Less than perfect. Totally nothing
tumblr dot com
Mike Driver

izzy's playlists!
occasionally subtle
Show & Tell
d e v o n
sheepfilms
NASA

titsay
Cosimo Galluzzi
Xuebing Du
AnasAbdin
Monterey Bay Aquarium
I'd rather be in outer space 🛸
No title available

oozey mess

tannertan36
macklin celebrini has autism
Peter Solarz
dirt enthusiast
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Malaysia
seen from Türkiye
seen from Kenya

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Malaysia

seen from Lithuania

seen from Chile
seen from United States

seen from United Kingdom

seen from France
seen from Pakistan
seen from Greece
seen from France

seen from Bangladesh
@rebukeme-blog
Less than perfect. Totally nothing
You know you don't have a real friend when you cannot rely and trust anybody in times of sadness.
You know you should stop expecting when you already gave "it" to him.
Which way to go? If you have no choice but to shout "life sucks!"
Try not to be bold in expressing yourself. See, everything about you will be misunderstood. Try to be expressive, surely you' ll be judged.
Who will ever understand?
Sakit nung "ang tamad mo kasing umuwi". Kung alam lang sana nila kung gano ko kagustong umuwi.
When all else fades my soul will dance with you. Where the love that lasts forever
Bad decisions. Poor options.
One bad move nullifies the forty good ones.
Empowering is different from pushing
Bakit ginagawa mo pa din ung mga bagay na alam mong at the end of the day pagsisihan mo din?
What you said is what you decided to say. Be wise in decision making. It can make or break a life.
Remember, you have been criticizing yourself for years and it hasn’t worked. Try approving of yourself and see what happens.
Louise L. Hay, You Can Heal Your Life (via wnq-anonymous)
Wide acceptance of an idea is not proof of its validity.
Dan Brown, The Lost Symbol (via booksqouted)
Bakit ganon ang mga tao?
Pag UAAP, laban ni Pacman, o may laro ang Gilas. Kahit gaano man yan ka-busy. May deadlines man yan o exams. Kayang kaya isingit sa oras, makasuporta lang sa pambato.
Pag may lakwatsa o bonding, kahit walang tulog o pagod, go lang. Pag birthday ng barkada, kahit di payagan ng magulang, nagagawan pa din ng paraan.
Pero bakit pag tungkol kay Lord…
List of usual reasons:
1. Busy po ako e.
2. Exam po namin. Mag aaral kami.
3. Di po ako pinayagan.
4. Malayo po.
5. Wala po akong pamasahe.
6. Gabi na po.
7. Pagod na ko.
Bakit ganon.. Ilang oras lang naman ang hinihingi. Ang tanong, oo may exam ka kinabukasan, pero maghapon magdamag ka ba talagang mag aaral? Owwwsss. Talaga? Di ka manunuod ng favorite mong kalyeserye? Di ka magefb? Mag aaral ka lang talaga?
Oo busy ka, pero bakit kaya mo pang isingit ung pagkain? Ah kasi basic necessity ng tao. Si Lord ba di mo kailangan? Ay wait, kilala mo nga lang pala sya pag may problema ka.
Pagod ka na? Kelan ba hindi?
Wala kang pera pamasahe? Kanino ba nanggagaling lahat ng pag-aari mo, diba kay Lord din? Sinasabi mong wala kang pera pero ung mga bagay na di naman gaano kahalaga nabibili mo. K
kailan mo ba siya papahalagahan? Ilang oras lang ang hinihingi nya. Bakit di mo maibigay? Alam mo bang nagawa nyang ibigay ang buhay Niya para lamang sayo? Para sayo! Kahit makasarili ka. Kahit makasalanan ka. Kahit nandyan ka lang pag may kailangan. Naghihintay lang naman Siya e. Hinihintay ka Niyang bumalik sa Kanya. Kailan ka ba babalik? Kapag walang wala ka na? Kapag pagod na pagod ka na? Kapag lugmok na lugmok ka na? Wag ganun…
Maalala ko lang, umiyak ka nga pala dati. Kasi broken hearted ka. Naaalala mo kung bakit? Kasi ginawa mo naman lahat e, binigay mo naman lahat, pero di ka pa rin minahal pabalik. Ang matindi dun. Ginamit ka pa. Niloko ka pa. Pinaasa sa wala. Tinake for granted ka no? Minahal mo pero di ka pinahalagahan. Galit na galit ka sa taong un.
Nakakapagtaka, bakit di mo try magalit sa sarili mo? Ganun ka din e
Defy mediocrity. It will make you complacent. Complacency will sabotage you. DEFY MEDIOCRITY!
Pyesa
I performed this piece once. In a short moment, it stirred up my heart and brought me to tears while performing in front of many people. I chose this piece for the sake of my grades. I never thought that it will leave a mark in my heart. A mark that causes me deep pain.
————————– Minsan may Isang Puta (2007)
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.