Pwede Manwal sa Eleksyon 2022
Kahit na hindi tayo nabiyayaan ng isang konkretong pulitika at matapang na pamunuan, maswerte parin tayo dahil sa dami ng tinamaan ng covid-19 at sa dami ng sira ulong nagbanta na magugunaw na ang mundo, sa awa na dyos heto tayo ngayon updated lagi sa Facebook at sa buhay ng mga influencer sa Youtube. Kahit na hindi man natin nakamit ang inaasam na mawawala ang drugs sa loob ng tatlong buwan. Maniwala parin tayo at wag makakalimot sa sinabi ni Cayetano na sampung libo bawat pamilya. Next.
Malapit na naman ang Eleksyon. Pipili na naman tayo ng pinuno na iba-bash natin sa social media pagdating ng araw. Mahirap pumili kung sino sa kanila pero kailangan sumubok, dahil kung mananatili tayong takot at walang tapang na pumili ng taong pagkakatiwalaan, katumbas yun na hinayaan natin laging nakalubog si Juan Dela Cruz tuwing may kalamidad.
Sabi sa bolang kristal, mababa ang standard ng pilipino pagdating sa decision making, lalo na sa pagkilatis ng kandidato. Sa dami ng facts o babasahin na meron basihan mas pipiliin natin paniwalaan ang fake news. Sabagay, mas madali kasing manood ng tiktok kesa alamin ang katotohanan. Maliit na bagay lang kasi ang tingin natin sa politika. Maliit na bagay pero halos magpatayan na sa comment section sa social media.
Hindi kita dinidiktahan, gusto ko lang sabihin na sana wag mong hayaan na nakawin ang sarili mong desisyon sa pagpili ng pinunong pagkakatiwalaan mo. Yung kandidato na sa tingin mo ay merong magagawa para sa nakakarami at para sa hinaharap. Dahil kung pipili ka base sa mapapala mo sa kandidato at sa sariling interes mo ay wala kang pinagkaiba sa kandidatong iniisahan mo. Isipin mong mabuti, kung paano ka itrato ng isang kandidato para makuha ang boto mo. Ay yun ang tingin nya sa mga pilipino. Kaya ganyan din ang lideratong ibibigay nya sa bayan mo. Byeee








