Procrastination = tamad. Ano nga ba yung dahilan?
Ang lungkot lang isipin na parang ang daming galit sakin dahil sa mga maling ginawa ko lately. Mas madaling matandaan yung mga mali mong ginawa kesa sa mga magandang nagawa mo. Kung gusto kong baguhin yung ugali ko ng ganun kadali lang walang problema naman dun. Actually mas gusto ko nga yung ganun. Lahat ng sinasabi nilang advice sakin narinig ko na matagal na.
"iconsider mo yung time ng iba."
"may binigay na nga na alotted time na mahaba para gawin yan."
Sa totoo lang hindi ko din alam. Wala akong explanation na valid para sa inyo.
Ang valid lang is nakita nyo na hindi nanaman ako nakapagpasa ng maaga. Kaya yun na yung nabind nyo sa pagkatao ko.
May thought kasi na tumatakbo sa isip ko na baka ma-fuck up ko nanaman yung mga ginagawa ko e. Ayokong magkaron ng impulse decision kasi dami ko nadin nabullshit na sitwasyon dahil dun.
Gusto ko lang din maayos yung gagawin ko.
Natatakot akong gawin pero lagi kong tinititigan yung canvas. Ang ironic diba?
Ang dali ko ma-overwhelm sa sitwasyon. KAHIT maghugas ng plato nalang. Sinasabon ko tapos hinuhugasan ko isa isa dahil bumibigat yung dibdib ko pag ang dami ko nang nasasabunan pero wala padin akong nababanlawan. Invalid reason yun diba?
Sa totoo lang alam ko naman talaga mali ko. SOBRANG alam ko. Naiiyak nalang din ako minsan na kasalanan ko kung bakit nafuck up yung isang bagay. Mas mabigat sa dibdib kung may nadamay din akong ibang tao.
Masama na ba kong tao kung ganun?
Gusto kong hindi na magfunction sa totoo lang.
Lalo na ngayon, feel ko worthless yung mga ginagawa ko. Dahil wala nga akong output lately e. Parang pinaspasan pa yung mga recent ko na pyesa. OO dahil minadali ko talaga. GETS ko din na kasalanan ko din.
Ang sarap maging normal na tao (Punctual, sa totoo lang.) Kasi wala kang problema. 2 weeks before deadline napasa mo na. 1 week before. 1 month before. Galing diba?
Pero ako, wala. Nung mga panahon na yan overwhelmed ako sa lahat. Dahil ang dali ko nga ma-overwhelm e. Kasalanan ko talaga.
Lord please lang. Gilitan nyo nako ng leeg kasi ang hirap hirap magfunction kung ganto lang din.
Wag nyo nadin sabihin na labanan ko. Or "gawin ko nalang" putang ina nyo kung uulitin nyo pa yun.
Nadodown lang din ako dahil feeling ko parang worthless na talaga yung ginagawa ko dahil napupunta lang sa wala yung mga ineeffort ko.
Hirap mabuhay. Pero ang dali pag maaga ka.
Napapagod na ko ulit ulitin yung mga salita na yan. Lalo na kung hindi ka makagalaw kahit sinasabi na sayo ng utak mo na gawin mo na.
Lord. Bakit ba ako pa napili mo na maging ganto. Gusto ko lang mabuhay ng maayos. Wag mo na dagdagan problema ko.