Counterculture o Peti B Angst?
Ang aktibismo at ang bagong progresibong kulturang ating pinapanday ay higit pa sa niche "alt subculture" na madalas natin nakikita among "progressive left circles". Whether naka-pixie cut ka, may kulay ang buhok, o marami kang piercings, pasok ka rito. Granted, wala naman inherently masama rito. Subalit sa pagdadala natin ng tunay na counter-culture, ang layunin natin ay hindi banggain ang makamasang kultura bagkus ay mas pandayin pa ang tunay na makamasa at progresibong kultura na bumabangga sa mga pyudal at konsumeristang praktika.
Ang kalaban ay hindi mass culture kundi mass consumerism. Magkaiba ito.
Sa pagbaka sa konsumerismo't kapitalismo, maiging kilatisin kung ano ang mga pang-araw-araw na kalagayan at pangangailangan ng ordinaryong mamamayan. Anong uri ng mass media at kultura ang may access sila? Anu-ano ang mga kalagayang naglalagay sa kanila sa pag konsumo nito? Ano ang mga pagkakaiba-iba sa dekadenteng pamumuhay, luho, at bisyo --at sa mga karaniwang commodity at kultura na readily accessible at siyang tinatangkilik ng nakararami buhat ng kawalan ng access sa iba pang impormasyon at mahahalagang diskurso.
Isang katangian ng petiburges na sentimyento ay ang indibidwalistang tendensya na bumangga o mag counter-flow sa kulturang masa sa balangkas ng kontra-mahirap at kontra-masang kaisipan maging sa hanay ng maliliit na "underground" subcultures at "leftist" circles regardless of whatever lip service, performative activism, or allusions to this-or-that "progressive cause" they may claim to subscribe to. Ito ay "small group thinking". Hindi ito nakatuon sa pagmomobilisa ng pinakamarami upang baguhin ang lipunan bagkus ay nakatuon ito sa kung paano mag "stand out" o maging kakaiba sa nakararami. Ito ay humuhubog sa isang elitista at clique-like na kaisipan.
Ang pagbabago sa malakolonyal at malapyudal na lipunan at sa kulturang burges at pyudal na namamayani sa superistruktura nito ay isang mass undertaking. Uusbong lamang ang isang scientific, nationalist, and mass-oriented culture mula mismo sa pakikibaka ng kilusang masa na nakasandig sa pagkakaisa ng uring anakpawis at mga batayang sektor at sa pangunahing pagkakaisa ng uring manggagawa at magsasaka.
Kahit man ako ay masasabing nasa "alt crowd" o isa sa mga nasa subcultures na ito, conscious tayo sa takbo at direksyon ng pagpapanibagong hubog sa balangkas ng paglubog sa masa at pagsulong sa kanilang mga batayang interes.
Nakaitim pa rin ako lagi. Wala masyadong kulay sa wardrobe ko other than the occasional red. Pero bukod sa metal band shirts na parang isinuka ang mga salita nito sa dibdib ko, madalas na rin itong may mga nakadikit na panawagan na madali lunukin o masikmura ng mga ordinaryong taong nakasasalamuha sa mga daan at sa komunidad. Naniniwala akong may lugar ang iba-ibang anyo at porma ng subculture sa isang tunay na progresibo at makamasang kulturang pinapanday natin. Ngunit dapat ay nauunawaan din natin ang mga ideolohiya at tendensyang nagiging tuntungan nito at ang wastong aktitud dapat natin sa mga ito.
It is right to rebel.
Ngayon, mamimili ka kung nagrerebelde ka ba sa lipunan buhat ng teenage angst mo to stand against the crowd o do you stand for the people?









