Just a kwento
Nalaid off ng client at di agad nakakuha ng work tapos nagfailed pa sa phone certification nung first take sa training. Grabe yung midlife crisis na ito.
Like pag bigay ng result sobrang iyak ko talaga kasi di ko na alam ano gagawin ko sa life ko. Di ko na alam, sobrang lost at pressured ako. It was 3am nagising ang lahat sa breakdown ko my mom even called my sister and without hesitation she drove all the way to our house para patahanin ako at lahat ng family ko made sure to me na everything will be okay, na lahat ng nararamdaman ko ay valid at alam nila gaano ako nagwork hard. I even questioned God bakit Niya ako pinaparusahan at bakit lahat na lang ay tinatanggal Niya sakin. Like sa susunod ano pa bang tatanggalin Niya? Pwede ako na lang kunin Niya kasi at that moment I lost my will to live. Galit na galit ako sa Kanya and dami kong tanong. Hindi ko maintindihan ang plano Niya.
At nung nahimasmasan ako, I have this thought:
Pero kung iisipin mo nga naman, swerte pa rin ako kasi meron akong sobrang solid na support system. Nandiyan yung parents ko na supportive in every steps na tinetake ko and they respect my decision in my chosen career path. Kahit na di pa ako nakakatulong sa kanila, okay lang dahil di naman nila ako inoobliga. Nandiyan yung sibs ko na parati akong minomotivate at sobrang bilib sa skills and abilities ko kahit na hindi ko makit yun sa sarili ko. At yung boyfriend ko na sobrang ginagawa yung lahat para maging comfortable ako sa training and in everything. Whenever I am sad talagang mag eeffort yan kahit pagod sa trabaho ay pupuntahan ako just to make sure na okay ako and lahat mapa material man na bagay or moral support kahit hindi ko hingin basta nakita niyang kailangan talagang pinoprovide niya. Sobrang swerte ko sa mga taong nakapalibot sa akin. Sila pala yung tunay na kayamanan ko. Wala naman pala akong kailangan patunayan dahil sa kanila ang mahalaga huwag akong sumuko at magpatuloy lang. I love you all!!! Balang araw makakabawi din ako sa inyo ng sobra sobra.
I take the second chance, sa loob loob ko wala na mawawala sakin kasi ubos na ako so why not take it. I practiced with my cotrainees. I reviewed everything. And I successfully passed my remedial! Sobrang hopeless ko pero the Lord made it. He is indeed true to His promises. Like sobrang Siya talaga nagwork out nun. Sakto pero pasado! Kaya naiyak talaga ako na wow, di pala talaga Niya ako pinabayaan. Maybe may gusto lang siya iparealized sakin. And isa sa mga tumatak sa isip ko na kaya siguro ako nagfailed maybe para alam ko in the future paano magcope up when something will not go with the way I want. And totoo palang, kung para sa'yo para sa'yo talaga no matter how impossible kung Si Lord ang magwork, nothing is really impossible.
Oo, mahirap nakakasubok ng faith kapag nasa rock bottom ka. Maraming questions, sobrang magagalit ka at mahihirapan ka magtiwala. Pero magpatuloy ka lang kasi di ka Niya pababayaan. God will take control of everything. Hindi ka Niya pababayaan kasi mahal ka Niya, anak ka Niya e.
Konting tiis na lang, lalaban ako. Para sa inyo ito! Thank you, Lord for the gift of family and love. I trust your process, plans and ways. I trust You.















