nagkasakit ako, pinuntahan mo pa nga ako sa amin para alagaan. Ikaw ang aking personal nurse. Pinupunasan mo pa ko ng malamig na tubig para lang bumaba ang lagnat ko. Hindi ka nawala sa tabi ko. Nagulat na nga lang si Papa at nandoon ka na sa bahay. Salamat sa pag-aasikaso sa akin. Doon ko naramdaman ang pag-aalaga mo.
Naaalala mo yung nag-away tayo nun? Yung gusto kong ipakilala mo na ko sa family mo. Natatakot ka pa nga na baka di ka tanggapin ng mama mo kasi may boyfriend ka na. Strict ang parents uy. Haha. Pero natanggap nila ako, hindi sila nagalit. Sa isip siguro nila "uy naka-jackpot ang anak ko". Char! Hahahaha. Nakitulog pa nga ako sa inyo at bumili pa tayo ng pizza para sa kanila. Dinner with fam! Ang amazing. Umaayon sa atin ang mundo.
Ang pinaka nakakatuwa sa lahat ay yung first sex natin. Haha! Natatandaan mo ba na umiyak pa ko nun after sex. Kasi 1st time ko at binigay ko yun sayo. Like sobrang nakakahiya na napaiyak ako. Hahaha pero wag ka, kung umungol tayo sobrang lakas at kinakatok na tayo ng nasa kabilang kwarto dahil sa sobrang ingay natin! Haha. Shet. Dobleng nakakahiya. Haha!
Gusto kong mabuhay na kasama ka. Gusto kong tumanda na magkasama tayo. Tumigil na ako sa pagtuturo. Eh gusto kong makasama ka eh. Walang atrasan to. Sakto pa naman na nagsara ang warehouse nyo. Eto na ata ang will ni Lord para magkasama tayo. Naghanap ako ng work. Sakto nakapasa tayong dalawa. Sobrang saya ko. Lahat naaayon sa plano. Enjoy sa work na kasama ka. Hindi mawawala yung away pero nagkakaayos rin tayo. Yun naman ang importante diba. Mas nangingibabaw yung pagmamahal kesa sa galit. Walang away na hindi naaayos. Eh mahal kita eh. Kahit madalas na ako ang nagkakamali, napapatawad mo ko. Kahit na mas matanda ako, ako ang iniintindi mo. Sabi mo nga diba, sobrang ingat mong magsalita pagdating sa akin kasi natatakot ka na iba ang maintindihan ko at masaktan ako. Salamat babs sa pag-intindi. Salamat sa lahat ng pagpapasensya mo sa akin. Ang tindi no, andami-dami nating pinag-awayan pero nadadaan natin yun sa maayos na usapan. Mahal kita eh, at alam ko rin at ramdam na ramdam na mahal mo ko.
Nangako ka pa ng sa Diyos. Ang sabi mo, hindi mo ako iiwan. Sinabi mo yan nung nagsimba tayo sa Quiapo. Nung nagdasal ako, hindi na ako humiling ng kahit ano. Nagpasalamat na lang ako sa Diyos kasi binigay ka Niya. Binigay Niya ang pinakatatangi kong hiling.
Pero lahat ng bagay pala ay may katapusan...
National Museum of Fine Arts
Bumili ako ng meryenda sa tindahan ni Aling Marta. Napakainit pero sandamakmak ang mga kapitbahay ko na nakatambay sa harapan ng tindahan nito.
"Ate, pabili ako ng pancit canton at kape" sabi ko. Petsa de peligro na kaya naman tamang tiis muna ako sa pancit canton. Pambansang ulam na ata ito ng mga taong nagtitipid. Sasabayan ko pa ng kape kahit na napakainit na at katanghaliang tapat. Sabi nga nila, coffee is life.
Inabot ni Aling Marta ang mga pinamili ko at sinabing "Parang pumapayat ka ata Pinoy. Kumakain ka ba ng ayos?"
Napatingin ako sa gilid ng tindahan ni Aling Marta, doon ay may salamin at tinignan ko ang aking sarili. Pumayat na nga ba ako nang sobra?
Humirit naman si Aling Adeng. At sinabing "Anlaki-laki ng sahod mo iho, gastusin mo sa pagkain huwag sa kung anu-anong mga gamit. Nung isang araw, may dala ka na namang gamit sa bahay. Alagaan mo sarili mo. Unahin mo ang pagkain."
Hindi ko alam kung 1. Matutuwa ako sa concern ni Aling Adeng, 2. Kung magiging saracastic akong sasagot sa mga sinabi nya, o kaya naman 3. Ihahampas ko sa mukha nya itong binili kong pancit canton at kape.
Di ko na napigilan ang sarili ko at sinamapal ko sa mukha nya itong hawak kong pancit canton. Pero syempre sa isip ko lang nangyari iyon. Kahit papaano ay may respeto naman ako sa matandang ito.
"Kumakain naman po ako sa oras. Sadyang marami lang pong iniintindi at inaasikaso sa trabaho" sabi ko sabay alis sa harap nila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil baka magkatotoo yung iniimagine ko.
Pagkauwi ko sa bahay, tumingin ulit ako sa salamin. Pumayat ba ako nang sobra? May mali ba sa katawan ako? Bakit sa maikling sinabi nila ay tila hindi na mawari ang aking isip sa kakaintindi kung may mali ba sa akin. Iba rin pala ang epekto ng mga tsismosa sa paligid.
Niluto ko ang pancit canton at tinimpla ang kape. Pagkatapos, ako'y kumain.