To the people na iniwan sa ere:
You never deserved that. Yung tipong pagkagising mo na lang isang umaga e nagbago na lahat at nawala na lahat ng nakasanayan mo kasi nawala na siya, kasi iniwan ka na niya. You don’t deserve the mental torture of asking yourself kung bakit ka iniwan ng ganun ganun na lang or ano bang nagawa mo or nasabi mo para umalis na lang siya. Don’t put yourself through that for too long. Oo, mapapatanong ka talaga pero wag kang tumambay sa ganung phase kasi hindi mo deserve yung ganun. If iniwan ka sa mahanging lugar, edi iniwan ka. Ask yourself the questions why and how and then let go and move on. Iniwan ka na nga, magmumukmok ka pa? As if naman babalik pa siya sa pagmukmok mo ‘di ba? Might as well look at the bright side na lang. Tapos kapag sumagi sa isip mo na sinabi niya sayo na mahal ka niya or gusto ka niya and to this day pinaniniwalaan mo siya, then ang tanga mo for still believing and for believing that. Kasi in the first place, kung mahal ka or gusto ka talaga, hindi naman sila aalis. Or, kung aalis man sila, magsasabi sila kasi they love or like you enough to not put you under that mental torture of just leaving someone hanging. You don’t deserve na maiwan sa ere. No one does. Sadyang may mga bullshit lang na tao na gumagawa nun at hindi iniisip kung ano yung mararamdaman nung iniwanan nila. Selfish nga. Hayaan niyo, kapag ako yumaman, bibili ako ng eroplano at susunduin ko kayong lahat na iniwan sa ere.










