Day 1700+
Siguro gano’n katagal ko nang hindi nakikita mukha mo sa personal. May mga instance na pasulyap-sulyap ako sa socmed mo at may isang pagkakataon na nakita kong nag-view ka sa linkedin ko. Deleted ko na linkedin ko dahil sa paranoia na may nagmamasid pa rin sa katauhan ko kahit na ikaw lang naman ang laman ng aking pag-aalala. Petty lang ako. ‘Namo hahaha Mas masaya pa rin ako dati kaysa ngayon. Pilit kong haharapin ang mga susunod na araw hanggang sa kunin na ako pabalik sa ilalim ng lupa. :)











