hindi sa pagkamatay natatapos ang lahat.
maraming klase at paraan ng pagkamatay ang maaring ilagay sa death certificate ng isang tao, pero madalas may kaakibat din 'yang kaso. meron pang nahahati ito sa aksidente, pagkasala, at ang malupit sa lahat? 'yung sadya—at kung sisipatin mong maiigi, dalawa pa 'yan—sadya na dala ng galit, poot, at paghihiganti; at sadya na puno ng pait, paghihirap, pagtangis, paghihinagpis, at ang kasabikang makapagpahinga nang hindi lang sandali.
totoong hindi sa pagkamatay natatapos ang lahat—at lalong hindi rin dun nagsisimula ang buhay na minsang hindi sapat. dahil ang totoo niyan, kahit nahinga pa ako, para na rin akong namamatay dito sa mundo. naranasan ko nang mamatay nang ilang beses dito na parang may sapusa ako, siyam na rin siguro: minsan na akong 𝙣𝙖𝙡𝙪𝙣𝙤𝙙 sa mga boses sa utak kong pilit akong binubulungan at minamanduhan, nalunod sa mga boses sa paligid kong nagsisigawan; 𝙣𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙨𝙖𝙖𝙣 na rin ako ng mga rumaragasang masasakit na salita't truck ng pagkaasam; nariyan pang 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙨𝙤𝙣 ako ng mga salitang hindi ko inaasahan; 𝙣𝙖𝙗𝙖𝙧𝙞𝙡 na rin ako ng kanilang mga mapangahas na tingin; pinilit nilang hindi ako makahinga at 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙠𝙖𝙡; 𝙜𝙞𝙣𝙪𝙩𝙤𝙢 nila ako't 𝙞𝙣𝙪𝙝𝙖𝙬 sa inaasam kong pagtanggap sa'kin; ang kanilang mga ginagawa'y sadyang 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙝𝙞𝙬𝙖, halos dugo na ang balat ko't kawawa; at ang huli na inaakala kong makakatakas na ako sa lahat—ang 𝙥𝙖𝙜-𝙞𝙣𝙤𝙢 𝙠𝙤 𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙣𝙙𝙖𝙢𝙖𝙠𝙢𝙖𝙠 𝙣𝙖 𝙜𝙖𝙢𝙤𝙩, kasingpait pa nito ang pasan ko, na inakala ko pang maiibsan kapag uminom ako.
ngunit hindi talaga sa pagkamatay natatapos ang lahat—dahil hindi mo talaga matatakasan nang basta-basta lang ang bigat.
hindi sa pagkawala ng hininga at buhay natatapos ang lahat, dahil kung tutuusin, lumisan man tayo'y may maiiwan pa ring malungkot at madilim na bakas. at hindi lang dun natatapos ang lahat.
pero ano nga ba ang pakiramdam kapag nakatakas ka na sa lahat ng bigat?
kung ang pagkamatay ko man ay pagluluksaan ng lahat.