Spartan Race PH Sprint (Sept 23,17)
I promise I would be better and not to think of myself all the damn time, ill invest again with other people and appreciate moments the universe had given to me. I promise.
11.30am yung start time ko dito, so late na ako gumising ng umaga mga 7am. Hindi na rin ako nakipag sapalaran bumyahe kasi nakapunta na ako sa Timberland Heights nun Typhoon Heat.
Mga 10am ako nakarating ng Timberland, then as usual, sa tagal ng shuttle, nag lakad nlng ako. after mga 10mins, nakapag register na ako sa, may 1 oras pa ako bago mag race, nanuod muna ako sa mga nag Spear Throw, tinitingnan ko technique nila kung paano, kasi lastweek, failure ako sa challenge na yon. Konting stretching then good to go.
Uphill run muna, mga 300m ata iyon, tapos 4feet Wall Climb, pang warmp up baga. after non is Hurdles Over mga 5-6ft ata iyon, after non Over Under T? na wall. Chill chill pa dito, then proceed hangganng sa Memory Wall, dito kailangan mo makabisado yung last 2 digits ng Bib number mo (09 - Juliet 363 4113) yan tanda ko pa yung sakin, sobrang minemorize ko yan, alam kong may penalty pag nalimutan eh. Takbo ulet ng konti hanggang makarating sa Vertical Wall, easy easy lang may net na kapitan. After a moment, medyo hard na, Bucket Brigade na yun next, buhatan na yung timba na puno ng graba, dito natauhan ako, tapos ang layo ng iikutan tapos meron pang malalim na kanal na dinaanann, na hanggang bewang yung lalim nung putik, imba yon. Dito na natetest yung physical at mental state ko. After kong maibalik yung graba at timba, narinig ko yung ibang runner na nag kakabisado ng memory wall numbers nila, biglang pumasok sa isip ko, buti naalala ko pa yung sakin. After a moment nmn ulet, 6ft Wall namn aakyatin, unang attempt ko hindi ko nakatalon, hinang hina pa non yung braso ko, then sa 2nd, boom nabuhat ko sarili ko hihi.. After non matindi, Sledge Drag, upper body nnmn, unang attemp ko uusog yung sledge, kaso nag ipon ng putik sa edges, hindi ko na mahatak kahit ibuhos ko pa 100% ng katawang lupa ko ayaw na talga, sinira na nung mga nauna yung trail nung sledge, hindi na madulas :( ayon nag Burpee na 30, naulol ulet katawang lupa ko sa burpee, mahina pa stamina ko.
Then alay lakad na.. sobra akong hiningal sa burpee, hanggang dumating sa 7ft Wall. Lumayo pa ako ng kaunti para maka bwelo sa pagtalon, ayon unang try naakyat ko naman, tapos alay lakad ulet sa sobrang maputik na daan. Tapos mga ilang minuto pa Barbwire Crawl nmn, medyo may trauma ako dito, sinugatan ako nito ng todo nung typhoon heat, kaya pabebe ako gumapang hahaha. Pero todo hingal ko non, dala na din ng pagod. After non is 2km+ na takbo, syempre nag lakad lakad pa ako non sobrang hingal pa din ako, tapos dumating na don sa Memory Test, medyo mahaba pila non, may nakita akong grupo nasa unahan ko, tiningnan nila sa phone nila yung numbers, pinucturan, may kodiko ang mga loko, eh ganon tlga, hindi ko sila masisisi, its their game and how they would love to remember eh :), syempre pasado ako sa Memory Test, sobrang daming nag buburpee dito mga may penalty na hindi nakabisado ung numbers. After a while ulet, Sandbag Carry nmn, dito may water station, pero wala ng tubig ung naabutan ko nakakalungkot, sobra akong uhaw non, pero kinaya ko padin. Tapos mga saglit lang hanggang dumating sa Inverted Wall na easy easy nlng, tapos tinakbo ko na kasi water station na yung next. A Frame Cargo na yung next, easy easy lng, ewan ko ba bat ambabagal nung iba. Olympus na yung next, upperbody + balance dito, which is kayang kaya ko nmn, dami na ang buburpee dito, andami ko na din nalagpasan kahit na 11.30am ako nag start. Mongkey Bar na yung next, tinapon ko na yung gloves ko puro putik na eh baka madulas pa ako, ayon natapos ko namn easy nlng sakin un monkey bar.
Takbo ulet mga 300m+ tapos Rolling Mud at Dunk Wall, saya dito, puro putik tapos mag sisisid ka sa putik ng mga 3secs na walang hingahan, hahaha masaya sya kaso nakakalungkot wala ng photographers non, imba sana kung may picture ka nung pag ahon mo sa putik, buti pa yung iba. Multi Rig na un next, parang monkey bar kaso puro ring, jusko dapat pala tuloy tuloy dito, hindi ka titigil sa isang ring nawala ung momentum mo ng swing, eh malayo ung susunod na ring, ayon Burpee ako ulet :(. After non Atlas Carry my nightmare. Dito sobrang haba ng pila tapos nag tutulungan na yung iba mabuhat lng yung bola, nung triny ko buhatin, putsa nag cramps yung 2 kong calves, maiiyak na ako non, tapos may tumulong saken, inistretch nya yung paa ko, tapos gumaling nga yung cramps. Yung tumulong saken sila na yung naging partial teammate ko, Burpee kami sa Atlas Carry, after non Hercules Hoist na, sobrang imba nnmn non, hindi kaya ng katawang lupa ko buhatin, syempre teammate kami, 4 kaming ang bubuhat pataas nung sand bag ♥, iba tlga pag may team mate. After non is Rope Climb. Pumwesto na ako non sa rope, try ko akyatin, nakaya ko kasi sya nung nag Conquer Challenge ako, thesame height lang, problema lang dito sobrang maputik na nung mga rope, mga pangatlong panahog ko dumulas ako pababa bwisit :(, ayon Burpee nnman. After non is Spear Throw, medyo badtrip ako non, kasi nmn yung ibang mga madaming tao na may Team, paulit ulit silang ang try, eh ang pag kakaalam ko 1 try lng, nun nag typhoon heat kame, so sobrang tagal ko nakatayo non. Parang joke time nlng non yung Spear Throw don sa ibang racers, ayaw na din amg burpee, pero ako tuloy Burpee kasi nag miss nnmn yung pag bato ko huhu. 2nd to the last obstacle is Slip Wall na wala lang sobrang easy. Pinaka last obstacles is yung Fire Jump katabi ng Finish Line. Masaya sya, tapos may photographer na don sa finish line na matagal ko ng hinahanap, iniisip ko kung na picturan ako sana oo nmn, jusko iyon nlng picture kong makikita eh.
Medyo snob mga tao dito lalo na yung may mga Team, para silang ewan, pero syempre bat ko ba ginawa ito “para na din sa sarili ko, in which how can i define myself, sa mga likes at trip kong i experience sa buhay ko”
Yung 3 kong naging temporary Team Mate na hindi ko man lng natanong pangalan, pero nasalubong ko sila sa labas, sorry kung medyo sabaw ako non, hindi ko na natanong pangalan nyo, nag high 5 at congrats tayo non sa labas, sorry kung hindi ko na apiran yung babaeng maganda pero naka high 5 sya. I feel guilty, pero ang totoo, kayo yung nagpasaya ng araw ko na yun, kung hindi dahil sa inyo, baka umiyak na ako nung nag cramps ako. I wish i could go back in time, para makapag invest ako ng time sa inyo to get to know you guys, pero mas piniili ko pa din yung race sa isip ko non (lesson learn).
yan lng, nakakalungkot kasi 11.30am ako nag start, dyan lng sa barbwire may official photos, tapos sa iba wala na. Kung sasali kayo, laging maaga piliin nyo, wala na kayong makukuhang photos sa iba pag late na nag start