drama 101
hindi ko alam pero parang sumosobra na ata ako. what i mean is yung pag-uugali ko. lalo na atang sum asama, lalo na kong nagiging pilosopo, lalong nagiging rude, basag trip at marami pang iba. i just realize it this past few days. and there are few people that couldn't handle it. epekto ba 'to ng break-up? bitter lang ba ako? kahit sa sarili ko hindi ko alam sagot. there are some people actually dalawa sila, na may pinagbago daw ako. and i wouldn't believe it. maybe siguro dahil hindi ko napapansin dahil sarili ko 'to at tanging ibang tao lang pwede makapansin ng pagbabago ng tao. tama ba ko? kaya nga minsan, mas pinipili ko na manahimik na lang at wag magsalita para walang masaktan sa mga posibleng salita na maaari kong bitawan. hayyy.. wala lang talaga sigurong nakakaintindi sa tunay kong ugali. sa tunay na ako. sabagay, di ko naman kasi pinapakita sa iba yung tunay na ako. most of the people who knows me personally, alam nilang matatag akong klase ng tao dahil lagi nila akong nakikitang nakatawa at nakangiti na parang walang iniindang problema sa buhay. pero dun sila nagkakamali. dahil ang pagiging matatag lang ang tanging choice na meron ako.pero ang gusto ko lang naman mangyari sa ngayon e yung dumating yung panahon na pag ako naman ang nangangailangan ng tulong, ng makakausap, ng mahihingan ng advices, sana yung mga tinulungan ko, sana e nandyan rin sa tabi ko pag kinailangan ko sila. nakakapagod rin kasi yung ikaw lang laging nandyan para sa kanila na parating handang tumulong at umagapay sa lahat ng oras. kahit na magmukha akong tanga mapasaya mo lang iba e gagawin mo. pero sarili mo, di mo magawang pasiyahin. hayy.. ganun lang ata talaga buhay. but still, i'm hoping na darating yung taong pwede kong makausap sa lahat ng oras. aja lang!










