Listahan ng mga ka ek-ekan na kinaiinisan ko (10/17/17)
So ayun dahil sa sobrang pagod ko naubusan na ko ng english kaya tagalog muna ha naloloka ako e. So eto mga kinaiinisan ko for this day. Yung mga nag pa imbyerna sakin ngayng araw
Yung pagod ka galing sa lakaran/gumawa ng group project at wala ka nang time makipag chat at ayun sila sasabihing nakalimutan mo na sila chuchu. Jusko te ako nga nakalimutan ko nang may test pala bukas e jusko. Di marunong magbigay ng konsiderasyon? Ganern?
Yung gumising ka ng napaka aga, nagalmusal at nagpainit na ng tubig pampaligo tapos mababalitaan mong walang pasok. Anak ng libag ng tilapia o! Nakakapagod kaya mag init ng tubig!
Yung ang seryoso mong gumawa ng trabaho mo sa group project mo tapos yung mga ka group mong pa petiks petiks lang wagas pang mag mando. HUWAW HIYANG HIYA NAMAN AKO SA NAITUTULONG MO SA EKONOMIYA
Yung mga taong ang hilig kang patayan ng ilaw. UTANG NA LOOB WAG AKO!. Ayaw na ayaw ko ganyan lalo na pag nagseselpon. Masakit sa mata mamshie
Yung may pinanood sayo si frend tapos kunwari interesado ka kahit di mo naman talaga gusto.. Sorry frend
Yung mga taong wagas makasabing slow daw ako. E KUNG PINALIWANAG MO NG MAAYOS DIBA?! E PANO KO MAGEGETS KUNG IKAW LANG NAKAKAGETS SA SARILI MO?! HAY NAKO NANG GIGIGIL AKO NANGGIGIGIIIIIL AKO!
Yung mga kaklase mong kilala ka lang pag may sagot ka. WAGAS PA MAKA AGAW NG PAPEL MAMSHIE! O AYAN YUNG PAPEL KO LAMUNIN MO BAKA SAKALING DUMIRETSO SA UTAK MO
Yung ang lakas maka lait sayo na ang baduy mo manamit YANG TATAA?! BALIK KO SAYO LAIT MO GASTA MA?
Yung lakas maka lait na ang pangit daw ng mga hapon ko na di hamak na mas gwapo yung mga *toooot* nila. HUI GUSTO MONG SUPALPAL KO SAYO ANG KATOTOHANAN HA?! ay wag na baka ma offend kita
Yung walanghiyang kapit bahay namin. Nakakainis siga siga mukha namang.. Hay nako
YUNG ANG LAKAS AKONG LAITING ANG TABA KO DAW E MAS MATABA PA SYA SAKIN. TE OKAY KA LANG????
ANG TAGAL BAGO NAIBALIK NI ANN YUNG PAYONG KO. JUSKO
Yung nag lalambingan yung dalawa mong barkadang magsyota sa harapan mo tas kayong tatlo lang magkakasama. ANUTO LIVE SHOW?! AUDIENCE AKO GANUN?! MALL SHOW LANG ANG GANAP?! O DI SIGE KAYO NA. DI PARIN AKO NANINIWALA SA POREBER
Pag nagaaway dalawa mong barkadang mag syota. Kasi para silang bata ....
Gutom na gutom ako kanina. Ang tagal kami bago pakainin. Tom jones akes. May warla na sa tyan ko kanina
Ilang beses ko nasugat sa cutter sarili ko kanina 😢 tanga kasi ng cutter
MAY PASOK NA BUKAS NAKAKAINIS