Pahiram sa tadhana
Napakasayang isipin na sa bawat pagbukas muli ng mata, at sa pagharap sa panibagong araw ay alam kong makakasama ulit kita.
May halong mang kaba, pawis, kabog ng dibdib ngunit alam kong duon ko naramdaman ang mabuhay muli.
Ang makaramdam ng panibagong init, ang pagbanat ng mukha mula sa mga mata at bibig na nakangisi.
Kaya ito tayong muli, sa panibagong pahina ng buhay natin.
Walang oras, araw o panahon ang sasayangin kapag kasama ka.
Dahil sa bawat oras na kasama ka o kausap, hindi lang pagmamahal o saya lang ang nararamdaman sayo. Kundi may takot, takot na mawala kang muli.
Dahil ang makasama ka, alam ko may darating na balang araw mawawala ulit to, itong mga saya diba?
Itong nararamdaman mo.
Alam ko babalik ka muli sa araw na maiisipan mong ayaw mo na,
o kaya magising ka bigla mula sa maganda mong paligid at haharapin mag-isa ang realidad ng sariling buhay.
Akin ka, at iyong iyo lang ako.
Ngunit bakit ramdam ko parang hiram kalang sa akin ng tadhana, pakiramdam ko hindi ka buong magiging akin?
Pinangunahan na naman ba ako takot? O kaya ba napagisip isip ang mga ganitong bagay dahil sa mga pinaparamdam mo?
Kung makaramdam ako muli ng panlalamig saâyo, handa mo ba akong bigyan ng mainit na yakap mo?
Kapag ba tumakbo ako, hindi ka ba susuko at hahabulin mo nalang ako?
Akala ko sa tadhana ako nagpapadaloy, kung saan man niya ilagay duon lang ako,
pero sa pagkakataong ito.Â
Ikaw,Â
ikaw sa kung saan naka-depende ako saâyo,
dahil sa bawat kilos, o sasabihin mo
gagawin ko at pakikinggan ko
dahil pag nagmahal ka hindi pwedeng dalawa ang maging tanga, di pwedeng dalawa ang magparaya,
ngunit sa pagkakataong ito dalawa ang pwede kong piliin
ang ipaglaban o isuko ka.
Ngunit naglalaban ang dalawang takot sa akin
ang takot na ipaglalaban kita kahit walang kasiguraduhan at ang takot na kapag isuko ka ay alam kong wala nang magiging kasunod na panibagong araw.














