Sorry for this... The other day we had one customer na gusto bumili ng Co-amoxiclav. Knowing that our pharmacy ALWAYS ask for the prescription when it comes to antibiotics kaya lumapit ang PA sakin sabi niya, " Miss, bibili daw ng Co-amoxiclav walang resita." Sabi ko habang nag.checheck ng stocks na ididispense ng PA, "sabihin mo hinahanapan na natin ng resita yan baka mali ang paggamit ng antibiotic tapos hindi naman pala kailangan i.antibiotic agad ang sakit niya." At pinakita ng PA ang PRC ID ng customer, Nurse pala si Maam. Na.didisappoint ako sa ganitong situation kasi Prescription lng po ang hinahanap ko bilang Pharmacist ng Pharmacy hindi ang ID po. Sa pagkakaalam ko kasi ang Physician pa rin ang merong karapatan mag.prescribe, at Nurse ang magaadminister at Pharmacist ang mag.didispense. Hindi po ibig sabihin na Med Professionals tayo eh exempted tayo sa batas ng FDA, License pa rin po ng Pharmacist ang malalagot hindi po ang PRC ID nio. Medical professionals tayo ipakita naman natin yun sa iba, maging halimbawa nman po tayo sa mga taong nasa paligid natin. Tamang pag.gamit lang po ng mga gamot tulad ng antibiotics para di magka.resistant kasi tayo lang din ang magkakaproblema kung sakali. Ang point ko lang dito, kung hahanapan ng prescription huwag ibigay ang kung anong ID ang meron ka hindi yun prescription. Huwag pasaway, di ko yan ma.file for 2 years. Hahaha. Nainis ako nun, at gusto ko ng sabihin na "Ano naman kung Nurse ka?" Kaso lang pinaghirapan ko parin ang pagiging Pharmacist at ayokong maging RUDE sa kapwa, wala yun sa bokabularyo ko. Hahaha. Meron pa rin akong natutunan sa Counselling. Ano pa ba ang silbi ng pharmacy at pharmacist kung di ka hahanapan ng prescription diba. Sulat yan ni Doc para sa Px at sa RPh. Yun lang. 😀😊☺













