Pasuko na Pero Kaya pa
Hindi ko mahal ang karerang pinili ko. Inaamin ko. Nasilaw ako sa ganda at rangya ng titulong pinaghahawakan ng kurso ko. Hindi ko sya gusto at kailan man hindi ko lubos maisip na tatagal ako dito. Humingi ako ng gabay sa Diyos. Na kung ito man ang daan na para sakin ay pahihirapan ako. Mahirap na kakayanin. Dalawang beses akong naging Freshman. Naranasan kong maging irregular student. Na-singko na ko sa major subjects at engineering Math ko. Bulong ko Sakanya,"Hindi ko yata kaya to." Pero habang iniisip ko na susuko na ko, bigla biglang dumarating yung mga panahon na napapadali yung gawa ko ng plates, nakakapasa ko sa exams sa calculus. Tae. PASADO ANG PLATES KO. Naisip ko, ayaw ng Diyos na sumuko ako. Iyan ang pinanghawakan ko. Oo Irregular ako. Oo marami akong back subjects. Nasakin na lahat ng rason para bumitaw. At aaminin ko. Isang daliri nalang ang kumakapit para karera kong ito. Pasok. Uwi. Guhit. Bura. Guhit. Bakat. Sukat. Bilang. Sukat. Tinta. Rolyo. Latag. Guhit. At ulit ulitin pa. Walang hinto. Walang time out. At nasilayan ko na naman ang araw. Pasok. Aral. Aral. Exam. Sagot. Review. Kain. Aral. Uwi. Guhit. At ulit ulitin pa. Nakakapagod ang buhay ko bilang estudyante. Arkitektong estudyante. Hindi excuse ang sakit. Hindi excuse ang puyat. Tinta ang puhunan para sa gradong tres sa Finals. Nakakapagod. Oo. Aaminin ko. Nagsasawa ako. At ang bulong Sakanya, "Kung ito ay para sakin talaga, alam kong ibibigay Niyo po saakin ito na matutumbasan ang pagod piyat at sakit na dala nito. Kung bumagsak man ako ay tatanggapin ko." At hindi Niya ginawang madali ang hiling ko. Dumating ang araw ang Qualifying. Akala ko ay handa ako. Pero hindi ang katawan ko. Kumirot ang kanang tenga ko. Hindi ako makarinig nang matino. Hindi ko maituon ang isip ko nang buo sa papel ko. Sinabayan pa ng pagsusulit sa mathematics. Nasabi ko sa sariki, "bakit kasi pinipilit ko pa eh hindi ko naman gusto?" Nagdaan ang ilang araw at natapos ang exam. Hindi ako kampante pero hindi rin naman ako nalulungkot sa magiging resulta. "Kung hindi,hinto. Kung oo, pang arkitekto ko." Isa,dalawa,tatlo.













