Exactly, dalawang linggo nung parehas na lang tayo sinuko ng tadhana.
Kung kailan mas patagal ng patagal mas lalong nagiging masakit at mahirap ang lahat para sakin.
Nung mga nakaraang araw kahit pano natutulungan ko na yung sarili ko e.
Akala ko nga magiging masaya na ako ulit kahit pano.
Tapos hanggang netong mga nagdaang araw, hindi ko alam bakit naalala na naman kita.
Ang ewan lang kasi napapanaginipan kita, minsan gising ako sa umaga na ikaw yung hinahanap ko.
Nung mga nakaraang gabi tinitignan ko yung mga pictures natin.Â
Grabe. Yung iba parang kahapon lang nangyari.
Yung iba parang sobrang fresh pa sa isip ko.
Tapos hanggang pa recent ng pa recent yung mga pictures, mas bumibigat yung emosyon.
May mga araw pa kaya na naiisip mo ko?
O hahaha, baka masaya ka na.
Parang gusto pa yata nasasaktan ako,
Alam naman natin na ngayon, nahihirapan ka siguro kahit paano.
Pero on the other side may bagong tao ng nagbibigay kulay sa buhay mo.
Hindi ko ba alam bakit di ko yun matanggap hanggang ngayon.
Parag ang bilis lang ng lahat.
Bigla mo nalang akong iniwan na wasak at mag isa.
Bigla nalang ako nalang pala yung nakakapit.
Ngayong mga minutong ‘to, isa lang yung gusto ko mangyari.
Gusto kong bumalik nung unang beses tayong lumabas.
Inabot mo na sakin libro ni Ate.
Tapos, wala na tayong pupuntahan kasi paalam yata may activity or klase.
Kaya nag circle nalang tayo.
Yun yong nagkakapaan pa e.
Pero alam ko, kahit matagal na yun yung isa sa pinaka masayang araw.
Parang ang bilis lang ng oras nung araw na ýon.
Hanggang nasundan na ng marami pang masasayang araw.