Liham ng pag-ibig sa kung sino man
Hindi ko alam kung kailan kita makikilala o kung matagal na kitang kilalaât alam ko na'ng bawat balikoât liko ng mga guhit mo sa palad. Ang tanging bagay na sigurado ako ay mahal kita, nang wala nang pagtatanong o pagdududa. Mahal kita kahit ano pa'ng mga peklat na iniwan ng nakaraan. O kung ang puso mo man ay bihag pa rin ng mga alaala ng iyong kahapon. Mahal kita kahit pa ibinulgar mo na ang pinakatago-tago mong mga sikreto. Iniibig kita, sa kung ano ka ngayon; na binunga ng kahapon. At mamahalin pa rin kita sa kung ano pang pagpapabago ang naghihintay sa pagsapit ng umaga. Mapaglaro ang tadhana, aking mahal. Sinikmuraan man tayo ng mundoât pinagtatadyakan habang nakadapa na. Pinagtagpo pa rin tayo ng kapalaran upang pagsamahin at buuin ang isaât isa gaya ng kung paanong ang mga daliri mo'y tugmang tugma na humihimlay sa pagitan ng aking mga daliri. Na sa kung paano mo ako sinusuway sa t'wing magsisindi ako ng yosi. At kung paano kita binubuhat at pinapatulog sa tuwing uuwi ka nang lasing, umiiyak, at sinisigaw ang mga hinanakit mo sa mundo. Sa kung paano mo ako niyayakap sa tuwing pinagdududahan ko ang aking sarili. Sa kung paanong lumipas man ang ilang oras ay walang sawa tayong nagtititigan, walang salitang lumalabas sa ating mga bibig pero nakakapag-usap ang ating mga damdamin. Sinta, ayoko ng matamis na simulaât mapait na pagtatapos, ang nais ko'y tamis at pait sa simulang hindi matatapos. â¤ď¸â¤ď¸














