KIROKAZE

shark vs the universe
tumblr dot com

pixel skylines

oozey mess
Today's Document
Three Goblin Art

tannertan36
Game of Thrones Daily
Not today Justin
i don't do bad sauce passes
No title available
I'd rather be in outer space đ¸

romaâ
Cosmic Funnies
almost home
Stranger Things
Sade Olutola
Cosimo Galluzzi

ellievsbear
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from T1

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from T1

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Canada
seen from Chile
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
@superaejeyyy
Hindi kailangang lalaki lang palagi ang magiging sweet, marunong din dapat ang mga babae na maging ganito. Hindi naman sa lahat ng oras ay lalaki lang ang may kasalanan sa bawat tampuhan. Nagkakamali din ang babae kaya naman dapat, gumawa din siya ng paraan para mapatawad ng kanyang minamahal. Hindi din naman bato ang lalaking mahal mo, kaya mahalaga na umisip ka ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Kung anong effort ang ibinibigay niya sa iyo, subukan mong tumbasan o higitan pa ang lahat ng ito.Â
Walang masama kung magiging malambing ka sa lalaking mahal mo. Mabuti nga yun dahil mas mararamdaman niya ang pagmamahal mo. Hindi kailangang ikaw lang ang pinapasaya at pinapakitaan ng magagandang gawi. Ikaw mismo, kailangan mo ding gawin ang lahat ng iyon para mas lalong lumigaya ang relasyon. Huwag na huwag mong uugaliin na dagdagan pa ang tampo at mapunta ito sa galit. Sige ka, baka ikaw din ang magsisi kapag hindi ka niya mapatawad ng mabilis.
Kung gaano mo kamahal ang lalaking iniingatan mo, ganoon mo din ito patunayan sa kanya. Huwag kang matakot at huwag mong paunahin ang pride. Lahat ng iyan ay maganda ang idudulot sa iyo at sa inyong pagsasama.
Sa lahat ng oras, kakaiba ang kilig na pinaparamdam ng taong mahal mo.
Hindi na kailangan ng maraming salita at maraming pangbobola. Hindi na din kailangan ng mga mabulaklak na pahayag para lang manakaw ang pag ibig na inaasam. Kadalasan, sapat ng ang malalambing na galaw at makahulugang pagsasama dahil dito pa lamang, panalo na ang isang taong nagmamahal. Nakakatuwang isipin na napapakilig tayo ng iisang tao lamang. Ang kilig na ito ay kakaiba sa lahat dahil may kakaibang damdamin na dumadaloy sa iyong puso - iyon ang tunay na pag ibig. Isang napakalaking bagay na mapakilig mo ang iyong iniirog. Isa din ito sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo. Hindi ka lamang kinikilig, lubos ka pang naliligayahan nang dahil sa pag ibig.
"Walang time eh."
Madalas, nagiging dahilan iyan ng mga karelasyon niyong hindi kayo magawang puntahan. Pwede din namang dahilan yan ng mga kaibigan na hindi man lang sayo makipagkitaan. Sa totoo lang, mali silang sabihin na wala silang time. Ang dami dami kayang oras, unlimited nga eh. Kahit natutulog tayo, tumatakbo pa din ang oras at hindi ito nawawala. Tao lang ang talaga ang may problema, hindi ang oras.
Kapag madami akong ginagawa at hindi makatugon sa tawag ng ibang tao, hindi ko sinasabi na wala akong oras para sa kanila. Sinasabi ko lang na busy ako o kaya hindi tugma yung schedule ko. Pero kahit kailan, hindi ko sinabing wala akong oras para sa mga bagay bagay. Pakiramdam ko kasi kapag sinabi ko yun, wala akong pagpapahalaga sa oras. Kaya naman, hindi ko nagugustuhan kapag may mga taong ganyan ang sagot sa akin. Mas matatanggap ko pa na sabihin nilang madami silang pinagkakaabalahan kaysa balewalain ang libu libong oras.
Mababaw pero pwede din namang maging malalim para sa iba. Pahalagahan mo ang bawat oras at huwag mong sasabihin na wala ito. Dahil darating ang panahon at papatak ang bawat oras na masasayang lang dahil sa kakasabi mo na walang ganito.
Sa bawat tampuhan, yakapin mo lang siya.
Hindi mo kailangang sigawan ang babaeng mahal mo para maintindihan niya ang mga bagay bagay. Minsan, hindi naman niya kailangan ng paliwanag mo. Ang kailangan niya ay ang pagmamahal mo. Hindi dapat na umabot pa sa mas malaking away ang mga tampuhan. Kapag umiiyak na siya, mas lalo mong iparamdam sa kanya ang pagmamahal mo at ayaw mo siyang nakikitang nasasaktan. Hindi solusyon ang hiwalayan sa mga tampuhan na kayang kaya namang ayusin ng mabuting usapan. Pinakamagandang magagawa mo ay ang yakapin siya ng mahigpit at huwag kang susuko sa pagpapagaan ng kalooban niya. Huwag mo ng dagdagan pa ang lungkot, palitan mo ito ng maraming kasiyahan at higit sa lahat ay pagmamahalan.
Hindi kailangan manglimos ng pag ibig.
Sa panahon ngayon, ang dami na talaga desperado at desperadong magkaroon ng karelasyon. Kapag wala silang boyfriend at girlfriend, parang mamamatay na. Mga taong hindi mapakali at panay panay ang panglalalandi para lang makapamingwit ng syosyotain. Minsan pa, sila pa ang mga hindi marunong magseryoso kaya nauuwi sa panglilimos ng pag ibig.
Kung single ka, huwag kang masyadong bitter. Huwag ka ding maiinggit sa iba at pilit na sisirain ang magagandang relasyon. Subukan mong maghintay at patuloy na magpagwapo o magpaganda. Subukan mo ding maging mas mabuting tao para yung karapatdapat ang dumating sa buhay mo.
Hindi mo kailangang maglupasay para lang magkaroon ng pag ibig. May tamang panahon para diyan, hinay hinay lang.
Kapag nalulungkot ka, think positive.
Bakit kaya hindi siya nagtetext?
Bakit kaya hindi siya tumatawag?
Iniisip niya din kaya ako ngayon?
Namimiss niya din kaya ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya?
Bakit kaya hindi siya nagpaparamdam?
Kung naiisip mo man ang mga bagay na iyan ukol sa karelasyon mo, huwag kang masyadong mapraning. Isipin mo na lang na may ginagawa siyang mahalaga na bahagi ng mga pangarap niya. Huwag mong iisipin na hindi ka niya naaalala o namimiss. Sa halip, mas pagbutihin mo ang pag alala sa kanya sa magandang paraan. Itext mo siya at bigyan ng mga sweet messages na makapagpapagaan ng loob niya. Kung hindi man siya tumatawag o nagtetext, malay mo naman, may mahalaga siya inaasikaso. Pwede din namang wala siyang load at ang pinakamagandang isipin ay ang posibilidad ng mayroon siyang ginagawang espesyal para lamang sa iyo.
Kapag nalungkot ka sa kabila ng pag iisip mo ng mga bagay na binanggit sa unahan, mas tinutulak mo lang siya palayo. Kaya dapat, huminahon ka lang at suportahan siya sa kung anuman ang ginagawa niya. Sa ganoong paraan, magagawa mong mas masaya ang inyong samahan.
I love those moments that you hold my hand, grab my waist, pull me closer to you and kiss me like hell. Itâs a great feeling. I want to cherish those moments all the time. I donât just love those scenes but I deeply love them. It is always the sense of how true love comes between us. Itâs not just all about lust because I know that youâre sincere in depth with your heart. I donât mind what other people may say because they donât really know what weâre doing and whatâs the meaning of true love. All that matters is that weâre here together and will fight for our love until the end.
Walang effort na nasasayang.
Lahat ng bagay na pinaghihirapan mo ay may magagandang maidudulot sa buhay mo. Hindi mo man ito nararamdaman agad, siguradong may tamang panahon para magkaroon ng kapalit ang mga sakripisyo mo. Minsan pa nga, kung sino pa ang hindi nag aasam ng kapalit, sila pa ang nakakaramdam ng pagpapala. Bastaât mag effort ka lang at maging masaya habang ginagawa mo ito.
Hindi man natin makuha kung anuman yung ninanais natin, sigurado namang may nakalaan na mas magagandang bagay para sa atin. Yung pagpupursige mo na maabot ang isang pangarap ay matutumbasan ng bagay na karapatdapat para sa iyo. Huwag kang mapapagod at kung hindi man tumugma ang lahat sa gusto mo, huwag mong iisipin na nasayang lang ang mga ibinigay mo. Walang sayang. Mayroon lang talagang nakalaan na mas tama para sa iyo.
Minsan, gusto kong sabihin sa dream followers ko na...
I-follow mo na kooooooooo! Pleeeaaaaseeeee.Â
Nagmamakaawa na.Â
âââââ-
Pero, hindi ko ginagawa yun. Nakakahiya kasi. Kung makapal na makapal lang siguro ang mukha ko, pwede pa. Pero, hindi talaga eh. Minsan, gusto ko lang talagang makita nila yung mga pinaghihirapan. Silang lahat ang inspirasyon ko dun. Silang lahat.Â
Kapag gusto ng sikat, gusto mo na rin.
Totoo talaga na kapag sikat ang isang tao, naiimpluwensyahan niya na din ang marami pang tao. Ang mga taong ito ay mga tunay na tagahanga. Maaari din namang sadyang kapareho lamang ng paniniwala. Pero minsan talaga, may mga taong sadyang papansin lang. Bastaât gusto ni idol, gusto ko na rin - ganyan sila.
Pinanganak tayo na may kanya kanyang kalayaan na maging kakaiba. Ngunit, hindi natin namamalayan na sa paglipas ng panahon, pilit tayong nabubuhay para maging katulad ng ibang tao. Iniidolo natin sila at patuloy na ginagaya sa mga ginagawa nila. Pag uugali, kagustuhan o mga kinaaayawan, pareho na kayo - ayon sa kagustuhan mong maging katulad niya.
Kung may iniidolo ka, gawin mo silang inspirasyon. Huwag mong agawin kung ano sila dahil mayroon ka ding para sa iyo.Â
Sometimes, hugs are much better than apologies.
You cannot easily erase the pain by saying âsorryâ. Do your move. Make her feel that youâre sincerely open to take chances just to give her happiness. When she is wrapped in your arms while youâre kissing her hair, she feels important. For her, it is a sign of love from you. Every girl deserves to feel the way they want to be loved. Likewise, if you did something reckless and made her cry, just do things to make her smile.Â
All your effort will not be wasted as long as youâre willing to do it. Give your best as much as you say âsorryâ a million times. Sometimes, apologies are not enough. Girls want to see that you are worth for second chances. Then, all you gotta do is prove it.
Ang babae, kapag nasasaktan, lalong gumaganda.
Siguro nga, iiyak ang isang babae matapos iwan, lokohin o saktan ng lalaking minahal niya. Maaaring madapa siya sa kalungkutan at malugmok sa sugat ng dulot nito. Pero kapag bumangon siya, diyan ka matakot. Lahat ng maaaring mangyari ay magiging maganda para sa kanya. Kapag nakita mo ito, baka pagsisisihan mo na iniwan mo pa siya.
Tunay na kahanga hanga ang mga babae na nagagawang pagandahin ang panloob at panlabas nilang katangian sa kabila ng sakit na nararamdaman. Alam nating lahat na karamihan ng mga babae ay ganito. Hindi man mabilis na nakakabangon, ngunit kapag lumakas na muli siya ay totoong mas lalo mo siyang hahangaan. Para sa mga babae, hindi sapat na saktan mo kami para lang masabi mo na masisira ang buhay namin. Sa halip, ito pa nga ang nagiging daan para sa mas magandang oportunidad na makilala ang lalaking karapatdapat.
Walang pumapangit kapag nasasaktan. Pumatak man ang luha at magmarka ito sa mga mata, doon maikukubli ang tunay na kagandahan. Mas nagiging masaya ang buhay ng isang babae kapag pinipili niyo na iwanan kami. Ito ay hindi dahil lantad ang hilig namin sa lalaki. Ito ay dahil sa nakamit namin ang kalayaan at matatagpuan din namin ang tunay na kaligayahan sa piling ng taong dapat naming makasama.
Minsan, mas mabuti pa talagang huwag na lang makialam.
Dahil kahit pa maging plastic, prangka o mabait ka, may masasabi pa din sa iyo ang ibang tao. Kahit nga nagpapakatotoo ka na, kung anu ano pa din ang pinapahayag nila ukol sa iyo. Mahirap intindihin ang ilang tao na hindi naiintindihan kung ano ka ba talaga. Kaya minsan, mas mabuti ng huwag alalahanin ang nasa paligid mo. Wala ka ng magiging problema, wala pang masasabi sa iyo ang ibang tao.
Parang walang nagbabasa.
Sa mga baguhan sa Tumblr, naranasan niyo na bangÂ
wala man lang nagrereact sa posts mo.
ang tahimik ng inbox mo.
kahit isang note, walang napupunta sa post mo.
parang invisible ko pagdating sa dashboard.
malungkot dahil parang walang nagbabasa ng posts mo.
Naranasan nating lahat iyan. Yung tipong para na tayong ewan dahil wala namang nakakapansin ng mga ibinablog natin. Hanggang sa malaman natin na mali palang sabihin na walang nagbabasa. Mas tamang sabihin na wala pang nagbabasa.Â
Siguro, may pagkakataon din na nawalan ka nga gana at naisip mong âPara saan nga ba ang mga sinusulat ko?â Buti na lang, sa halip na sumuko ka, nagpatuloy ka dito at nagkaroon ng sariling direksyon. Doon mo nalaman na lahat pala ng ginagawa natin ay magkakaroon ng kabuluhan kapag hindi natin inisip na para sa ibang tao ang ginagawa natin. Ito ay para sa sarili natin. Kaya kung nararamdaman mo na parang walang nagbabasa, huwag mong hayaang maramdaman mo pa iyan ng masa matagal. Blog lang ng blog, sulat lang ng sulat. Hindi mo mamamalayan na nasa iyo na pala ang iyong kagustuhan.