Ang kwento ni Go Pro. 😂 (Mahaba po) :) 04.30.17 COAF Party. Nung nasa registration pa lang kame, kinuha ko yung piece of paper na may pangalan ko, tapos pinakuha na rin ni @lemmorpower yung sa kanya, sabay kong hinulog sa box para sa pa-raffle. Habang hinuhulog sabi ko "BINE-BLESS KO TO" Narinig pa nga ako ni ate Theresa (QA who is incharge of the registration) tapos napangiti siya saken or natawa dahil sa sinabi ko. 😂 And then, yun party na, tas kainan.. habang kumakain, nagpaparaffle na rin mga emcee, tapos sumigaw si @mavsmallows (who is one of the emcee) "WHO WANTS TO HAVE A GO-PRO?" tapos sigawan yung iba. Ako naman, narinig ko lang pero dahil never ako nagka-chance sa mga raffle na ganyan, dedma lang ako, kain lang ako ng kain (pero lowkey hoping ako. LOL) Maya maya tinatawag ako ng ibang ka-team ko including my supervisor. "ROELLYN ROSADO daw". And I was like, HUH? 😂😂 Hinintay ko pang imention pangalan ko ulit para lang makasiguro na ako nga. And ako nga! 😀 While walking to get the gopro, Mavee shouted "Para sayo talaga yan! Deserve mo yan!" Napapa-smile lang ako. Tapos sila ate Josie and ate @marie04isme sabi nila, "Ayan, binigay na yung gustong gusto mo" alam kasi nilang lagi ko tinitingnan sa SM to pero di ako makabili dahil ang mahal. 😂 Ayun lang, napa-WOW lang ako ni Lord, dahil hindi ko naman laging sinasali sa prayers ko to dahil materyal na bagay siya. But He already knows this is one my deepest secret desire and He gave it to me. Ano pa kaya yung mga bagay na pinagpe-pray mo talaga? Kayang kaya Niyang ibigay yun. Lalo na kung alam Niyang deserve mo. HE WORKS IN HIS AMAZING WAYS. :)















