“We accept the love we think we deserve”
Sabi sa perks of being a wallflower.
Pero madalas we accept everything kahit di natin deserve. Because of love.
Love mong overuse na dahil sa mga pangakong madalas napapako.
Because of faith.
Faith mong parang sesemplang na pero pinipilit mo paring itayo.
Because of trust.
Trust mong butas na pero pinipilit mong takpan para maging buo.
Di ako magaling sa sugal, Bingo nga, litong lito na ko kung saan hahanapin ang numero para ipatong ang bato.
Pero di ko naman sinabing di ako nagsusugal.
Dahil matagal-tagal na rin akong sumusugal.
Sumusugal sa relasyon nating dalawa.
Na minsan nakakalito din kung saan ko pa ba ilulugar ang puso ko,
At kung may malinaw na papel pa ba ang pangalan ko sa buhay mo.
Minsan lang manalo,
minsan talo.
Madalas dehado.
Sabi mo wag nating isipin kung anong sasabihin ng ibang tao, eh ganun naman ako noon nung di kapa nagbago. Ang importante sakin yung “tayo”. Kasi kahit di natin ipaalam sa social media o sa buong mundo ang lahat, masayang masaya ako kasi alam ko mahal mo ko.
Pero ngayon, nararamdaman kong wala nang tayo. Puro nalang ako.
Mas malakas na ang sigaw ng tao, kaysa sa tibok ng puso mo para sakin.
Mahirap kapag ako nalang naniniwalang mahal mo ‘ko pero di ko na maramdaman.
Mahirap magbingi-bingihan sa sinasabi nila. Magbulag-bulagan sa mga nakikita ko, at manahimik kasi wala ka namang naiintindihan kung magsasalita ako.
Bigla akong nagising, parang nakatakas. Na bakit parang ako lang ang nakakaalam na mahal mo ko? Bakit di niya alam? Bakit di nila alam? Ba’t ako lang?
Gusto kong malaman nila, na sayo mismo nang-galing na mahal mo ko. Mapatunayan man lang na totoo tayo. Maconfirm ko man lang na nakareserved na ang puso mo para sakin. Na proud ka sakin, na ipagsisigawan mong taken ka at mahal mo. Yun lang naman yun.
Bakit kasi pakiramdam ko bukas pa ang pinto mo para sa ibang tao.
Na pwedeng hindi ako para sayo, pwedeng sila. Pwedeng may darating pa. Dahil tumatanggap ka pa. Samantalang ako. Kahit na ang daming kumakatok sa pintuan, sinarhan ko. Pati bintana. Para di kita masaktan at maging exclusively sayo lang ako.
May tayo lang pag magkasama tayo, pero limot mo na ang pangalan ko pati pangako mo pag magkalayo tayo. Kahit “Ingat ka mamaya sa paguwi” masaya na ko. O di kaya, “Wag kang magpagabi.” Walang ganun. Nasasaktan akong ipagtanggol ka araw-araw. Na busy lang yun, na nakalimot lang yun, na pagod lang yun, na kaibigan niya lang yun. Punyeta, tinatawanan na pala ako ng ibang tao. Para akong gagong abugado. Wala namang napapala pero lumalaban sa husgado.
Madaming pagkakataon gusto ko nang bumitaw. Pero kahit gusto ko, palagi paring ikaw. Kahit na alam kong madalas kang nagiimbento. Kahit na alam kong madalas magkasama kayo. Kahit na ipilit mong walang kayo. Hindi ako naniniwala sayo, Kundi sa nararamdaman ko. Sa nararamdaman ko na mahal mo ko at mahal kita. Na baka naliligaw ka lang din kaya ka ganyan. Na dapat di kita iwan kasi ngayon mo ko mas kailangan.
Pero mahirap. Sobrang hirap.
Napakahirap.
Bakit ba habang kumakapit ako sayo mas lalo akong naliligaw? dahil ata ito sa umaapaw na lungkot, poot. Putangina parang yung ulo ko laging may ipot. At minsan, madalas ko na ring malimutan, kung paanong umuwi sa dati kong tahanan. Kung saan dapat doon ako dumadaan, Pero kahit ikaw ang dahilan kung ba’t ako nasasaktan, Sayo ko parin gustong magpatahan. Bakit ikaw parin ang masarap sandalan? At kahit ikaw nga ang dahilan, gusto ko ikaw padin ang makaaalam. Na sinasaktan mo ko. Na nahihirapan ako. Pero ikaw parin ang gusto ko. Ang tanga ko.
Madalas akong mabulunan sa pagpipigil ng aking iyak, madalas manginig ang labi ko mapigilan lang- Mapigilan lang ang boses kong gumaralgal. Itong mata ko mas dapat sanang luminaw, dahil sa madalas na pagagos ng luha mula sa pait, sakit, selos, lungkot ng aking puso. Anong nangyayare? Mas lalo atang lumalabo. Malabo. Parang tayo. Malabo