Migrasyon. Ano nga ba ang Migrasyon? Ang Migrasyon ay ang proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. May mga iba't ibang uring ng Migrasyon, ito ang Migrasyong Panloob na ang ibig sabihin ay paglipat sa ibang bahagi lamang ng bansa. Samantalang ang Migrasyong Panlabas, ang ay paglipat o pag punta ng isang pamilya sa labas ng bansa. Narito ang aking interview sa aking kaibigan na lumipat ng tirahan mula Pilipinas papuntang Hong Kong.
Ang aking kaibigan na si Peach Havana ay umalis ng bansa papuntang Hong Kong upang mag-aral. Sa kasamaang palad, siya ay mag isa ngayon sa Hong Kong dahil ang kanyang mga magulang ay nandito pa rin sa Pinas. Kinuha niya lamang ang oportunidad na makapag-aral upang mabusog ang kanyang kaalaman. Narito naman ang aming pag-uusap sa kanyang buhay sa Hong Kong.













