Pandemic pa rin!
I guess it's okay to have a post in Tagalog once in a while :)
Ang pandemic na to ay masyado nang matagal. Nagsimula noong March 2020 at ngayon ay January 2022 na. Isipin mo kung ilang taon na tayong naka-face mask at naka-hermit life.
Napakapalad ng mga kaya magpatuloy magtrabaho sa bahay #workfromhome at mga taong may sariling sasakyan dahil hindi na nila kailangan gumamit ng pampublikong transportasyon na mas mataas ang exposure sa covid-19. Take note, nakailang mutation na ang virus at ang pinakabago ay ang tinatawag na Omicron na sadyang nakakahawa kaysa sa Delta noong 2021.
Ako ay nagpapasalamat naman sa mga natutunan at napagnilayan nitong pandemya. Mahirap pero natuto akong mag adjust at maging techie kahit papano. Pero nakastress ang online working lalo na kung maghapong nakaupo at nasa harap ng laptop.
Panalangin ko na sa susunod kong post ay wala nang health protocol at nagbalik na sa katulad ng dati.
Ikaw kaibigan, anu ang mga natutunan mo ngayong pandemya?

















