Ano ba Micherra
I'm here again, sulking over the past we had. Our thesis needs attention, but my thoughts about you are here again, bugging me every single time I hear, or even overhear things over our matters. Oo, thesis group mates tayo pero wala ka pang sinusubmit alam mo ba yun. Nasstress na kami pero bakit di mo kami maramdaman? Charot. Sino ba naman kaming thesis group mates mo sa list of priorities mo 'no? Were you really "my one that got away"? I don't know. Maybe this is how it should actually feel after a break-up.. but eight months after? No. I should've learned how to forget you, or probably our thoughts at this moment pero hindi ganun eh. I'm still here you know. Natrigger siguro 'to nung conversation namin nila Lanz and Kuya Marco at the warehouse today. Baka dahil rin yung contestants kasi sa Wowowin ngayon ay cute couples. (so what) (ok kasi nga couples daw.. na cute. ediba cute tayo noon). Tapos yung bagong ad ng Globe tungkol sa second chances chenes. Ugh, dapat okay na ako ngayon eh. Bakit ba hindi pa rin ako okay. Bakit ba naaalala pa rin kita at bakit nalulungkot pa rin ako. Bakit. Puro bakit na lang ako. Alam kong masaya ka na sa bago mong mahal. Wish ko talaga maging masaya kayo. Pero bakit... bakit nasasaktan pa rin ako eh ako naman yung nagtulak sa'yo palayo? I'm taking all the blame. Alam ko, ako talaga yung nagkamaling pakawalan ka pero bakit hindi ako masaya. Bakit nandito pa rin ako. Bakit kahit pinipilit kong maging busy eh sumusulpot ka pa rin sa mga alaala at mga salita ko? Lintik na first of all firsts yan. 'Di ko na alam paano papasok sa sistema ko na tama na, wala na akong babalikan. May iba ka nang mahal at masaya ka na sa iba. Sa sobrang nice niya, wala akong ibang masabi at mahiling kundi ang maging masaya siya sa'yo/ o kayo. "Pray, pray, pray" yung image niya sakin. Mga ganung level kaya wala akong masabi. Wala naman rin siya kinalaman satin noon. Ngayon lang. Haha. Well played. Hindi ako nagmamadali pero sana hindi ko na kailangan pang maisip ka every now and then. Ano ba naman. Wala na akong ibang ginawa kundi i-divert 'tong mga feelings feelings na 'to. Ano ba, priorities kamo bukambibig ko pero eto ako, rendering time para lang maisulat yung mga thoughts ko na 'to. Ugh. Bakit mo kasi kailangan i-show off sakin si Yap noon bwisit 'di ako maka-get over kahit sinabi na ng iba na friends lang naman daw talaga kayo. Malay ko bang aabot kayo sa meet the parents stage sa Pampanga tapos friends lang daw. Alam mo namang 'di ako ganun pero sige, ano nga naman pake mo sa values ko that time 'no? Hahahahahahaha cheret. Wag ka mag-alala, so far I can still breathe the same air as hers lalo na kapag ExMar class tuwing Sabado. Odiba ang bait ko pa for not grabbing her by the hair sa tuwing nakikita ko siya. Sorry ha, sobrang bad ko na ba. K. Kiber, malapit na rin naman ako mag-intern. (so happy!) Kung di mo yun ginawa, mas okay na siguro sana ako ngayon pero ewan, I feel like you wished for my despair rin naman since I've hurt you so much kasi. Feeling ko lang naman. Not judging you ok. Charot. Ok, sige na sige na ako nga ang may mali. And the story repeats. Hahahaha nako puso ko pls. Micherra, tama na kakabigay ng meaning sa mga bagay-bagay. Kahibangan ko lang ang lahat ng ito. Had to let this all out of this beating chest dahil nahihirapan na ako huminga. Charot. De kasi kailangan clear yung utak ko for Straman okay. Promise tinatry ko naman na talaga mag-move on. Hahahaha ang haba na pala. Kbye. "Only know you love him when you let him go" nga ata talaga. Sepanx, badtrip.













